"Sa tingin mo ba talaga Kim mahal ka ni Stefan? he just use you para magselos ako, para bumalik ako sa kaniya, at ngayon na bumalik ako sa kaniya, hindi kana niya kailangan." nagbabaga ang mga mata ni Maxine habang sinakal si Kim. Lumaban ang dalaga ngunit malakas si Maxine kaya nawalan ang dalaga ng malay.
"Pinatay mo siya Ate?" nanginginig sa takot si Rose ng makita ang walang malay na si Kim, si Rose ay nakababatang kapatid ni Maxine at kaibigan ni Kim.
"No!!! hindi ko ginawa yun." tanggi ni Maxine at tumakbo paalis ng bahay nila dala ang sasakyan, iniwan niyang mag-isa ang nanginginig na si Rose.
"Kim....Kim gumising ka." binalot ng takot ang buong pagkatao ni Rose ng araw na yun. Makalipas ang sampong minuto nakarinig siya ng seren at panigurado mga pulis yun at hinanap si Kim. Halos mabaliw si Rose kung ano ang kaniyang gagawin, wala siyang ibang naisip na gawin kundi ang itago si Kim sa underground ng kanilang bahay.
"I'm sorry Kim, i didn't mean it!" iyak ng iyak ang dalaga ng lumabas sa underground, nagulat siya ng may biglang humila sa kaniya.
"Saan si Kim!" galit na sigaw ng lalaki.
"Tommy?" nagulat siya ng makita si Tommy.
"Magsalita kana Miss." ani ng pulis.
"Hindi ko siya pinatay!!" she shook her head.
Pumasok ang mga pulis sa underground at doon nakita nila ang katawan ni Kim na wala ng buhay.
"Pinatay mo siya!!" galit na sinuntok ni Tommy si Rose.
"Hindi! hindi ko siya pinatay! maniwala ka sa'kin Tommy."
Kahit anong paliwanag ni Rose sa mga pulis ay hindi siya nito pinaniwalaan lalong-lalo na kay Tommy.
5 years ago>
---Lahat ng bagay ay may katapusan, lahat ay pwedeng maglaho pero hindi yung pagmamahal ko para sayo. Everything's perfect basta kasama kita---
"May nanligaw naba sayo?" asar na tanong ni Tommy kay Kim na kaniyang kapatid.
"Eh Kuya naman, nanligaw agad? hmm..." reklamo naman ni Kim.
Si Tommy ang super supportive and protective brother ni Kim, ulila na sila sa magulang kaya pinangako ni Tommy na walang sinuman ang makakapanakit sa kaniyang kapatid. Lahat ng gusto ng bunsong kapatid ay sinunod ng lalaki.
"Wow grabe, swerte mo naman sa Kuya mo." inggit na sabi ni Rose na kaibigan ni Kim.
"Don't worry, next time pakilala kita sa kaniya. Saka alam mo ba Bes single pa yon pwede kitang ireto sa kaniya." natawang asar ni Kim na kinainis ni Rose.
"Hala!! grabe siya." hindi na pinakialaman ni Rose ang sinabi ni Kim sa kaniya.
Tommy's Birthday
"Happy Birthday Kuya." bati ni Kim sa kapatid sabay halik sa lalaki.
"Thank you Bunso. Oh 'diba may surprise ka sa'kin." paalala nito, napakamot ng ulo pa si Kim at sumilip sa labas.
"Oh, anong meron? wag mong sabihing...." hindi natuloy ang gusto nitong sabihin ng may dumating na panauhin.
"Hi Tommy, Happy Birthday, finally 26 kana." anito na nagpatigil kay Kim.
"Ariella? anong ginagawa mo dito?" tanong ni Kim at ngumiti lang ang babae na niyakap siya.
"I miss you" umiyak na tinulak ni Kim si Ariella at nag walk out.
"Please let her be, hindi pa siya handang makita ka." hinawakan ni Tommy si Ariella palabas ng bahay.