Chapter 10

4K 47 2
                                    

CHAPTER TEN

KINSE minutos bago ang alas-onse. Tumatakbo pa ang sasakyan ay binuksan na ni Katrina ang pinto ng Safari at mabilis na bumaba.
"Ipara mo na rito, Quintin," utos ng Donya at pagkatapos ay sinundan ang nagtatakbong dalaga papasok sa loob.
Si Dave ay may hindi sinasadyang nalingunan sa likod ng Safari. Nagsalubong ang mga kilay nito at mabilis na binuksan ang kahon at may hinablot doon. Pagkatapos ay mabilis ding bumaba.

SA LOOB ng simbahan ay malakas na ang bulong-bulungan ng mga tao. Ang mga press ay hindi magkamayaw sa gagawin. May mga naroong gustong lapitan na si Marc. May kumukuha ng larawan. Halos puno ang simbahan sa maraming kaibigan at mga kakilala na nagnanais na makita ang kasal ng society playboy na si Marc Alcaraz at ang famous TV newscaster na si Katrina Guillermo. At halos isang oras na ang lumilipas subalit hindi pa rin dumarating ang bride.
Si Katrina ay nakipagsiksikan sa mga tao. Hinahawi niya ang mga ito. Ang mga mata'y nakatuon sa altar. Nakita niyang lumalapit si Marc sa microphone.
Oh no! Huwag muna, Marc, please.
Sunod-sunod ang kaba niya kasabay ng pagbabadya ng mga luha. Sisigaw ba siya at sabihing narito na siya? Mabilis niyang isiniksik ang sarili sa huling tao at pumagitna sa aisle. Ni hindi niya napupuna ang mga sariwang crimson roses na nakahilera sa magkabilang pews patungo sa altar. Ang mga mata niya'y naroon sa lalaking akmang magsasalita.
"Ladies and gentlemen..." ani Marc na bahagyang umubo. Walang emosyon ang mukha. Inikot ang mga mata sa mga naroong tao. He was ready to announce that his bride was not coming. Nang matuon ang mga mata nito sa babaeng lumabas mula sa siksikan. He held his breath. Did she come to embarrass him more?
No. She was walking slowly down the aisle like a queen, like a bride should. So regal despite of her blue jeans and cotton blouse and... lord, rubbershoes! And she almost faltered her steps.
"Ladies and gentlemen..." ulit niya pero ang mga mata'y hindi humihiwalay kay Katrin and smiled uncertainly. "Thank you for waiting patiently. Here now comes my lovely bride," nakangiting pagtatapos nito sa paghugot ng paghinga ng mga naroroon at sabay-sabay na lumingon sa carpeted aisle expecting a bride wearing a grand wedding dress.
Sabay-sabay na kumislap ang mga camera sa dalaga. Ni hindi niya alam na sunod-sunod ang agos ng mga luha niya. Si Marc ay pumuwesto na and tried to control himself na huwag salubungin ang dalaga at ikulong sa mga bisig.
"Katrin," tawag ni Dave. Alanganing lumingon ang dalaga sa may tagiliran sa nahihilam na mga mata. "Take this..."
Napahugot ng paghinga ang dalaga. Ang Spanish wedding veil niya! She smiled thru tears at inabot ang veil at inilagay sa ulo.
"Oh!"
"And more..." nakangising wika ng binata na hinugot ang mga kalumpon ng sariwang crimson roses mula sa pew at ibinigay sa kanya.
"Thank you, Dave..." bulong niya at ngumiti sa pagitan ng mga luha.
Lalo nang nagkislapan ang mga camera habang naglalakad ang dalaga. Nagbulungan pang lalo ang mga tao sa unusual attire ng bride.
Hey, did you happen to see the most beautiful girl in the world
And if you'd seen her, was she crying...
Hey, did you happen to see the most beautiful girl that walk out on me
Tell her I'm sorry, tell her I need my baby, oh, tell her that I love her...
Sa pakiramdam ni Marc, it was eternity bago nakarating sa kanya ang bride. At lahat ng pagpipigil sa sarili ay ginawa nito upang hindi ikulong sa mga bisig si Katrin. Inilahad nito ang kamay at inabot ang dalaga.
"Oh, Marc..." she whispered in a broken voice at tumingala sa binata with tears in her eyes.
"Sshh, darling..." nakangiting ganting bulong ni Marc at inakay ang bride sa puwesto nila.
"I love you, Marc. I love you so much," pahikbing wika ng dalaga kahit nang nakaluhod na sila.
"I know," and lovingly gazed at her habang nagsisimula na ang wedding rituals.
With this ring I thee wed
With my body I thee worship
And with my worldly goods
I thee endow.

Beloved Enemy - Martha CeciliaWhere stories live. Discover now