Zin POV
"***** University..." Mahinang pag basa ko sa pangalan ng unibersidad na pinapasukan ng kapatid ko.
Masasabi kong napaka eleganteng tignan ng university'ng ito. Kulay abo ang may kataasang pader nito at gate na may dalawang security guard ang nakabantay.
Tutuloy na sana ako papasok pero hinarangan ako ng isang gwardya.
"Good morning, Sir Ryle." Panimula nito. "You need to scan your face first before you can enter,Sir." Duro nito sa scanner sa kanang bahagi ng gate, naglakad ako papunta doon at inilapit ang mukha ko sa eye scanner tapos non ay tumayo lang ako sa harap non.
"Uhh Sir Ryle?" Tawag sakin ulit ng gwardyang humarang sakin,binalingan ko to ng tingin saka itinaas ang kilay na nagpapahiwatig na nag tatanong ako.
"Parang may iba ngayon senyo,Sir. Parang..." Guard 1
"Para kayong lumiit ng 2 inches, Sir. Sa pagkakatanda ko kasi hanggang ilong ko kayo eh ngayon nasa labi nalang." Pagpapatuloy ni Guard 2.
"Ahh. Ah-eh HA-HA-HA-HA ilusyon nyo lang po iyon kuya hehe." Awkward na tawa ko saka umiwas ng tingin para makaiwas sa mga tingin nila, baka mahalata rin nila ang iba pang pagkakaiba namin ng kambal ko lagot na.
"Saka..." di natuloy ni kuya Guard 1 ang sasabihin ng tumunog ang scanner, tunog error.
Patay na
Kunot nuo akong tinignan ng dalawang gwardya, ang isa sa kanila ay huhugot na sana ng baril. Oo may baril ang mga bantay dito.
Dahan dahan silang humahakbang pauntang direksyon ko habang ako naman ay paatras ng paatras habang naka taas ang dalawang kamay. Magsasalita na sana ako ng may marinig kaming tumatawag sa pangalan ko raw.
"Zew!" Tawag ng kakarating na si Scent. Nilapitan nya ko saka ako hinalikan sa pisngi.
"Love, sorry na late ako, late na ko nagising eh." Malambing na pagkausap sakin ni Scent habang nakakapit sa kanang braso ko.
Ngayon lng nag sink in sa utak ko na hindi lang pala ako mag papanggap na si kuya bilang estudyante, kasama pala ang pakikipag relasyon kay Scent. Kung nagkataong hindi alam ni Scent ang pagpapanggap ko malamang nahuli nako.
"Hey, it's fine, Love." Hinalikan ko ito sa nuo gaya ng ginagawa ni kuya sa kanya nuong nasa Secondary school pa kami. " Good morning, btw." Buti nalang natural na malalim ang boses ko kaya hindi mahirap ang pailalimin pa to at gayahin ang boses ng kambal ko.
Lumapit si Scent sa eyes scanner at ilang sandali lang ay nag tunog error din yun kaya naman humarap si Scent sa mga guard na gulat sa nangyari.
"Kuya Anton, I think the eye scanner is broken po can you check our I.D nalang po I really want to go inside na eh." Soft tone ang boses ni Scent habang kausap nya ang mga ito. Napapataas tuloy ng kilay ang inner self ko.
I wonder if kuya knows about this.
Tumango naman ang dalawang guard saka chineck ang i.d namin at buti nalang talaga dala ni Scent yung akin I mean yung I. D ni kuya bago sya lumingon ulit sakin. "Love, let's go na? I didn't eat breakfast eh samahan mo ko sa cafeteria." Tumango nalang ako saka nagpahila sa kanya, nang palagpas na kami sa dalawang gwardya ay niyukuan ko na lamang ang mga ito na takang tinitignan pa rin ako.
****
"Buti nalang talaga prepared ako." Panimula ni Scent pagkalapag nya ng inorder nyang mga pagkain. "I used contact lens para mag error ang eye scanner. So we have a reason para ma edit ang info natin sa scanner well we just need your eye info though. Kung hindi kita naabutan kanina malamang sa malamang huli ka."
YOU ARE READING
Disguising as My Twin Bro
De TodoZin and her twin brother have remarkably similar features. Just a different personality, but everything remains the same. Many things changed as they parted ways in college. Zin lives a simple life far from where she was born and raised, nevertheles...