Part title

47 0 0
                                    

Part 17




"I'M sorry, I didn't mean to ignore you. Ano na uli 'yung sinasabi mo?" apologetic na sabi ni Neo kay Krista habang kumakain sila nito sa isang restaurant.
     Dalawang linggo na silang nagdi-date ng babae at masasabi niya namang nagkakasundo agad. In fact, sa lahat ng mga babaeng na-involve sa kanya ay si Krista ang mabilis niyang nakapalagayan ng loob.
     "Oh, I was saying kung gusto mong manood ng movie after ng dinner? Maaga pa naman at wala akong trabaho bukas."
     "Sure," nakangiting sabi niya rito at napasimangot bigla nang nag-vibrate ang kanyang smartphone mula sa bulsa ng pantalon.
     Gagong Cole. Ayaw siyang tantanan sa kakukulit na manood ng live show mamayang gabi. Kanina pa ito text nang text at nagsawa na siya sa kakasagot.
     Sumipsip ang babae sa iniinom nitong raspberry lemonade. "Mukhang importante yata ang kausap mo?" saka nakangiti nitong usisa.
     "It's my..." Napakunot ang noo niya sa nabasang text na hindi pala galing kay Cole. "...my brother. I'm sorry about that. Tawagan ko na lang siya if you'll excuse me."
     "Go ahead, Neo."
     Lumabas si Neo sa patio ng restaurant at tinawagan si Clay. "I'm on a date. Kumakain kami ngayon ni Krista."
     "Makulit si Mommy. She wants us there at my house by seven. Mag-o-overtime nga sana ako pero tinawagan niya ako kanina at sinabihang siguraduhin ko raw na makakauwi ka rin."
     "Shit. Nasabi ko na kay Krista na manonood kami ng sine."
     "Sabihin mo, bukas na lang."
     Maasim na napatawa si Neo. "Ang dali mong magsabi ng ganyan dahil sanay na sanay kang magtaboy ng mga babae."
     "Just get your ass home, Neo," bossy na parting words ni Clay at binabaan na siya nito ng telepono.
     Hiyang-hiya si Neo na nagpaliwanag kay Krista at mas lalo pa siyang nahiya nang walang anuman iyon para rito.
     "I'll make it up tomorrow, I promise. We'll go wherever you want. Walang iistorbo sa atin, kahit may mag-landing pang UFO sa EDSA."
     Tumawa ang dalaga. "I really like your sense of humor, Neo."
     See? How could he disappoint her? Wala na siyang mahahanap na babaeng tulad nito na nakakasundo niya sa lahat ng bagay. But then again, siya na rin mismo ang nagsabi na hindi basehan ng magandang relasyon ang pagkakasundo nila ng isang babae. Kanino na ba niya sinabi iyon?
     Kay Macaria San Pedro.
     Ano na kaya'ng ginagawa ni Macy sa opisina? Mula nang umalis siya ng Sinagtala ay hindi niya ito tinawagan, binilin niya namang tumawag lang ito sa kanya sakaling may tanong ito o kung may problema sa farm. She hadn't called. Maybe she was doing just fine. Or, maybe she was getting a lot of help from Darius, ang playboy niyang kaibigan. Huwag lang magkakamaling kantihin ng gagong 'yun si Macy at makakatikim talaga ito sa kanya.
     Wait, so what's his problem if Darius and Macy would eventually become an item? Wala siyang pakialam. Wala sa regulasyon ng farm na bawal magkarelasyon sa isa't-isa ang mga trabahador doon.
     "Neo?"
     "Huh?" Napatingin siya kay Krista. Kanina pa ba ito nagsasalita? "Ang lalim na naman ng iniisip mo," puna nito.
     Umiling siya. "Nah, naisip ko lang 'yung iniwan kong farm."
"It'll be fine. Sabi mo may assistant manager ka na doon na mapagkakatiwalaan, 'di ba?"




     Tumango lang siya.
     "Shall we go? Baka ma-traffic ka on your way."
     Nagpilit pa siyang ihatid ang babae kahit sabi nitong magta-taxi na lamang ito pauwi. Krista gave him a light kiss on the lips when he stopped the car in front of the condominium building where she lived. Nang hawakan na nito ang handle ng car door ay pinigil niya ito sa braso at siniil ito ng malalim na halik sa bibig.
     She moaned from his kiss. They have been kissing deeply everytime they met but now, he wanted to give him more. Alam niyang iyon ang hinihintay ng babae.
     Napakapit ito sa dibdib niya nang ipasok niya ang dila sa loob ng bibig nito. Their tongues mated for a while before he let her go.
     Humihingal at namumula si Krista na nakahawak sa bibig nito. "Oh, my gosh. Y-you shouldn't kiss me like that, Neo."
     "Why?" nakangiting tanong niya kahit alam na niya ang dahilan nito. Her face and neck were as red as sun-riped tomatoes.
     Lumunok ito bago sumagot. "You're making me want you more."
     Ngumisi si Neo. Akalain mo, mahigit dalawang linggo na silang lumalabas ni Krista at hindi pa pala sila nagsi-sex? Record na iyon para sa kanya. Matagal na ang isang linggong pakikipag-date niya na walang nangyayaring seksuwal. Kayang-kaya niyang magkumbinse ng babae kahit hindi siya nagsasalita. But for some reason, he haven't been persuading Krista until now kahit alam niya namang gusto siya nito sa aspetong iyon.
     Hinawakan niya ito sa leeg. "Tomorrow," sabi niya saka muli itong hinalikan.
     Ito na mismo ang tumulak sa kanyang dibdib upang tantanan niya ito. "Pinagkakalat mo ako," natatawa nitong sabi.
     "You're getting wet from my kiss?" tudyo niya rito.
     "Dripping wet and aching like hell." Maharot siyang inirapan nito. "I gotta get going. Basta bukas, ha?"

UntitledOnde histórias criam vida. Descubra agora