"Ma'am, please. Try lang natin. Maganda naman siguro yun na opportunity for us students and for the university""Ms. Liaoha, hindi pwede. Malayo ang Ifugao and we don't have a purpose to visit them."
"For educational purposes, ma'am, to acquire knowledge to be culturally informed." pagmamakaawa ko sa Campus Admin namin. This is my only chance to go there, my only chance to apologize and to see him.
"I'm sorry, but no." huling sinabi ng Campus admin bago ako pinalabas.
Dumbfounded, I left.
Paglabas ko ng office ni Mrs. Siel, naghihintay na sakin ang kaibigan kong si Ayla na handang makichismis kung ano nangyari.
"Ano? Ayos na?" Excited nyang sabi.
"Hindi pinayagan" nakanguso kong sagot habang naglalakad kami palabas ng admin building
"Okay lang yan beshy, stalk mo na lang sya, wala naman ibang pwedeng gawin. Hahaha."
Pagkarating namin sa room ay nagsuot na lang ako ng headphones at naglaro ulit. Ngunit wala pa mang 5 minutes ay dumating na ang instructor namin.
"Good Morning, Class" ani ni Mr. Kirei
"Good Morning, Sir"
"Ms. Ellie Margarette Liaoha, are you with us?"
Natauhan ako at napatingin sa lahat, nakatayo na pala sila at may pinapa-activity ata si Sir.
"Sorry, Sir." yun na lang nasabi ko dahil preoccupied talaga ako.
This past few days, after namin nagkachat nung kalaro ko, hindi ko na maiwasang hindi mabother lalo nung nagpaalam na sya sakin.
Geoffrey Tamayo
Yang pangalan na yan ang nag-iisang laman ng search bar ko sa SocMed, a 4th year student and SK Chairman ng barangay nila.

YOU ARE READING
What if
RandomWe met then we became friends. And then you fell, then I ghosted you. Will this 2 days romance will turn to forever? or it will turn to be "in another life"?