CHAPTER 3

2 0 0
                                    

umiiyak lang ng umiiyak si Cyril habang yakap yakap na ni Anton

"Girl anong nangyari?"

"Nasaan si Alexander ang apo ko?"

sabay na sabi nila Denise at ang mama ni Cyril na agad din namang pumunta ng tinawagan ni Anton. Mugto na ang mga mata ni Cyril sa kakaiyak at sa takot na nararamdaman na baka tuluyan ng mawala at kunin sa kanya ang anak nya.

"Ano?! Akala ko ba hindi mo kilala ang ama ng apo ko!" gulat na tanong ng mama ni Cyril

tulala naman ngayon si Cyril sa mga nangyayari at tanging nasa isip lang ay ang kanyang anak. Si Anton at Denise ang nagpapaliwanag sa mama ni Cyril

"sinubukan naman po tita, ni Cyril na hanapin at sabihin don sa lalaki na nagngangalang Mike Belgium pero hindi naman naniwala ang lalaki" paliwanag ni Denise, tiim bagang naman si Anton habang hawak hawak ang kamay ni Cyril

"Oh bakit nila kukunin ngayon ang bata?" naguguluhang tanong naman ng mama ni Cyril

wala namang nakasagot, Bigla namang tumayo si Cyril

"pupuntahan ko ang anak ko!" matigas nitong sabi ng biglang nag ring ang kanyang cellphone. Agad naman nilang nakita na tumatawag ang kanyang anak tru video call

"Mommy" agad na sabi nito

"Anak Alex... asan ka? okay ka lang ba?" tarantang tanong agad ni Cyril

"sabi ng lalaki sya daw ang daddy ko, mommy puntahan mo ako dito!" umiiyak na sabi ni Alex sa kabilang linya, tumulo naman ang luha ni Cyril ng makita na umiiyak ang kanyang anak

"Pupuntahan kita dyan anak wag kang mag alala---" hindi pa tapos ang sasabihin ni Cyril ng makita nya sa screen ng telepono si Mike

"Sure come here babe" nakangiti nitong sabi at pinatay na ang tawag

nakatanggap naman agad si Cyril ng isang chat na nagsasabi kung nasaan sila. Nandito parin sila sa pilipinas at pansamantalang nasa isang hotel.

"Gosh girl tingnan mo to!" hindi makapaniwalang sabi ni Denise at pinakita kay Cyril ang kanyang cp. Nakita nila sa balita na pinagkakaguluhan ang isa sa pinakamakapangyarihang royalty na nandito ngayon sa pilipinas. Agad namang binuksan ni Anton ang TV at live nga na binabalita at nandoon ang picture ni Mike at ang ina nito

"A-ano to Cyril?! Prinsipe ang tatay ng apo ko?!" hindi makapaniwalang tanong ng kanyang ina

Dali dali namang pumunta si Cyril ang lugar kung nasaan ang kanyang anak at sumama ang tatlo kay Cyril

"maam hindi po kayo pwede dito, pinaalis narin po ang ibang mga naka stay dito" harang sa kanya ng guard, marami ngang mga tao lalong lalo na ang mga reporter na nagkakagulo na hinaharangan naman ng mga guard.

"kuya guard nandyan sa loob ang anak ko!" pamimilit pa ni Cyril pero poker face lang naman syang tiningnan ng guard

napabuntong hininga si Cyril at tinawagan ang account ng kanyang anak

"nandito na ako! papasukin mo ako!" agad na sabi ni Cyril, ilang sandali lang ay nagsalita ang gwardya

"Miss Cyril Cruz?" tanong nito agad namang napataas ang kamay ni Cyril

"Ako po!" sabi nito

"may id ka po maam? pasensya na po for security purpose lang po"

nagulat si Cyril sa sinabi ng guard at napailing dahil sa pagmamadali na makarating dito ay pera lang ang nadala nya.

"pasensya na po maam hindi po ako pwede magpapasok ng kung sino, sabihan ko muna ang mga kasamahan ko" napayuko si Cyril at agad na pinigilan ang guard ng may maisip sya

PREGNANT BY A PRINCE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon