Chapter 2 - Kiss Sa Cheeks

19 1 0
                                    

Chandy's POV

Nakikita ko na na palapit na dito sila Ford, Quen and Iñigo.

"Hey girls!" Sabi ni Quen

"Yow! Haha!" Sabi ni Cheska.

"Uhm. Ano kakainin mo Chandy?" Tanong sa akin ni Ford. Sabay akbay sa akin. YAN! Yan ang ayaw ko. Masyadong talande (malandi) 'tong lalaking 'to. Akala mo kung sinong gwapo. Tss. But, just go with the flow Chandy.

"Uhm. Kahit ano na lang." Sabi ko sabay smile. Kahit naman siya parati kong kaaway at ayoko sa kanya. Friend ko pa rin yan. Over nga lang sa pagka-talande.

Boys kasi ang kumukuha ng foods namin, since si Cheska may Iñigo, si Liza naman may Quen, ako naman may Ford. Joke lang! Ul*l. Siya lang taga-kuha ng pagkain ko. Alangan namang tatlo ang kamay ni Quen at Iñigo para kunin pagkain nila at ng girl nila. Duh! Kaya no choice. Si Ford kumukuha ng pagkain ko.

Linapag na nila yung pagkain namin.

"Okay na ba 'to Chandy?" Tanong sa akin ni Ford sabay turo sa velvet cake na nasa harap ko. Oh my! VELVET!

"Oo naman. Paborito ko yan eh. Salamat." Sabi ko, tapos umupo na siya sa tabi ko.

Bale, ganito posisyon namin:

Quen x Liza x Cheska x Iñigo
T A B L E
*chair Chandy x Ford *chair

So, yeah.

"Wait.. Babe, may ano ka.." Sabi ni Iñigo at kumuha ng tissue para punasan yung gilid ng lips ni Cheska na may ketchup, Fries kinakain niya eh.

"Ayieeeee!" Asar naming lahat sa kanila. Nakita kong nag-blush si Cheska, si Iñigo naman nag-smile tapos inakbayan si Cheska. Ako kaya? Kailan kaya ako magkaka-boyfriend na gaya ni Iñigo? Hay. Swerte ni Bestie/Bes.

"Wag kang mainggit, nandito naman ako." Sabi ni Ford sa akin sabay kiss niya sa pisngi ko. What the fudge!

"FORD NAMAN EH! ERR.. KADIRI KA!" Medyo napasigaw ako. Pinunasan ko naman yung part na hinalikan niya sa cheeks ko gamit yung tissue.

"Hahahahahahaha!" Tumawa silang lahat maliban sa akin. Kainis naman sila. Kung pag-uumpugin ko kaya sila.

"Sus! Pakipot ka pa Bes!" Sabi sa akin ni Cheska. Hay naku naman!

"Duh Bes! Duh? Fyi, hindi ako nagpapakipot. Ew. Si Ford? Yuck!" Sabi ko sabay irap ko kay Ford. Natigil sila sa tawa.

"Kung makapag-yuck ka naman Chandy kay Ford." Sabi ni Quen na medyo nainis ata sa sinabi ko tungkol kay Ford. Urgh. Tingnan mo? Tapos ako nanaman may kasalanan? Araw-araw na lang. Tapos ako ang magsosorry sa huli. Kaya no choice. Kailangan kong humingi ng sorry.

Magso-sorry na sana ako nang mag-ring na ang bell. Which means tapos na ang break time.

Bumalik na kami sa classroom namin. Nakita namin sa White Board na may nakalagay na "FREE CUT." Oh yeah boy! Nakalagay rin ang reason kung bakit. Nasa contest pala yung subject teacher namin for our school. National contest for English poem writing.

Pumunta na lang kami sa Garden. 2 hours pa bago mag-uwian eh.

Lumapit ako kay Ford na nakahiga sa grass carpet sa ilalim ng puno. Sila Cheska at Iñigo ang sweet, si Quen naman at Liza, ayun nagliligawan. Kaya OP kami ni Ford. Walang lovelife eh.

