CHAPTER 2

1 0 0
                                    

Nagkita na nga sila Cyril at Denise kinabukasan

"Oh girl panuorin mo ako kung anong gagawin ko ah" nakangiting sabi sa kanya ni Denise bago binati ang mga paparating na turista

Isang tour guide si Denise at halos kabisado nito ang mga tourist place dito sa pilipinas dahil naikot na nito ang pilipinas. Pagkalipas ng ilang oras sa pag iikot ay natapos narin ni Denise ang kanyang trabaho

"ano girl diba madali lang" sabi sa kanya ni Denise at umupo sa tabi ni Cyril

"Madali lang naman pero magkano ba ang sahod dito?" tanong agad ni Cyril

"ang pinakamababa kong sahod dito ay 30k per month pero kung masipag pa pwedeng mas higit pa dyan at saka girl ilang oras lang naman ang trabaho eh kaya pwede ka pang kumuha ng ibang customer pagkatapos mo. Ang maganda pa dito ay libre ka sa lahat at nakakapasyal ka pa diba" mahabang paliwanag ni Denise

Pumayag naman si Cyril sa trabahong alok sa kanya ng kaibigan na si Denise kaya pinakilala sya nito sa amo nila na si Anton Lim

"Magsimula ka muna bilang trainee Ms. Cruz para malaman mo ang mga dapat gawin, nandyan naman si Denise para gabayan ka. Well, welcome to camp tour  Cyril" Bati ni Anton kay Cyril at nakipagkamay na syang agad namang tinanggip ni Cyril ng nakangiti

Lumipas ang apat na buwan ay napapansin ni Denise ang pagbabago sa katawan ni Cyril, maging ang pabago bago nitong mood at ang pagtakaw sa pagkain

"girl tumataba ka ata" nagtatakang tanong ni Denise habang pinagmamasdan ng mabuti ang kaibigan

naestatwa naman si Cyril sa narinig at may napagtanto

"Oh shit!" angil nito at napatakbo sa malapit na drug store

"Hoy gaga ano yan! Bakit two lines yan?!" gulat at hindi makapaniwalang pumasok si Denise sa cr kung nasaan si Cyril na hindi makagalaw habang tinitingnan ang resulta ng pt

Dali dali namang inangat ni Denise ang damit ng kaibigan at nakita ang paumbok na nitong tyan.

"Bat hindi ka nagsasabi! Buntis ka pala!" sermon nito, hindi parin makakilos si Cyril at para bang ayaw maniwala sa nalaman

Napapailing naman si Denise habang tinitingnan ang kaibigan na nakailang ulit na ng pagtest sa pt pero iisa lang ang resulta.

"Nagpacheck up kana ba girl" kunot noo nitong tanong at pinapakalma ang kaibigan

muli itong napabuntong hininga at inalalayan ang kaibigan, sinamahan nya itong more up hanggang sa nalaman nga nilang apat na buwan ng buntis si Cyril. Para namang gumuho ang mundo ni Cyril sa nalaman. Hindi nya inaasahang mabubuntis sya nung isang gabing nagpakalasing sya, nabuntis sya ng isang estranghero na hindi nya maalala ang mukha, tanging pangalan lang nito ang nalaman nya.

Pagkalipas ng ilang buwan ay lumalaki na ang tyan ni Cyril kaya nalaman din ng amo nila na si Anton na buntis ito pero hindi iyon naging hadlang kay Cyril para magtrabaho, hindi nya rin sinabi sa pamilya nya na buntis sya tanging ang kaibigan na si Denise at ang mga katrabaho nya lang sa camp tour. Naging malapit naman sila Cyril at Anton hanggang sa manganak si Cyril ay naka alalay sa kanya sila Denise at Anton.

"congrats lalaki ang anak mo girl, anong ipapangalan mo?"

"Alexander, isusunod ko sa pangalan ni itay" pinagmamasdan ng mabuti ni Cyril ang anak nya na mahimbing ang tulog habang buhat buhat nya

napakagwapo nito at masasabi mo agad na may lahing banyaga dahil sa tangos ng ilong at maputi at namumula nitong balat.

sinubukang hanapin nila Cyril at Denise ang iniwan na calling card sa kanya ng lalaking nakatakik nya

PREGNANT BY A PRINCE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon