I would live a thousand years and die a thousand times just to find you.
Ayra stared out through the living room blinds. Raindrops were starting to drippedthrough the window. People running in no particular direction, finding something that will shelter them from the crying sky.
Napatingin si Ayra sa repleksyon niya sa salamin. Her reflection was shouting of a modern woman. Binigyan siya ni Kristel ng bihisan kaya ang suot niya ngayon ay kasuotan ng isang babae na nabubuhay sa panahong iyon. Sa una ay nanibago siya sa ayos niya. Kung gaano kamoderno ang kasalukuyan ay gano'n din ang ayos niya sa ngayon. Sa napakarami niyang taon na nabuhay ay nasanay na rin si Ayra na pakibagayan ang panahon. Ngunit kakaiba ang panahon kung saan nasaan siya ngayon. Maingay. Napakaraming tao. Napapaligiran ng mga nagtataasan at patong-patong na bloke ang paligid, na ayon kay Kristel ay mga gusali daw. Ayra didn't also like the breeze. The air had a faint taste and smell of a smoke, more a loss of the fragrance of the grass and herbage. Marahil iyon ay dahil sa wala na rin siyang makitang masyadong mga puno sa paligid. Kakaiba din ang mga poste sa panahong iyon. Kung ang mga nagdaang panahon ay sapat lamang na mabigyan ng ilaw ang isang kanto. Sa panahon na iyon, ang mga poste ay naadurnuhan ng tatlong magkakaibang kulay ng pula, dilaw, at berde. Hindi niya lubos maisip kung bakit, gayo'ng hindi naman iyon masyadong nagbibigay ng liwanag sa paligid.
"Ayos ka lang ba dito?"
Hindi na nag-abala pa si Ayra na lingunin ang may-ari ng boses na iyon. Bukod sa dalawa lang naman sila sa bahay na iyon, ay nakikita niya din ang repleksyon nito sa salamin.
"Oo, maraming salamat."
"Naihanda ko na nga pala ang matutulugan mo. Kung inaantok ka na, puntahan mo na lang 'yong kwarto sa pinakadulo ng pasilyo," narinig niyang wika nito. "Sige, alam kong pagod ka na. Bukas na lang natin pag-usapan ang lahat." Pagkatapos nitong sabihin iyon ay narinig ni Ayra ang muling pagbukas-sara ng pinto.
Napabuntong-hininga si Ayra. Hindi pa man nagpapakita ang haring araw ay may mga nabuo ng plano si Ayra sa kanyang isipan. Sana nga lang ay umayon sa kanya ang tadhana.
.
MATAMANG pinagmamasdan ni Ayra mula sa salaming dingding ang mga taong naglalakad sa labas nang coffee shop na iyon. Iba't-iba ang ritmo ng kilos ng mga tao. May isa siyang lalaking nakita na naglalakad na tila hinahabol ng pinagkakautangan nito. Patingin-tingin ito sa suot nitong orasan at tila may kausap na kung sino sa hawak-hawak nitong aparato. Mayroon din siyang nakitang tila pag-aari nito ang daan kung makapaglakad. Binubunggo nito ang lahat na humahara sa daanan nito, at hindi man lang magawang humingi ng paumanhin sa mga taong nabunggo nito. Kung hindi man nanahimik ay umiismid na lang ang mga iyon na tila m-in-urder na ang taong bumunggo sa mga ito sa isipan. Mayroon ding babaeng pusturang pustora ang ayos gayon din ang kilos nito. Taas noo itong maglakad habang umiindayog ang balakang pakanan at pakilawa.
"Miss Ayra?" Nagtaas nang tingin si Ayra mula sa pagtanaw sa labas. Nabungaran niya ang nakangiting babae habang nakatuon ang mga mata nito sa kanya.
"Yes," she confirmed.
"Here's your order ma'am." Inilapag nito ang paper bag na naglalaman ng in-order niya. "Ma'am, pwede ko po bang makita sandal ang resibo ninyo?" magalang nitong tanong sa kanya, hindi pa rin napupuknat ang ngiti sa labi.
Tumango siya at ibinigay ang resibo na hawak-hawak lang naman niya. Inabot nito iyon at tinatakan. Ibinalik nito iyon sa kanya. Nagpasalamat, saka naglakad palayo.
Inabot ni Ayra ang paper bag. Isinukbit niya ang shoulder bag at tumayo. Tinungo niya ang pintuan palabas ng establesimyentong iyon. She pushed the door and was greeted by cold breeze. Idinampi ni Ayra ang mga palad sa hawak-hawak na paper bag upang kahit papaano ay makakuha ng init mula sa kape na nasa loob niyon.
BINABASA MO ANG
EXTRASENSORY (ON HOLD)
Science FictionTEASER: What if you were given a gift? A gift that is not usually given to anyone. Gagamitin mo ba ito para makaiwas sa kamatayan? O gagamitin mo ito para makatulong sa ibang tao? Maituturing nga bang isang malaking pribilehiyo ang mabigyan nang nat...