Part 1: Introduction

26 1 0
                                    

Ako si Belle Lianne Santos, 14 yrs old. Kasalukuyang nasa 1st Year Highschool. Walang alam sa mga love life hanggang crush lang. Marami silang gwapo na nagkalat pero siguro di pa napapanahon.

Nagkaroon ng Puppy Love noon na si Henry pero 5yrs old pa lang ako nun at tuwing papasok sa paaralan binibigyan nya ako ng bulaklak na maliit kulay purple na sa tingin ko kung saan niya iyon pinitas. Hahaha buti di sya nahuhuli ng may-ari. Akalain mo yun? Di naman sobrang ganda bata pa lang nililigawan na? Hahaha.

Palagi ako pinasasali ni Mama tuwing may mga Mr. and Ms. at kadalasan partner kami ni Henry. Matalik na magkaibigan ang Mama ko at mama nya. Kung minsan magkalaro kami at pumupunta sila dito sa bahay.

Hanggang sa makatapos ako ng preschool di ko alam na lumipat si Henry sa probinsya nila.
Simula nun hindi ko na sya nakita.

FAST FORWARD....PRESENT

1st Year Highschool.

Natatakot ako dahil unang araw ko sa paaralan na ito galing kasi ako sa public school at nilipat sa pribadong paaralan kung saan nagaaral ang aking pinsan na si Charm. Kasalukuyan siyang nasa Senior Year na. Pinapila na kami sa hall kung saan magaganap ang unang Flag Ceremony ng school year. Marami akong bagong kaibigan sa pilahan at yun ay sina Zarina, Joice, Caren, Maan at Mariel. Sila ang lagi kong kadikit tuwing break time namin at lunch. Marami kaming napagkkwentuhan at kalokohan sa aming barkada. Hanggang may nakita akong papasok sa canteen isang lalaki Gwapo sya, maputi, hindi katangkaran pero may appeal kasama niya ang mga barkada niya. Tanging siya nakapukaw ng atensyon ko. Nagsalita si Zarina. "Girl! Yung bakit tulala ka? Anyare sau?" Bigla ako natauhan. Hala baka natulo na laway ko. Hahaha.

"H-ha??" Shocks bakit nakakautal sumagot sa kanya.

"Hahaha anyare nastar struck ka?" Sagot naman ni Maan. "Hindi wala lang may naalala lang ako" sagot ko.

"Care to share? Ayieeee" Sabi ni Mariel na naniningkit ang mata at sobrang curious. "Naku dont mind me. ok lang ako ano na nga ulit kwento mo Zarina?" Sbi ko. "Nakita ko si Erick ung 3rd Yr. Ang pogi!". "

Anoo?! Bago lang tau ikaw talaga dami mo ng napapansin" sabi ko. "Bakit ikaw Candy wala ka ba napupuna or nagiging crush sa campus?" si Joice. "Huh? Wala pa sa isip ko yan hahaha."

Krinnggggggg!

Bell na at kelangan na namin bumalik sa mga klase namin. Lahat naman ay nagsiakyatan na sa kanya kanyang classroom.

Napasulyap ako sa kaliwa ko at nagulat ako na andun siya paakyat na rin sa klase niya napasulyap lang ako sa kanya pero di ko na sya nilingon ulit. Ang pogi talaga nya sa paningin ko. Hahahaha.

Napagalaman ko na freshmen din sya tulad ko. Nakakacurious naman tong taong to pero aminin ko crush ko na siya.

(Landi lang teh?) *Ms author naman oh crush lang to. Ikaw naman. Zero lovelife na nga ee.* (Sige na pagbigyan. Hahaha)

Thank you sa nagbabasa. Sorry guys! Di ako magaling sa introduction pero I'll assure you na bbigay ko lahat kahit first time ko. Hahaha. Abangan ang mga susunod na chapter kung anu mangyayari kay Belle.

Naniniwala ka ba sa FOREVER?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon