CHAPTER THIRTEEN
I AM SO in love with him!
May ngiti sa mga labi ni Audrey habang nagdidisenyo ng cake. Dalawang araw na niyang hindi nakikita si Gael ngunit para pa ring may hanger sa loob ng kanyang bibig sa hindi mawalang pagkakangiti. Nauunawaan na niya ngayon kung bakit "blooming" ang mga babaeng in love.
Love made people soar. Kung literal ang mga damdamin ng isang taong masayang nagmamahal, marahil nakatingala ang mga bigo sa mga taong tulad niya na lumilipad sa kalangitan, masayang nakikipaglaro sa mga ibon at may ngiting nagpapadulas sa mga bahaghari.
Para bang ang nais na lang niyang gawin buong araw ay ang ngumiti. Ngumiti nang ngumiti hanggang sa sandaling muli silang magkikita ni Gael. Sa sandaling iyon, aapaw ang saya sa kanyang puso at hahagkan ang binata. This was heaven. Loving someone who loved you back was heaven. Hindi na kailangan pang sabihin ni Gael, nadarama niya iyon. Bukod pa roon, ano ang maaaring maging ibang dahilan sa pagbabalik nito sa kanyang buhay gayong kung tutuusin ay dapat siyang iwasan ni Gael? Napahiya ito nang dahil sa kanya at wala na ring mapapala ang mga Belmonte sa mga Esparza. Clearly, the man was head over heels in love with her, too.
And it was perfection.
Para ding energy drink ang pagmamahal. Masigla si Audrey at kahit sa gabi, kung kailan dapat siyang nagpapahinga, ay nais niyang balikan ang mga sandaling magkasama sila ni Gael. Sa bawat sandali ay parang parati siyang may nakikita na bagong anggulo na nais niyang pagnilayin upang mapangiti o kiligin.
Wasn't she the luckiest girl to be in love with someone like Gael? Ngayon ay itinapon na niya ang mga unang impresyon sa lalaki. Gael was a wonderful person. Patunay roon ang dedikasyon ng binata sa kanya. Ngayong ikalawang araw nilang hindi nagkikita ay tiniyak ng lalaking mayroon siyang matatanggap na bulaklak mula rito. Mula sa Maynila, nag-uutos si Gael sa tauhan na dalhan siya ng bulaklak. Sinaway na niya ang lalaki kagabi, sinabing nagsasayang ito ng gasolina. He just laughed and said it made him happy to know that the flowers brought a smile to her lips.
Paano naisip noon ni Audrey na masamang tao si Gael? Ang nangyari ay pinaniwalaan niya ang mga naririnig. Bumuo siya ng sarili niyang bersiyon ni Gael base sa mga narinig at sa katotohanang naiinis siya sa pagpipilit ng kanyang amang pakasalan ang lalaki. Nabunton ang lahat ng iyon sa binata. So maybe, Gael can be a jerk sometimes, especially before, but they did not know they will fall in love. Ganoon ang mga lalaki, lalo na iyong mga mayroong resources tulad ni Gael—hindi mahalaga sa mga lalaki ang faithfulness sa isang babaeng hindi nito mahal. But Gael found love, too.
Ang isiping iyon ay labis na nakakapagpasaya kay Audrey. Marahil, isang biyaya ang nangyari, isang hindi inaasahang biyaya. God worked in mysterious ways, indeed. Heto ang isang nagdudumilat na testimonya.
Tanghali na nang may kumuha ng cake. Wala nang trabaho si Audrey para sa buong maghapon at pagtingin niya sa cell phone ay nakita ang isang mensahe mula kay Gael: I miss you.
Naidikit ni Audrey sa dibdib ang gadget, saka nag-type. I miss you more.
I want to call you but I can't. I'm in a meeting, reply nito.
Napahagikgik siya. Aren't you supposed to be listening to whoever's speaking?
Who cares? I can't wait to see you again. Did you like the flowers?
Napasulyap si Audrey sa isang plorera, naroon ang isang bungkos ng Ecuadorian roses na ipinadala ng binata. I love them!
So... what are you wearing?
Biglang natawa si Audrey. Pilyo talaga ang lalaki. Guess, she replied.
Red lingerie?
Napasulyap siya sa kanyang damit at natawa nang malakas, saka nag-type sa keypad: A dirty apron, jeans, a shirt, and my bunny slippers. So sexy. You?
The same.
Ang lakas na naman ng halakhak ni Audrey. Sino ang mag-aakalang may sense of humor ang isang Gael Belmonte? The man can be very funny at times. And she was glad for the fact that she knew him this way. Hindi siya tulad ng ibang hinuhulaan lang ang personalidad sa likod ng isang negosyanteng intimidating. Sa labas ng boardroom at sa piling ni Audrey, si Gael ay isang lalaking papangarapin ng lahat. But sorry, he only had eyes for her. She was a lucky lady.
Muli siyang nag-text: When will you come?
Soon. Are you doing well, hon?
Mula sa puso ang naging tugon ni Audrey: I'm smiling every single day, thanks to you.
You're making me miss you more, Audrey. What I wouldn't do to get away from this meeting and just spend the afternoon with you.
Sa nakalipas na dalawang linggo ay tatlong pagkakataong nagtungo sa farm ang binata. Kaaalis lang uli nito noong isang araw. Naghihintay siya nang may pananabik, daig pa ang isang OFW. Hanggang sa humapon ay magka-text sila at nang tumawag si Gael ng pasado alas-sais ay nakangiti niyang sinagot ang tawag.
"Hello, handsome."
"I miss hearing your voice. I wish I could come. Meron akong meeting bukas, kailangan kong lumipad pa-Macau mamaya. Bukas mo susunduin ang mama mo, hindi ba? Do you want me to send someone to drive you there?"
"Hay naku, masyado ka talagang magastos, Gael.May sasakyan ako."
"Na ayaw mag-start."
"Pinagawa ko na last week, 'di ba? Ang galing nga ng mekaniko ko."
Tumawa nang malakas si Gael. Ang binata ang gumawa ng pickup truck niya. "Is it working well though?"
"Uh-huh. I'm excited to see Mama again."
"I know she'll be all right and ready to leave."
Marami pa silang napag-usapan hanggang sa magpaalam na rin ang lalaki. Patungo na raw ito sa airport. Pagkalipas ng ilang oras, nakatanggap siya ng text message mula kay Gael: I'm here. Quite tired. You're probably asleep now, you have an early day tomorrow. I won't disturb you with a call. Wish you were here.
Napabuntong-hininga si Audrey. Wala na siyang mahihiling pa. Nakatulog siyang nakangiti at nagising na dala pa rin ang ngiting iyon. Maaga siyang naghanda papunta sa rehab facility. Nang makarating doon ay labis siyang nabigla nang maabutan ang kanyang ina na kausap ang kanyang ama.
"Come, Audrey, anak," wika sa kanya ng inang nakangiti.
Naaalangan man ay lumapit si Audrey sa mga magulang, halos hindi makatingin sa ama. Ngunit nang ganap nang makalapit ay labis siyang nabigla. Niyakap siya ng ama. Bigla itong humagulhol habang nakakulong siya sa mga bisig nito. Parang tinundo ang dibdib ni Audrey at wala na ring nagawa kundi ang mapaiyak.
"I'm so sorry. I've been a very bad father to you, I realize that now. I'm sorry it had to be this way. Pasensiya ka na, anak, na kinailangan pa ng mama mong gawin ito bago ko maisip kung ano ang ginawa ko sa pamilya ko."
"Oh, Papa!" Niyakap nang mahigpit ni Audrey ang ama, tumutulo pa rin ang mga luha.
"I promise, we'll start a new life, a much simpler one this time." Itinaas ng matandang lalaki ang kanyang mukha. "Sana, anak, magtiwala ka uli sa Papa."
"Of course, Papa. You don't even have to ask."
ISANG sorpresa ang pagbisita ni Audrey kay Gael. Dahil sa pagkakaayos ng kanyang pamilya ay patungo na siya sa Maynila. Ang natirang ilang cake order sa kanya ay ipapahatid na lang sa nag-iisang driver na natira sa pamilya. Sa kabila ng nangyari sa kanilang kompanya, nagawa ng kanyang mga kapatid at ama na maisalba ang kanilang bahay, maging ang ilang ari-arian. Wala na ang kompanya, ngunit may natirang sapat na hinati-hati na sa kanilang magkakapatid. Ang kanyang bahagi ay plano niyang gamitin sa pagsisimula ng isang cake shop sa Maynila. Ryan was still willing to be her business partner. Maganda rin dahil magbubukas ng opisina ang lalaki sa Maynila kaya magkakasama pa rin sila.
Isang nakakapanabik na kabanata sa kanyang buhay ang lahat ng nangyari. It was challenging. It was hers completely. At kanino pa niya nais ibahagi ang magandang balita kundi sa lalaking minamahal? So here she was, in his house. Nagbilin siya sa guwardiya na huwag iparating sa binata na naroon siya. Nais niyang maging maganda ang sorpresa.
Nakahanda na ang kanyang red lingerie. Naaalala pa ni Audrey ang usapan nila na iyon daw ang naiisip nitong suot niya. Wala siyang red lingerie ngunit madaling makahanap niyon. Kinausap niya si Zenia, ang kawaksi ni Gael, na huwag iparating sa lalaki ang tungkol sa kanya.
Tumuloy si Audrey sa silid ni Gael. There was a dark red accent wall. Everything else was immaculate white. Katulad ng sala, maraming painting ang silid, lahat ay magaganda at de-kalidad. He was clearly a man with meticulous taste. Nagmadali na siyang isuot ang dalang lingerie na pinatungan niya ng maxi dress—for easy access.
Napahagikgik siya sa naisip. Noon siya tinawagan ng binata. "I'm on my way home but I'll head straight to the farm after I take a shower. I'm excited to see you, love."
"I am more excited, Gael. Hurry!"
"I will. May gusto kang pasalubong?"
"Just you."
"I'll see you later."
Nanabik ang puso ni Audrey, nakapuwesto sa tabi ng bintana at inaabangan ang pagdating ni Gael. Mayamaya ay bumukas ang gate ngunit hindi ang sasakyan ni Gael ang pumasok. Nakita niyang bumaba mula sa isang itim na Mercedes Benz ang ama nito. Bigla siyang kinabahan. Hindi niya alam kung ano ang saloobin ng matanda, hindi nila iyon napag-uusapan ni Gael bagaman minsan siyang nagtanong at ang simpleng tugon ng binata ay may kakayahan daw itong magpasya para sa sarili.
Tiningnan ni Audrey sa salamin ang sarili. Hindi siya mukhang presentable. Nagpasya siyang isuot ang slacks at blouse na suot kanina para kahit paano ay pormal, larawan ng babaeng nobya ng anak ng bagong dating na bisita. Tiniyak din niyang maayos ang buhok, binura ang pulang-pulang lipstick upang palitan ng mas subtle na kulay. Isiniksik niya ang maxi dress sa bag, saka lumabas. Para lang marinig ang sigawan mula sa ibaba. Nakauwi na si Gael nang hindi niya namamalayan at hayun ang tinig nito, sumasagot sa amang halos humiyaw na.
"You ungrateful son-of-a-bitch!" wika ng tinig ni Mr. Belmonte. "Ang usapan natin, pakakasalan mo ang anak ni Esparza para sa kapakanan ng kompanya, hindi para lumubog ang kompanya! His company is dead weight, they will pull us down! Alam mo 'yan, ilang ulit ko nang sinabi sa 'yo na hindi matutuloy ang merger!"
Parang sinuntok ang dibdib ni Audrey, hindi nagawang makapagsalita.
Muling pumailanlang ang tinig ng matandang Belmonte. "Pasalamat sila na wala akong inihaing demanda, kung tutuusin ay madaling gawin iyon. And then I hear my son is still trying to get that Esparza woman to marry him?! Anong kalokohan ito, Gael?! No! You will marry someone else! You will marry Daniella Madrigal! She has always been my second option for you."
"I will only marry Audrey," deklara ni Gael. Para doon ay lumobo ang puso niya, bagaman labis ding nag-alala sa sagutang naririnig.
"You are not marrying that woman and that is final! You will never get your hands on my company if you marry that woman!"
"You forgot something though. You've already signed the papers. You look surprised. Yes, I know. Kahit hindi mo sinasabi at siguro balak mong gamitin para mapasunod ako sa lahat ng gusto mo. The company is mine now. I can do whatever I want with it. If I want to bring it down, I will."
Napasinghap si Audrey, hindi inaasahan ang ganoong uri ng tugon mula kay Gael.
"The first thing I plan to do is save the Esparzas' company. I'm thinking they can pay me back in twenty years. Without interest. Interesting, huh? Doesn't it just kill you—Papa—that people who are not related to you will benefit from the company you've spent your whole life building?"
"You son-of-a-bitch!"
"I'm going to marry Audrey—the Esparza girl who ruined your name. Your name, really, not mine. Because I never really cared much about names. I'm marrying her for one reason alone, Papa—because it will kill you. Wouldn't it? Ang anak ng taong inakala mong magpapalaki sa kompanya mo pero niloko ka lang at inihain sa 'yo ang isang pagkaing bulok na. You thanked your lucky stars when Audrey Esparza didn't show up at the wedding. You felt as if you dodged a bullet right there. You felt so relieved that you didn't even bother pressing charges. But guess what, Papa? I'm still marrying the Esparza girl. For you. And I am saving their company. For you. And I am going to see that by the end of this, not a single property belonging to that company you built shall remain. Revenge. Finally. Are you hearing me? Are you hearing me loud and clear?
"Your hands are trembling. Do you want to hit me? Do you want to see me bleed like I had so many times before, when I was still little and unable to defend myself? Is the urge to give me pain overwhelming you, Papa? But you can't hit me now, can you? Because you know I will fight back this time. Wala rin dito si Mama para sabihin sa akin na pabayaan ka na lang.
"Naaalala mo ba kung paano ka niya dinipensahan sa akin? Naaalala mo 'yong panahong itinulak mo ako sa pader at nagdugo ang ulo ko at kinailangang tahiin sa ospital? I passed out, I was in a coma for two days. Do you remember that? You did it just because I tried to paint. Habang nasa ospital ako, naisip kong siguro nag-aalala ka sa akin, baka nagsisisi ka sa nagawa mo. Umiiyak si Mama noon, natatakot, may hawak na rosaryo habang hawak ang kamay ko. But when you came you said that I had better not hope to use the situation as an excuse not to get perfect scores in my upcoming exams. I guess it's a sad day for every son when he realizes his father is a monster.
"You see, I never understood your reasons for hitting me. I never understood why you had to hit Mama. And I never fully understood why she stayed married to a man like you. Habang ipinapakita mo sa akin kung anong klaseng tao ka, bumubuo ka rin ng taong sisira sa 'yo. I've waited for this moment. That look on your face right now is fucking priceless."
"You ungrateful bastard!" sigaw ni Mr. Belmote, bakas sa tinig ang galit.
Sa puntong iyon ay nakasandal na lang si Audrey sa pader, tumutulo ang mga luha. Wala siyang intensiyong umalis at tigilan ang pakikinig. Mas magandang marinig niya ang lahat, malaman ang katotohanan kahit sa ganitong kalunos-lunos na paraan.
"I could've been a grateful one had you been a good father. Now, go. This marks our parting. You will not see me again. And good luck hoping you can save your company. It's never going to happen."
Narinig ni Audrey ang pagsara ng pinto at mayamaya ay ang mga yabag sa hagdan. Nagmadali siyang pumasok sa isang silid at mula roon ay narinig nang bumukas at sumara ang pinto ng silid ni Gael. Mabilis at maingat siyang lumabas at bumaba, naabutan si Zenia sa sala.
"Ma'am—"
"Zenia, makikiusap ako sa 'yong huwag mong sasabihin kay Gael na nanggaling ako rito, puwede ba?"
"Pero—"
"Please." Napaluha si Audrey. "Please, nakikiusap ako sa 'yo. Komplikado ang lahat. Wala akong oras para magpaliwanag."
Tumango si Zenia. "S-sige. Sasabihan ko rin ang guard."
"Salamat." Nagmamadali nang umalis si Audrey at nang makalabas ng gate ay tinakbo ang kotseng nakaparada ilang metro mula sa bahay ni Gael. Panay ang pagpatak ng mga luha niya habang nagpapatakbo. Parang isang sirang-plakang nagpaulit-ulit ang tinig ni Gael sa kanyang isip: "I'm still marrying the Esparza girl. For you. And I am saving their company. For you. And I am going to see that by the end of this, not a single property belonging to that company you built shall remain. Revenge. Finally..."
Ang sikip-sikip ng dibdib ni Audrey. The Esparza girl. The Esparza girl... Isang bagay, isang kasangkapan. Habang baliw na baliw siya sa kasiyahan nila ni Gael na inakala niyang kapwa nila nadarama, ang lalaki ay mayroon palang ibang motibo. How was she supposed to know?
Kung kailan sisinghap-singhap siya ay saka tumunog ang kanyang cell phone, may isang text message mula kay Gael: I'm sorry, I can't go today. I'm not feeling well but I'm all right, don't worry. I will see you next week.
Naitanong ni Audrey sa sarili kung paano kaya nagagawa ng ibang tao ang magpanggap nang ganoon kahusay, ang mapapaniwala ang iba sa isang kasinungalingan nang walang pagdududa?
Marahil, sa buhay ay hindi maaaring makuha ng isang tao ang lahat. Kung naging maayos ang isang bahagi nito, mayroon at mayroong bahaging mawawasak. Ngunit mas maigi na ring nalaman niya nang maaga. Kahit paano, ang mabubuo niyang desisyon kung saan sangkot si Gael ay magiging matalino, may gabay ng katotohanan.
She may be very much in love with Gael but it was a different Gael, a pretend Gael. Ang totoong Gael ay nagkukubli lang sa likod ng mabuting bersiyon nito.
Ayaw pang umuwi ni Audrey dahil masama ang kanyang loob. Ayaw niyang magpaliwanag sa mga magulang kung bakit namumugto ang kanyang mga mata. Sa halip, tinawagan niya si Ryan na agad sumagot.
"Are you free?"
"Are you crying?"
"Ryan, I need you. I need you right now."
"I'll be right there."
YOU ARE READING
Gael Belmonte's Runaway Bride - Vanessa
RomanceKung literal ang mga damdamin ng isang taong masayang nagmamahal, marahil ay nakatingala ang mga bigo sa mga tulad nya na lumilipad sa kalangitan, masayang nakikipaglaro sa mga ibon at may ngiting nagpapadulas sa mga bahaghari.