CHAPTER THREE
"OH, RYAN, please. I have to marry him and you know it. Tanggap ko na ito. It's been four years, after all." Nais maluha ni Audrey habang kausap ang kaibigan sa phone. Sa nakalipas na ilang taon, inabala niya ang sarili sa farm. Marahil ninais niyang takbuhan ang katotohanan sa buhay kaya hindi niya inisip ang mangyayaring kasal. Pasulpot-sulpot lang iyon sa kanyang sistema at mabilis na natutunang hindi pansinin.
There even came a point when she thought no wedding will take place at all. After all, Gael seemed to be enjoying his life as a bachelor. Maraming kababaihan ang nai-involve sa lalaki. Hindi iyon nakaligtas sa atensiyon ni Audrey sa nakalipas na mga taon. Models, fashion elites, jet-setters, they all had a thing for Gael Belmonte. Madalas niyang makita ang lalaki sa mga magazine, sa events, kasama ang kung sinong modelo o socialite. And not one photo showed him smiling. Not one.
Ngunit isang buwan na ang nakararaan nang sabihin sa kanya ng ama na matutuloy ang kasal. At heto siya ngayon, pinuntahan si Gael. Kailan nga ba sila huling nagkita ng lalaki? About a year ago in a family gathering. Ni hindi sila nakapag-usap dahil nagmamadali ang lalaki. Marahil iyon ang dahilan kung bakit nakampante siya na hindi na matutuloy ang kasal nila. Mukhang interesado sa ibang babae si Gael. Kung ito mismo ang tatanggi, mas maganda, pabor iyon kay Audrey.
"Are you sure you want to do this?" tanong ni Ryan.
"Of course. Pinag-usapan na namin ito ni Papa, Ryan. Now, I need to see him. We need to talk about the wedding details. I wonder what cake I will make." Kung mayroong isang bagay na nakapagdudulot ng excitement sa kanya, iyon ay ang paggawa ng wedding cake. Ngunit isa iyong uri ng pananabik na para bang tinititigan niya mula sa labas ng isang bintana. It was going to be her wedding cake but she felt it was a cake for another bride. Disconnected siya sa kasal, ngunit excited sa cake. She even wondered what cake to make for every layer. Would Gael have any suggestion at all?
"I worry about you, Audrey."
"I know. Thank you, but relax. I can take care of this."
Nagpaalam na rin si Audrey kay Ryan at inihimpil ang sasakyan sa gate ng mansiyon ni Gael. Nasa loob iyon ng isang eksklusibong subdivision sa Quezon City. Balita niya ay mag-isa lang na nakatira doon ang lalaki. Pinapasok siya ng guwardiya.
The place was huge. Nakatago iyon sa mataas na pader. Malaki ang front lawn na mayroong fountain sa gitna. Oh, she adored the fountain immediately. It was rustic, instead of flashy. Maging ang mismong mansiyon ay walang grandiyosong estilo. It was a regular two-storey house. Pinatuloy siya ng kawaksi at sinabihang maghintay.
Simple rin ang loob ng bahay bagaman nakaka-impress ang mga kahoy na kagamitan. It was not the house she was expecting someone like Gael would have. It looked more like a house of an artist. Ang mga muwebles ay hindi iisa ang disenyo, wala ang inaasahan ni Audrey na pagkakaterno-terno na tila naaakma sa personalidad ni Gael. Ang isang pader ay puno ng maliliit na painting na matitingkad na kulay ang ginamit, hindi earth tones na siyang kanyang aasahan marahil sa tila matabang na personalidad ng lalaki.
Nice. His house is very nice. I like it. I wonder what his kitchen looks like.
Nang isilbi sa kanya ng kawaksi ang pagkain ay natanong niya kung maaaring sa kusina na lang siya maghintay. Tila nabaghan ang kawaksi bagaman tumango.
The kitchen was very impressive. Moderno iyon, at kompleto sa gamit, bagaman tulad sa sala ay hindi magkakaterno sa paraang magaan sa mga mata kahit hindi tradisyonal.
"Oh, wow," sambit ni Audrey nang lapitan niya ang oven. Iyon ang nais niyang oven na nakita lang niya sa catalogue. Nakangiting humarap siya sa kawaksi. "Nagagamit mo na ang lahat ng features nitong oven? Matipid ba sa gas?"
Muli, tila nabaghan ang kawaksi sa kanyang tanong bagaman umiling ito. "Hindi po ako marunong gumamit niyan. Wala po ditong marunong gumamit ng oven. Hindi naman po madalas dito kumain si Sir. Kadalasan pong kami lang ang kumakain. Kung gusto po niyang kumain, nag-uuwi po ang driver niya ng pagkain."
"That's strange," komento ni Audrey saka napangiti nang maunawaang birhen pa ang nakapaglalaway na oven. She will probably be the first one to use it. Hayun na naman ang excitement sa kanyang puso kung hindi lang niya naalalang buhay niya ang kapalit ng pagpapakasal sa lalaki.
Well, it will not be all that bad. How can it be with this oven and this huge granite counter? I can roll at least fifty cannolis here. "May pantry kayo? Ano nga uli ang pangalan mo?"
"Zenia, Ma'am. Meron kaming pantry. Halika po kayo." Mukhang tuluyan nang naaliw ang babae sa kanya at isinama siya sa pantry na ilang hakbang lang ang layo mula sa kinaroroonan nila. Pagbukas ng kawaksi sa pinto ay halos mapanganga si Audrey. Isang buong silid ang nakalaan para sa pagkain! Animo iyon isang maliit na grocery sa dami ng shelves. Iyon lang, isang shelf lang ang okupado ng mga canned item, fruit juice, gatas, at iba pang mga "pagkain ng lalaki."
"Ano ang kinakain ninyo, Zenia?"
"Ay, may budget po kami sa pagkain. Saka tatlo lang naman kami rito. Nasa labas ang ref namin, Ma'am. Sa umaga naman po, kadalasang juice o kape lang ang almusal ni Sir. Hindi po siya mahilig kumain."
I don't trust men who don't like to eat.
"Sayang ang pantry ninyo."
Sumang-ayon si Zenia. Nagbalik na sa counter si Audrey at sinimulang kainin ang merienda: pasta at juice. "Ibig ninyong sabihin, galing ito sa restaurant?"
"Ay, opo, Ma'am. Araw ng Sabado ngayon, talagang may inaasahang bisita si Sir."
"Ang tagal naman niya."
"Ay, may bisita pa po, Ma'am." Naging mailap ang mga mata ni Zenia, namula ang mga pisngi at tila ba nahihiya na hindi niya maunawaan.
"Sino ang bisita niya, Zenia?"
"Ay! Hindi ko po kilala. Maghintay na lang po kayo at ipapatawag naman po kayo n'on kapag libre na siya." Tumalikod na ang kawaksi, halatang iniiwasang sagutin ang tanong niya. Labis na nagtaka si Audrey bagaman hindi na lang umimik. Inubos niya ang pagkain at naghintay.
Mahigit isang oras nang naghihintay si Audrey, nainspeksiyon na rin niyang maigi ang oven at lahat ng lutuan, ngunit hindi pa rin nagpapakita si Gael. Nais na niyang mapikon ngunit nagtimpi siya.
"Matagal pa ba siya, Zenia? Can you hurry him up? Pakisabi nandito na si Audrey," aniya sa kawaksi. Wala siyang balak na maghintay.
Agad tumango ang kawaksi at umalis. Nang magbalik ito ay sinabi, "Ma'am, maghintay na lang po muna kayo, may ginagawa pa po si Sir."
Napabuga si Audrey, bagaman hindi nagkomento. Nagbalik siya sa sala, iniwan na sa kusina si Zenia. Nang umandar pa ang mga minuto ay hindi na siya nakatiis. What was taking Gael so long? Mas mahalaga ba ang ginagawa nito kaysa sa kanilang kasal? Hindi man lang ba nais ng lalaki na ma-impress siya? Wala ba itong pagpapahalaga? Napundi na siya nang tuluyan at nagpasyang akyatin ang lalaki, tutal ay parang walang mangyayari kung si Zenia ang kanyang aasahan.
Pumanhik si Audrey sa hagdan at binuksan ang mga pinto sa second floor. Ang unang apat ay walang laman at sa ikalima ay napanganga siya sa naabutang eksena—Gael, lying naked with a blanket covering his privates. Isang babaeng hubad ang nagpapakain dito ng ubas.
"What the...?" sambit ng lalaki at agad tumayo. When he stood up his member showed.
Agad napapihit si Audrey, animo batang gustong mapaiyak. Hindi niya maunawaan kung ano ang bigla niyang nadama at kung bakit nais niyang mapaluha. Ang kabog ng kanyang dibdib ay ganoon na lang kalakas. She ran downstairs, her knees shaking, her whole body trembling.
Sa isang kisap-mata lang niya nasilayan ang kabuuan ni Gael ngunit sapat na iyon upang tumatak sa kanyang isip ang nakita. The man possessed the body of a god. It was perfect for sketching, with what little she knew about it, because of all the lines and its sinewy structure. And his thing...
Pinagpawisan nang malamig si Audrey. Never had she seen anything like it. Natural, pagdating ng Internet sa buhay ng tao ay hindi maiiwasan ang makakita niyon kahit pa hindi sinasadya, ngunit minsan na rin silang nakapanood ni Criselle ng video clips dahil maldita rin ang kaibigan niya ngunit... sadyang iba ang hitsura ng bagay na iyon sa personal. May dulot na kaba ang tanawin, isang bagay na tila nagsusumigaw na pribado, taboo, at hindi maaaring tingnan.
I need a cold drink, sa isip-isip ni Audrey, naglakad papunta sa kanyang kotse. Sa palagay niya ay wala nang kahihinatnan pa ang araw na iyon.
"What were you doing upstairs?" tanong ng isang may awtoridad at buong-buo na tinig.
Napalunok si Audrey at marahang pumihit upang makita si Gael, suot ang isang itim na roba, nakatayo sa pintuan ng bahay. Nakakunot ang noo ng lalaki, tila hindi nasisiyahan. And it infuriated Audrey to no end. Bakit sa tono nito ay para bang sinisita pa siya? Mahigit isang oras siyang naghintay para "pag-usapan ang kanilang kasal" habang mayroon itong ginagawang milagro kasama ang ibang babae?!
"Do you have any idea who I am?" tanong ni Audrey, halos hindi makapaniwalang iyon ang una niyang naitanong sapagkat walang rekognisyon sa mukha ng lalaki. And how absurd this whole thing was, she realized, to be talking this way to a future husband who was practically a stranger to her.
"Of course. Audrey Esparza, my future wife."
Noon lumabas mula sa pintuan ang hinala ni Audrey ay babaeng kasama ni Gael kanina sa silid. "I will go now, Gael. Call me, all right?"
"I will. Sorry about this, babe," Gael lazily said. Napakayabang ng lalaki! Para ba itong hari na hindi inaasahan ay naabala sa ginagawa nito. It was as if he did not even care about the woman. At ang babae ay tila ganoon din naman sapagkat tiyak na narinig nito ang sinabi ni Gael. Suddenly, Audrey felt as if she was trapped in another dimension, a dimension where she will be totally lost. "Please, come in, Audrey. I'm sorry, I didn't know you were coming."
Ganoon na lang? What the hell was wrong with him?
"I called your secretary, Gael."
"Did you? I was informed someone will come over, I didn't expect it to be you."
"Oh. So you just let people wait while you frolic to your heart's content with what I suppose are loose women? Do you do this all the time?" Hindi nakatiis si Audrey. How can she marry this jerk?!
Humarap si Gael sa kanya. "I'm sorry, but a lot of women come here, sometimes unannounced, sometimes they call ahead. I can't change my schedule for them. If I had known it was you, I would've sent the woman away earlier."
"And talk to your future wife after... after doing that?"
Bahagyang tumaas ang mga kilay ni Gael, bagaman sinabi, "So what brings you here? I thought we were coming over to your house this weekend?"
Parang umusok ang ilong ni Audrey. Hindi pinansin ng lalaki ang kanyang sinabi at pinalitan na nito ang paksa! Ayaw niya iyon. If there was one thing she could not tolerate in other people it was this. Sapat nang bale-wala ang opinyon niya sa kanyang pamilya, ngunit kung maging ang ibang tao ay ganoon ang gagawin sa kanya at ituturing na bale-wala ang kanyang sasabihin, hindi siya makapapayag.
"I don't think I've changed the subject, Gael."
"My, my." Bumuntong-hininga ang lalaki. "And I was told you are a sweet little princess, therefore, you will be a sweet little wife."
"You're such a jerk!" bulalas ni Audrey at biglang napatayo. Hindi siya makapaniwala sa itinatakbo ng kanilang usapan. "I'm not an object, all right?! Don't talk about me that way, you... you insufferable bastard!"
Mukhang hindi nabigla si Gael, bagaman kumunot ang noo. "Have you eaten? Maybe you need something to eat—"
"I have! Sa kulang-kulang dalawang oras kong paghihintay sa 'yo, nakakain na ako. Kaya ako nagpunta rito dahil gusto ko sanang makausap ka, masabi sa 'yo ang plano ko sa kasal bago tayo magkausap sa Sabado. I was trying to make the situation easy for both of us, Gael. I don't even know you."
"Exactly. You don't know me, and I don't know you. So maybe you have to tone it down a little. We're not in a relationship. At least not yet. I do believe I can do my thing since that's the case. Now, what happened earlier was a misunderstanding and I apologize for it. The next time you want to see me, just call me. Not my secretary."
Inis na inis pa rin si Audrey. Mas ikinainis niya ang katotohanang sa maikling paliwanag ng lalaki ay lumabas na nasa katwiran ito. Nag-sorry ito, ipinunto ang mga bagay na sa tingin ng lalaki ay tama at sa isang banda, sumasang-ayon siya sa mga iyon. Hindi lang marahil niya inasahan na magiging ganitong klaseng lalaki pala ang kanyang mapapangasawa.
"Fine."
"I will be back after I change, if that's all right with you."
"Fine."
Pumanhik na si Gael sa hagdan. Panay ang buntong-hininga ni Audrey, nais na namang mapaluha. Paano niya makikita ang sariling tumatanda kasama si Gael? O niloloko lang niya ang sarili sa pag-asa na magiging tipikal silang mag-asawa? Kung ganoon ay kailangan niyang maglatag ng mga panuntunan.
Nang magbalik si Gael ay naka-T-shirt at chinos na ito. Audrey had to admit the man was gorgeous. He was olive-skinned, had a piercing stare, fine nose, soft-looking lips and thick brows. Ngunit higit sa hitsura ay tila nagsasalita ang presensiya nito. Maaaring marami ang intimidated, ngunit walang balak tumulad sa mga iyon si Audrey.
"Are you ready to talk about the wedding?" taas-noong tanong niya sa lalaki.
"Sure."
Uh, the disinterest in his voice! Kunsabagay ay ano ang kanyang aasahan? Dapat nga sigurong hindi rin siya matuwa sa kasal at magpasyang gawing civil na lang iyon, ngunit hindi papayag sa isang maliit na kasal ang kanyang mga magulang. Audrey wanted her wedding to be hers. Iyon lang ang masasabi niyang kanyang-kanya na ipaplano niya mula sa kaliit-liitang detalye. Paano nga ba niya ipapaliwanag sa mga tao ang tindi ng pagnanais niyang sarilinin ang kasal? Ariin iyon? Na kung tutuusin ay walang katuturan sa kabuuan ng mga pangyayari? But it was very important to her. Ngayon niya iyon higit na nauunawaan.
Muling sumulyap si Audrey sa mapapangasawa. "What made you say yes to this?"
YOU ARE READING
Gael Belmonte's Runaway Bride - Vanessa
RomansKung literal ang mga damdamin ng isang taong masayang nagmamahal, marahil ay nakatingala ang mga bigo sa mga tulad nya na lumilipad sa kalangitan, masayang nakikipaglaro sa mga ibon at may ngiting nagpapadulas sa mga bahaghari.