Lhea
Namasyal ako ulit sa loob ng Villages, Bawat Street na dinadaan ko may pangalan. Medyo mataas na ang sikat ng araw, pero hindi pa naman masakit sa balat. May nakita ako Senior Citizen na babae, nakatungkod siya at parang tatawid sa kabila Kalye. Pinuntahan ko siya. Medyo mabagal ang paglakad niya kaya alalayan ko siya tumawid. Baka mabundol pa ito ng sasakyan, Mahirap na. May edad na ang matanda at Kailangan ko siya tulungan. Para ligtas siya.
"Good morning po lola, tatawid kaba?"Tanong ko sa kaniya ng makalapit ako.
Ngumiti siya sakin."Oo Ineng, Tatawid ako" Saad niya.
"Alalayan ko na po ikaw sa pagtawid lola" Hinawakan ko ang kamay niya.
"Kay bait na bata naman ere, Maraming salamat hah, Nag-abala kapa tulungan ako"
"Wala yun lola, ang turo sakin ng Mama ko, kapag may nangangailangan po ay Kailangan tulungan, Kahit hindi sa material na bagay." Sabi ko sa kaniya.
"Ang bait pala ng mama mo ineng" Saad niya.Pinasadahan niya ako ng tingin.
"H-Hindi naman lola, ganun lang talaga si mama, matulungin sa iba tao" sabi ko sa kaniya.
"Maraming salamat ulit." Ayon nakatawid na kami. Nagpaalam ako kay lola na babalik na ako sa bahay, baka hinahanap na ako ng amo ko.Bumalik ako sa bahay at sakto nakita ko si Sir pogi sa Kusina.
"L-Lhea, Where are you?" Nagulat ako Umalingawngaw ang boses niya sa kabuuan ng kusina.
"Sir! Here I am, Here i am, what will you do?" Sabi ko ng makalapit ako sa kaniya.
"Seriously Lhea, nagagawa mo pa talaga mag biro" umarko ang kilay niya. Ito na naman tayo sa pa topless-Topless niya.Mainit na nga ang panahon mas lalo niya pa pinapainit. Kailangan ko yata kumain ng Ice cream ngayon.
"S-Saglit lang Sir, bakit ang aga-aga ang init ng ulo mo, may regla kaba? Sabihin mo sakin may napkin ako doon sa kwarto ko" sabi ko sa kaniya.
"Gross, may cockroach dito sa kusina. Diba sinabi ko naman sayo, I hate cockroach or what kind of insect, inside here in my house" Aniya.
Umarko ang kilay ko.
"Jusko maryosep! Akala ko napa-ano kana, sa cockroach kalang pala takot Sir nu?" Ito naman ang mukha niya at masyado seryoso.
"God, Shut up Lhea, kill the cockroach now and throw away outside."Mariin na sabi niya sakin.
"Gusto mo Sir bigay ko pa sayo" Natatawa sabi ko.
"Subukan mo lang Lhea" sabi niya.
"Alam mo Sir ka lalaki mo tao, sa cockroach kalang pala titiklop haha" Sabi ko.
"What funny hah Lhea?" Inirapan niya ako.
"Wala lang Sir. Ang cute mo pala kapag natatakot ka haha" sabi ko.
"Huwag ka tumawa diyan pwede."
"Bakit masama ba tumawa, kasi natatawa ako bakit?" Sabi ko sa kaniya.
"Are you insulting me Lhea, That obviously kasi alam mo takot ako sa Cockroach or what kind of insect" Aniya."Maglinis ka nga ng bahay para mawala ang mga ipis" sabi niya.
"Oo na po" sabi ko.
Parang bakla naman umasta ang amo ko, daig pa ang bakla kung makasigaw. Ang sakit sa tenga nakakairita na nakakainis na ewan. Naglinis ako sa kusina. Malinis naman ang bahay ni Sir Phoenix pero sadya may naliligaw talaga mga ipis dito. Kaloka.
Nag mop ako ng sahig at nakita ko siya bumaba sa sala. Nakabihis siya at mukha kay lakad.
"Sir aalis kana?"tanong ko sa kaniya.
"Oo, may gagawin ako ngayon sa Ospital, why are you asking?" Ang gwapo-gwapo talaga ng amo ko kapag suplado at bagay naman sa mukha niya.
"Hindi pa po kayo nag breakfast e"
"I lost my appetite because of stupid cockroach inside the kitchen. Maglinis ka ng mabuti okay para mawala ang mga cockroach na yan" Utos niya.
"Okay. Lilinisan ko na po ang bahay niyo Sir." Sabi ko.
"That good, alis na ako, bahala kana dito" sabi niya.
"Bye sir ingat ka sa biyahe, Love you sir" sabi ko.
"Tsk" Inirapan niya ako.
Tuluyan ng nawala sa Paningin ko ang mukha ni Sir Phoenix, Narinig ko lang galing sa bibig ni Sir habang nag uusap sila ng mama niya sa telepono ay ayaw niya matulad sa mga kapatid niya pumatol sa mahirap na babae. Ibig sabihin ang asawa ng kapatid ni Sir Phoenix hindi galing sa mayaman na pamilya.
