Chapter 1-The Dream

557 16 6
                                    

It was on the month of April when I started dreaming of a place which is naked of everything. A place where no one is around, where darkness envelopes the light, where the grass' and the trees and everything that were supposed to be living...are lifeless. The sky was as dark as a raven but it was bare of the twinkling of the stars. The shape of the moon was too perfect that you might think of someone coming out to drain your blood. I can feel myself as part of that world. I can feel my feet touching the rough sand. I can feel the cold breeze kissing my cheek. But everytime I would try to look at my reflection on that dead river...I would see nothing. Nothing but the image of that world.

Napamulat si Mia mula sa pagkakatulog. Tulad nang dati'y napanaginipan na naman niya ang mundong iyon. Ang mundong tila parte na ng pagkatao niya. Bumangon siya at pinunasan ang mukhang punong-puno ng pawis. She went off the bed and headed the terrace. She watched the sunrise break the darkness.

"Panaginip lang 'yon, Mia. Panaginip lang," she whispred. A dream. A real dream in my fake world.

Napahawak siya sa dibdib niya. Her heart was beating erratically. Napadaing siya nang sumakit iyon. Palaging gano'n. Sa tuwing nananaginip siya pakiramdam niya ay hinihigop niyon ang buong lakas niya...her life energy.

"Mia! Lumabas ka na diyan or you'll be late for school!" Mia heard her Mom nagged. "Tanyang! Nasa'n na ba 'yong hinihingi kong juice?! Ang simple simple nang utos ko hindi mo pa magawa nang maayos! Estupida!"

"Ano ka ba naman, Meldred. Keh, aga-aga tumutungayaw ka na agad na parang serena ng ambulansiya! Nakakahiya sa mga kapitbahay!" Narinig niyang reklamo ng Papa niya.

"Eh, bakit bah?! Pakialam ba nila sa buhay natin! At ikaw! Nasaan ka na naman ba kagabi? Siguro nandoon ka na naman sa babae mo!"

"Puro ka suspetsa! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wala akong babae! Hah! makalayas na nga sa impiyernong bahay na'to!"

"Hoy, Antonio! Where do you think you're going? Hindi pa tayo tapos mag-usap! Antonio!"

Napapikit siya at tinakpan ng kamay ang dalawang taenga niya. Pagod na pagod na siyang marinig ang mga salitang 'yon. Ang pag-aaway ng mga magulang niya. Ang pambabalewala ng mga ito sa kanya. Napapagod na siya. Her life definitely sucks!

Dahan-dahan niyang ibinaba ang mga kamay niya nang masigurong wala na siyang maririnig na mga salitang iiniwasan niya.

"Ma'am Mia?" It was followed by a light knock on the door. "Nakahanda na po ang almusal niyo. Nalinis na rin po ang kotse para sa pagpasok ninyo." Then silence.

She let the morning air fill her lungs. Bahagyang lumuwang ang paninikip ng dibdid niya. She went back inside her room, fixed herself, and got ready for school. Lumabas siya ng kuwarto at dire-diretsong binagtas ang daan palabas ng impiyernong bahay na iyon. Hindi na niya pinansin ang pagtawag ng katulong at driver nila. Mas gusto niyang maglakad. Mas gusto niyang mapag-isa.

Sumakay siya ng bus at umupo sa pinakadulo niyon. Nilagyan niya ng earphone ang taenga niya at pumikit.

Explosion. Dead people. Screams. Distress cries.

TULUNGAN MO KAMI!

Sisinghap-singhap na napadilat si Mia habang sapo-sapo ang kanyang dibdib. Naramdaman niya ang tagaktak ng pawis sa kanyang noo.

Napatingin siya sa unahan ng may nagsalita. "Nakuh! May banggaan na naman daw. Pehadong mahaba na naman ang trapik."

Binalewala niya iyon at inayos ang earphone na natanggal sa taenga niya. Ibinaling niya ang paningin sa labas ng bintana. Natigilan siya nang makita ang Gasoline Station. Agad niyang inilayo ang paningin sa lugar na iyon at itinutok sa ibang direksyon.

EXTRASENSORY (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon