Natuloy nga ang pagpasok ni julio sa kwarto ni julieta , pinag masdan nya muna ito bago nya ayusin ang mga nakakalat na damit ni julieta.
Napaka ganda mo talaga julieta, masuwerte ang tao mamahalin mo, at sana ako yun ...
At natapos na syang pagmasdan si julieta at inayos na nya ang magulong kwarto ni julieta, isa isa nya itong dinampot at nilabhan nadin nya lahat, at naglinis na din sya sa buong kwarto ni julieta ng walang ingay.
At naisipan na din nya ipagluto ito, at wala naman syang pasok sa klase ng araw na yun.
Tuwang tuwa sya sa ginagawa nya at napapakanta pa sya yun din kase ang nais ni julio ang mapagsilbihan si julieta, at nakapag buo na sya ng desisyon na liligawan nya ito kapag may permanente na syang trabaho.
At sana tanggapin ni julieta ang nararamdaman nya, alam nya na may matinding pinag daanan si julieta at kailanman di gugustuhin ni julieta ang buhay na ibibigay nya.
Ngunit mag babaka sakali parin sya na matanggap ito ni julieta pero kahit anu man ang mangyari ay tatanggapin nya kung anu man ang maging desisyon nito.
BINABASA MO ANG
Rock at My Boring World (on-going)
RomanceMinsan sa napaka tahimik at napaka boring mong buhay, may isang taong biglang magpapabago nun sa ayaw at sa gusto mo , at sa tingin mo kaya mo ba isuko ang buhay na nakasanayan mo na , o ang buhay na kahit sa pangarap ay ayaw mong maranasan.