Wow! Sana all.
Umakyat ako sa itaas para linisan ang kwarto ni Sir Phoenix. Nilinisan ko ang banyo niya at bago ang kwarto. Tinupi ko ang damit niya bago lumabas sa kwarto.
Anong oras kaya uuwi ang Sir ko. Makapagluto nalang nga. Magluluto ako ng kare-kare at ipapatikim ko yun sa amo ko ubod ng ka artehan sa katawan.
Doctor kasi si Sir Phoenix kaya malinis at sensitive masyado sa paligid niya. Ganun talaga kapag Doctor. Napapansin ko lang sa lalaki yun, Wala babae tini-text oh kaya dini-date. Masyado Pihikan sa babae. Grabe.
Kung sabagay gwapo naman talaga si Sir, bagay na bagay sa kaniya babae yun mga beauty queen ang datingan, maganda,sexy, matalino at higit sa lahat may class. Ganun naman talaga ang gusto ng mga lalaki sa babae.
Binabad ko ang Karne sa tubig. Hiniwa ko ang mga rekado para sa kare-kare. Tinuruan ako ni lola kung paano magluto kaya tinandaan ko at nakuha ko ang tamang timpla ng lasa.
Mukha gagabihin ang amo ko kaya hindi ko na siya hihintayin sa pag-uwi niya. Sabi ni Sir kapag wala ako ginagawa sa loob ng bahay ay pwede na ako magpahinga. Hindi naman kasi ako sanay na walang ginagawa sa loob ng bahay. Pumunta ako sa Mini-garden ni Sir sa likuran ng bahay niya. Nag dilig muna ako ng halaman bago inayos ang mga paso. Ayaw ko naman makipag-usap sa mga kasambahay dito sa Villages dahil tsismis lang ang alam.
Ako kasi ang tao ayaw na pinag-uusapan ang buhay ng iba tao, kapag e tsismis ko ba sila yayaman ba ako? Matutupad ko ba lahat ng pangarap ko. Sayang lang yan sa oras. Kaya ako namasukan para Sa trabaho ko at makapag-ipon ng pera para sa pamilya ko. Next month na ang enrollment ng mga kapatid ko at Kailangan ni mama ng pambayad sa School. May ipon naman ako pero hindi sapat ito.
Bukas na bukas magpapadala ako para makapag enroll na ang mga kapatid ko. Ayaw ko sila mahinto sa pag-aaral. Ayaw ko sila matulad sa iba bata na hindi nakapagtapos ng pag-aaral kaya lahat gagawin ko para makapagtapos sila. Edukasyon ang Tanging yaman na hindi mananakaw kahit sino man.
Pumasok ako sa loob at nag ayos sa kusina. Pumasok ako sa kwarto ko at humiga sa kama, nakatingin ako sa kisame habang iniisip ko ang pamilya ko naiwan sa Probinsiya. Sabi sakin ni mama okay naman sila. Anihan pala ng palay ngayon kaya nag-ani si Papa kasama ang mga tiyuhin ko.
Mabuti nalang tag-ani na ngayon para may supply ng bigas sa bahay at ulam nalang ang bibilhin sa palengke. Ang taas ng bilihin ngayon at wala naman pakialam ang Gobyerno sa amin Mahihirap. Hindi naman umaaksyon ang Gobyerno para maibsan ang kahirapan sa Pilipinas. Mahirap na nga ang mga tao, lalo pa naghihirap dahil sa mataas ang mga bilihin ngayon. Kaya nagtitipid talaga ako para makaipon ng pera. Tinitipid ko ang pera dahil pambayad ito sa School ng mga kapatid ko. Ako nalang kasi ang inaasahan sa bahay. Katuwang ko naman si mama at papa sa gastusin kaso hindi kasya ang budget dahil sa mahal ng mga bilihin ngayon. Kaloka!
Ka chat ko si Mama ang dami niya kinukwento sakin ang kaganapan sa Probinsiya. Bigla ko na miss ang buhay Probinsiya. Mayaman ang ekonomiya sa Manila pero sa Probinsiya ang totoo kaligayan at kasiyahan. Na miss ko tuloy ang pagkain sa Probinsiya. Ang sariwa isda at mga Gulay.
Kahit malungkot kailangan ko Tiisin, Para sa pamilya at sa kapatid ko. Gagawin ko ang lahat para makapagtapos sila ng pag-aaral hanggang sa makapag graduate ng kolehiyo. Masaya na ako kapag nakita ko may hawak-hawak sila diploma, Patunay na nakapagtapos sila sa Pag-aaral.
YOU ARE READING
MB Series #1 The Doctor Maid (R-18) Complete
RomancePinangako ni Phoenix sa sarili na hindi siya matutulad sa mga kapatid nito na papatol sa mahirap na babae.Mataas ang Standard niya pagdating sa babae Nililigawan. He's like Generous,Intelligent, Sexy, Brain and Beauty. Nagulat siya ng may babae naka...