Agos ng buhay

2 0 0
                                    

Nagising ng araw na yun si julieta at dating gawi , maliligo at magkakape sya at gagawa na muna ng gawaing bahay, dahil gabi naman ang oras ng trabaho nya.

Medyo nakakapagod din tong araw na to ha , ang hirap talaga ng walang pamilya kaso anu pa bang magagawa ko, tapusin ko na nga lang mga gawain ko kesa alalahanin ko ang pag iisa ko.

Kaya naman tinapos na nya ang kanyang gawain at nakapag pahinga na din sya, at maya maya mag aasikaso na naman sya sa oras ng trabaho nya.

Naligo sya at nag asikaso at naisara na nya ang bahay nya , pero bago sya umalis ay tinawag sya ng anak ng land lady nya na ang pangalan ay julio, halatang halatang may gusto sa kanya .

Teka julieta aalis ka na ba agad maaga pa ah ???? maari bang magusap tayu kahit saglit lang.

Pasensya ka na julio , kailangan ko kasing maagang pumasok mag aasikaso pa kasi ako eh, sa ibang araw na lang ah.

Di na sya kinulit ni julio at umalis na sya papunta sa kanyang trabaho.

At sa isip ni julio ay ok lang marami naman pagkakataon.

Rock at My Boring World (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon