— The light of sun —
Sikap.
Salita para sa katulad naming mahihirap. Pag wala kang sikap hindi mo makakamit ang gusto mo.
"Sandra jill Mencalda With honor"
Ito ba talaga ang nakukuha sa pag sisikap mo? siguro.
Hindi naman ako kasing talino tulad nang inaasan nila. Kahit hindi ka naman matalino basta may sikap at tiyaga ka pasok kana.
"Ma. . .ma. .ma"sabi ko habang tumatakbo papunta kay Mama.
"Ma,honor anak mo." may ngiti sa labi ko.
Wala namang ibang pagsasabihan ko sa lahat ng nakukuha ko kundi si Mama.
"Mag aadobo tayo ngayon dahil honor ang masipag kung anak"may ngiti sa labi ni Mama habang nagsasampay ng mga labahan.
Magsasalita na sana ako.
"Nakuha ko ang sweldo ko sa tinatrabahuan ko kahapon, dun sa palengke kaya malaki laki pera ngayon ni Mama" paliwanag pa niya.
"Sigurado ka Ma? pwede namang hindi nalang tayo mag aadobo, gastos lang yan eh" pag angal ko naman sa sinabi niya.
"Ay basta magluluto ako, honor ka nga eh! sayang naman, minsan lang naman to" sambit ni Mama.
Kung palakasan ng magulang, pambato ko si Mama.
At kung tatanungin saan ang walang kwenta kung Ama? ewan ko nalang. Basta ang alam ko namulat ako sa katutuhanan na tanging si Mama lang ang palagi nariyan. Hindi man lumaking mayaman,mayaman naman ako sa pagmamahal ni Mama.
"Jill" sabit ni Mama mula sa labas.
Ang sakit pa ng likod ko dahil sa pag lilibot kahapon. nagtitinda kasi ako ng mga gulay. Sayang naman kung hindi ko iikot lalo na at wala naman akong klase dahil sabado at inani pa ni Mama sa bukid.
"Jill, hindi kaba ba gigising riyan? alas utso na. ikaw nalang mona magsimba ngayon, hindi ako pwede mag absent sa trabaho ngayon. sayang naman kung mabawasan sweldo ko. Sige na maligo kana"
Napabuntong hininga nalang ako.
Hindi ko alam bakit tinatakasan ni Mama magsimba, minsan nga hindi pa tapos yung simba nagmamadali ng umuwi.
Ganyan naman siya palagi.
Nag bihis na ako at dali-daling humanap ng tricycle sa kanto.
"Sakay po"
"Sasakay kaba, Neng?"sabi pa ni Manong.
Ay, lakas na nga nang boses ko na sasakay ako, uulitin pa. Jusko sinusubukan talaga ako ni lord kay aga aga pa naman.
"Tingin mo po Manong, sabi ko nga SAKAY PO" taas kilay kung sabi, at nakahawak ang kamay sa bewang.
"Ay diko rinig Neng"
Kay aga aga, kahit saan mapunta.
Mapakanto, sa gilid ng palengke, sa sakayan, at sa simbahan, baon parin ang chismisan, jusko pilipinas kailan pa magbabago.Nasa mas malaking simbahan kasi ako nagsimba ngayon, ewan koba napadpad lang ako sa makati kung paa.
Nasa labas nako ng simbahan nag hihintay ng sakayan.
Kung tanungin man ako sa masyodad o sa probinsya.
Mas gusto ko sa probinsya.
Hindi man malalaki ang mga building dito, lahat naman ng kailangan mo mabibili naman.
Ibang iba ang hangin sa syodad kaysa sa probinsya maamoy mo talaga na may iba na siya.
"Ate limos po"sabi ng bata sa babae.
Hindi ko talaga maisip bakit may mga magulang parin na walang kwenta. Grabe yung konsensya nila, tinakasan ang responsibilidad bilang magulang.
"Psst bata," tawag ko sa bata.
Lumapit naman siya. "po?"
Nginitian ko ito.
Sila pa yung walang wala pero may respeto parin. Hindi tulad ng ibang mga bata, sobra sobra na ang pag aalaga pero lumaking walang respeto.
"Ito oh, wag ka ng magpapainit kong pwede umuwi kana sainyo, o kung saan ka man natutulog. tanghali na, tamang tama bumili ka nang ulam at kanin ha" binigyan ko siya ng 50 pesos at mga barya na natira sa bulsa ko. Maglalakad ata ako nito.
"Salamat po ate, ambait nyo naman po"sabi pa niya na may ngiti sa labi.
"Oh siya! sige na bolirong palaka" umalis na ang bata sabay kaway kaway sa kamay.
Patungo na sana ako sa nagtitinda ng bingka nang may bumanggang dinosaur sakin, este tao.
"Aray"
"Ouch"
Taray naman nito, englishero.
Nang iingat ko ang ulo ko nakita ko ang mala angel niyang mukha. Makinis ang mukha niya at may matangos na ilong, manipis na labi, at may kulay brown na mata, habang nakasuot ng salamin na manipis.
Kumunot pa ang noo nito.
Siguro matalino to nakasalamin eh.
Hindi naman ako interesado sa mga lalaki pero ang englishero na ito. Literal na hulog ng langit.
"Pasensya na po diko sinasadya" sabi ko sabay himas sa noo. Ang sakit nun ah! grabe naman ng noo niya parang semento.
tulala pa siya saglit. Sinusuri siguro nito kung gaano ako ka haggard ngayon.
"Nah its okay, pasensya din" aniya sabay ayos sa salamin niya.
Jusko po lord. Ito ba yung sign para makasuntok ng lutang ngayon? ang tagal niyang magsalita, pero yun lang pala sasabihin niya, sayang 3 minutes kung paghihintay.
Ngumiti nalang ako.
"Ate meron pa po?"tanong ko sa Ginang.
"Nako neng, wala na naubos na, ngayon lang din"
"Ahh okay lang po susunod nalang" sayang.
Paglingon ko nakita ko yung lalaking bumangga sakin.
Habang naka sandal siya sa pader at nagtitipa sa cellphone niya, ang isang kamay ay nasa kaliwang bulsa.
Bagay sa kanya ang suot niyang polo at pants, sumakto sa aura niya ngayon at lalo lamang din bumagay sa salamin niya. Ang linis niya tignan.Napansin niya ata ang pagtitig ko.
Inangat niya ang ulo niya at tumingin sakin.
Agad naman akong umiwas. Baka akalain niya na stalker akong tao tapos siya target ko. itatago, tapos tatawagan ang pamilya niya hihingi ng limang milyon para maibalik sa pamilya niya. . .hay nako, Sandra!napadpad na naman ang isip mo.
![](https://img.wattpad.com/cover/363446430-288-k429037.jpg)
BINABASA MO ANG
The Light Of Sun [✓]
Teen FictionTeen fiction story (Stand alone) Unedited Sandra jill Mencalda is a strong girl. Nabuhay lang siya kasama ang kaniyang ina. Lumaking mahirap ngunit isang masipag at may pangarap. Sabi nga niya kung may sikap at tiyaga ka makakamit mo ang gusto mo...