Chapter Five: Broken Hearted

0 0 0
                                    

"Rose, pasensya kana kung iniwan kita kanina, nag-alala lang talaga ako para kay Arriane." bakit kailangan niya pang mag-explain? naiintindihan ko naman yun.

"It's alright Tommy." narinig kong huminga sya ng malalim.

"Ayos kalang?" i asked him.

"Alam kong naging unfair ako sayo, pero hayaan mo babawi ako sayo Rose." pangako niya sa'kin. Napangiti ako ako sa kawalan ng marinig kong babawi sya sa'kin.

Matapos ng aming pag-uusap ay ibinaling ko kay Sir. Stefan ang aking atensiyon, kanina ko pa sya napansin na parang iritabli.

"Sir. may problema ba?" tanong ko at nakangiti naman syang tumango sa'kin.

"Ilang taon na kayo?" wow! taon talaga? grabe naman yun.

"Sir. naman wala pa nga kaming isang buwan eh taon agad." reklamo ko at natatawa.

"Sa tingin mo ba sya na ang lalaking gusto mong makasama habang buhay?" seryoso niyang tanong.

"Ewan ko sa kaniya, pero ako sigurado na akong sya lang yung lalaking mamahalin ko at wala ng iba." sagot ko. Alam kong nasaktan ko si Sir. Stefan kaya lang ayoko siyang umasa sa'kin lalo pa't seryoso ako kay Tommy.

"I'm sorry" i uttered.

"For what?" he asked sarcastically.

"F-For rejecting you, alam kong nasaktan kita Sir. pero mas masasaktan kalang kung lolokohin kita." hinawakan ko ang kaniyang balikat.

"It's okay Rose, i understand hindi mo naman kasalanan kung mabilis akong nahulog sayo 'diba?" damang-dama ko ang kalungkutan sa kaniyang mga mata. Niyakap ko sya upang i comfort. Pagdating namin sa appartment ko ay hininto na niya ang kotse at masaya akong nagpapasalamat sa kaniya.

Stefan's POV

After sending her off, dumeretso ako sa bahay upang kausapin si Tommy alam kong 'andun sya kasama si Ate Arriane. Kinausap ko si Tommy tungkol sa kanila ng aking kapatid.

"I want to hear the truth, mahal mo paba si Ate?" i asked him pointedly.

"Bakit mo ba tinatanong yan? alam mo namang may girlfriend na 'ko 'diba?" yun lang ang sagot niya, klaro sa mga mata niya na may nararamdaman pa sya kay Ate.

"Alam ba ni Rose na ex mo si Ate Arriane?" tanong ko at umiling lang siya na parang nababahala.

"Wala na akong balak sabihin sa kaniya ang tungkol sa past namin ni Arriane, ang mahalaga ay yung kami ni Rose." he said.

"Pero alam mo bang hindi gusto ni Kim si Rose na maging girlfriend mo?" pilit i open up sa kaniya yun baka sakaling magbago ang ihip ng hangin at piliin niyang iwan si Rose at bumalik sa ate ko. Selfish? yes, i am, mahal ko si Rose kaya gusto ko syang iwan ni Tommy at babaling sa'kin yung pagmamahal niya.

"Rose is her friend at naniniwala akong matatanggap rin niya ang relasyon naming dalawa." napatango lang ako saka tuluyang nagpadala ng aking emosyon, tinawagan ko si Kim upang pag-usapan ang plano naming i set up ang kapatid namin.

"Hindi kaya magalit si Kuya." i cleared my throat.

"Gusto mo silang magkatuluyan, right?" natatawa sya sa sinabi ko and then hinawakan niya ang aking kamay.

"Papayag lang ako basta..." hindi niya tinuloy ang kaniyang sasabihin.

"Ano 'yan?" tanong ko at tumayo sya saka umupo sa tabi ko habang nakahawak sa'king braso.

"Try natin mag date, alam mo naman 'diba na noon palang gusto na kita at hanggang ngayon kaya let's have a date." kahit 'di niya sabihin alam ko naman na gusto niya 'ko pero si Rose lang ang laman ng aking puso at wala ng iba, Kim is just a friend for me.

Black RoseWhere stories live. Discover now