After 2 weeks
Mabilis natapos ang unang linggo ng highschool year namin at pa lagi kong nakikita ung crush ko pero wala pang nakaka alam sa mga kaibigan ko.
Lagi ko nakikita ung lalaking iyon pero ako di nya napapansin na napapasulyap ako sa kanya. Nalaman ko din na classmate niya ang dati kong classmate na si Kris nung elementary pa ako. Naging bestfriend ko na rin siya. Kaarawan pala ng crush ko ang pangalan niya ay si Blaze Carl Miranda.
"Belle!" Tawag sa akin ni Kris. Napalingon ako sa kanya. "Halika sama ka sa akin sa table namin! Birthday ni Blaze"
"Ayoko Kris nakakahiya. Ok lang kasama ko naman sila" sabay lingon ko s mga kaibigan ko at isa isa ko sila pinakilala kay Kris. "Ganun ba? Sige next time ha? See you later" at nagpaalam na si Kris sa amin. Ayu nagkwentuhan na lang kami at napapansin namin na maingay ang grupo nila Kris. Halos lahat ng classmate nila nasa long table na yun nakaupo.
Nang maguwian na hinanap ko si Kris para sabay kaming umuwi same way lang naman kami. Nang makita ko siya nasa tapat ng room nila agad ko naman siya pinuntahan. "Kris!!! " napalingon siya.
"Sabay na tayo umuwi" sabi ko. Nagulat ako na kakwentuhan pala nya si Blaze ung crush ko. Napatigil sila sa kanilang kwentuhan.
"Mauna ka na Belle. Tatapusin ko pa yung kwento ko saka kami ang cleaners ngayon eh." sabay tingin ko kay Blaze na siyang pinadadaanan ko lang ng tingin nahihiya kasi ako.
"Ganun ba? Sige okay lang. Bbye!" At nginitian ko siya bago umalis. Sabay takbo sa hiya. Waaaaahhh. Anu ba naman to tameme ako lagi na lang akong nahihiya kay Blaze.
★★★★★★★★★★★★★★★★★
Hello readers! Abangan pa mga susunod na kabanata! Posted na si Chapter 3! :) Happy Reading!
BINABASA MO ANG
Naniniwala ka ba sa FOREVER?
Teen FictionMarami nagsasabi ng HINDI AKO NANINIWALA SA FOREVER WALANG FOREVER PERO MAY SOMETIMES Ang iba naman sinasabing WALANG FOREVER PERO MY TOGETHER Ang may lovelife sinasabing MERON PAG NATAGPUAN MO NA UNG TAONG NAKAKAPAGPASAYA SA IYO AT YUNG SASAMAHAN K...