It takes time to heal and to love yourself. Hindi siya 24/7 na mangyayari agad.
Kelangan munang yakapin yung sakit, galit, hinanakit sa mundo. Kelangan mo munang malabas lahat ng emosyon, kelangan mo munang mapagod— bago tuluyang mahalin ang sarili.
It was year 2017, 13th of February— walking alone in the night. Praying to God that hope He will send me a miracle and hope He's with me 'cause I am so tired.
The miracle that I asked Him was painful truth of life. I asked Him a miracle, hindi panibagong trauma.
Pagod na pagod na pagod na ako sa sakit. Gusto ko, maging malaya naman.
-
-
-I asked God if He really exists. Dahil sa nangyari, sinisisi ko Siya. Sinabi kong galit ako sa Kanya. Lahat ng notes ko about His Word and even my Bible— sinunog ko dahil sa galit at sakit.
Ang dali sabihing kaya mo yan, pero kapag pala nasa katayuan ka na— sobrang hirap pala talaga.
Hindi ko pinagsisihan ang mga desisyon ko sa buhay kung bakit umabot sa traumatic— dahil kasi dun natututo ako.
Natuto akong lumaban, natuto akong bumangon mag-isa, natuto akong pahalagahan ang buhay na meron ako ngayon kasi hindi lahat ng tao— nabibigyan ng ibang pagkakataon.
-
-
-
Halos araw-araw akong umiiyak, tinatanong ang sarili kung san ako nagkulang. Dati, hindi ko pa naiintindihan ang lahat. Hindi ma-proseso ng utak, pero ngayon— NAIINTINDIHAN KO NA KUNG BAKIT.
-
-
-