"Huy Ford!" Sabi ko. Binukas naman niya yung mata niya sabay upo. Umupo naman ako sa tabi niya.

"Ano yun Chandy?" Tanong niya.

"Himala! Di ka nakikipagladian kay Erycka." Pang-aasar ko sa kanya.

"Kakasawa kasi." Nainis naman ako sa kanya.

"Wag ka ngang ganyan. Babae pa rin kaya yun. Dapat nga tinitigil mo 'yang ginagawa mo sa kanya. Pinapaasa mo siya na liligawan mo siya. Masakit yun." Sabi ko sabay batok sa kanya.

"Hindi naman siya gusto ko eh. At di ko rin naman siya mahal. Mas-okay na yung fling lang." Pag-explain naman niya.

"Ah ganun? Eh bakit kasi dun ka na lang sa taong gusto o mahal mo? Baka sakaling mabago 'yang ugali mong mas-talande pa sa babae." Sabi ko sa kanya.. at di ko alam kung bakit natanong ko 'to sa kanya.. "Sino ba yung gusto o mahal mo?"

"Paano kung.." sabi niya at parang binitin yung sasabihin niya.

"Kung?" Tanong ko sa kanya.

"Paano kung ikaw?" Tanong niya sa akin. Ako lang nam-.. HALA?! Ano raw? AKO?!

"H-huh? Ako? B-bakit nam-.." Naputol yung dapat sasabihin ko nang biglang tumawa ng malakas si Ford.

"HAHAHAHA! CHANDY, YOU SHOULD'VE SEEN YOUR FACE." Tawa siya ng tawa habang tinuturo mukha ko at yung isang kamay niya nandun sa tiyan niya dahil sa sobrang tawa niya.

"As if naman magkaka-gusto ako sa'yo. Yuck!" Sabi ko naman.

"Huh? Bakit? Di naman kita tinatanong kung may gusto ka sa'kin ah? Pinagsasabi mo? Hahaha!" Sabi niya at patuloy pa rin ng tawa.

Oo nga naman? Bakit ko nga ba yun sinabi? Tss. Bahala na nga siya.

"Huy Ford! Wag ka na ngang tumawa diyan. Tss. Sorry pala kanina ha! Di ko naman sinasadya na sabihan ka ng 'Yuck!' eh. Ikaw naman kasi eh, bakit mo kasi hinalikan yung cheeks ko? Naman kasi." Sabi ko at yinugyug ko siya.

"Okay lang." Sabay akbay nanaman niya sa akin at hinila ako papalapit sa kanya. Urgh! For Pete's sake!

"Pwede ba?! Wag mo kong itulad sa mga babae mong may gusto sa'yo! Kasi iba ko sa kanila. At kahit kailan. Hinding hindi kita magugustuhan." Sabi ko sa kanya na may halong inis. Sabay tayo at umalis sa tabi niya. Pumunta ako kanila Cheska, Liza, Iñigo, at Quen na nagk-kwentuhan.

Nakita ko na parang pinunasan ni Ford yung bandang mukha niya ng kamay niya. Parang umiiyak siya. Di naman ata. Baka napuwing lang. Pero hindi eh. Tumakbo siya sa kung saan man. Di ko alam kung saan siya pumunta. Siguro kay Erycka nanaman.

"Uh. Punta muna kong C.R. guys." Pagpaalam ko sa kanila.

Nasa corridor ako. Naglalakad. Nakita ko naman si Ford at Erycka. Nasa may bandang locker sila. Naghahalikan nanaman. Err. Kadiri sila. Napa irap na lang ako. Pero.. bakit kaya pumapayag si Erycka na ganyanin siya ni Ford? Kung ako siya. 'Di ako papayag, kasi alam ko naman sa sarili ko na di ako mamahalin or kahit magugustuhan lang ni Ford.

Pumasok na ako ng C.R. at pagkatapos. Bumalik na ako sa Garden.

-
A/N:
Maybe I'll update later or tommorow. :)

Part Published: July 25, 2015

Womanizer's Secret Wife (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon