CH 1

89 3 0
                                    

Chapter 1


Aish! Nagugutom na ako, gusto ko ng kumain...... kaso ubos na yung laman ng ref ko at wala na akong makain

At ayokong lumabas ...

Wala rin akong landline para makapagpadeliver na lang

Haaaay! Buhay!

* Gruuuu

Hay!makalabas na nga para makapamili na! Wala na akong magagawa eh

Ako nga pala si Chessie Go.. ang babaeng tahimik, at mas gugutuhing laging mapag isa

Pagkalabas ko ng Dorm ko, sinuot ko yung hoodie ko at derederetsong lumabas ng building na tinitirhan ko...

**

Grocery

Kinuha ko lahat ng mga kailangan ko .. dinamihan ko na para di na muna ako lumabas ng matagal

After ko mamili, lumabas agad ako ng grocery at inayos ang mga pinamili ko habang naglalakad

Di naman siguro ako mabubung---

* Boogsh

O_O

Yung mga pinamili ko nalaglag. .

Ahauqnsiqoakaa!!! Ang dami pang nalaglag...

Yumuko agad ako para kunin ang mga pinamili ko, nakita ko sa peripheral vision ko na tinutulungan ako na magpulot ng nakabunggo sakin..

" Sorry misss!"- sabi nya kaya napatingin ako sa kanya

Nakahoodie rin sya at naka shades ..

" Okay lang. Pwede mo na akong iwan."- malamig na sabi ko

Patuloy lang ako sa pagpulot ng mga pinamili ko..

" Hindi miss, sorry talaga nagmamadal---"

" Hindi na! Okay na! Pwede mo na akong iwan."- sabi ko .. nagpapaliwanag pa kasi sya eh ..

" Hindi miss!"-sabi nya

Tsk! Ang kulit naman nito

" Okay na sabi."

" Hindi sabi okay miss! Ihahatid na kita! Para makabawi ako!"- sabi nya

-_-

Ang kulit naman neto

" Hindi na kailangan!"-sabi ko at tumayo na

" Ang kulit mo naman miss, ihahatid na sabi kita."-pamimilt nya

Anu ba to?!!

" ikaw yung makulit eh!"-pagtataas ko na ng boses

" Tsk! Wag na makulet tara na!"-sabi nya at inagaw yung hawak kong pinamili

" Anu ba?!!!"-sigaw ko.. halaa minsan lang ako nasigaw

Pinipilit kong tanggalin yung pagkakahawak nya sakin, pero sobrang lakas nya kaya di ako makapilgas

" Sumama ka na lang miss."-nakangising sabi nya

Oo nakangisi sya.. bwiset! Napasama pa yung paglabas ko

Nahila nya ako hanggang kotse nya, napasok agad nya ako sa loob ng kotse nya...

Putragis na lalaki to! Sobrang kulit!

Dahil wala nga sa ugali ko ang magwala, nanahimik na lang ako, masasayang lang boses ko dito eh

Gusto ko sana basagin yung salamin ng kotse nya para makalabas na ako, kaso baka pagbayarin pako nito, tipid pa naman ako ngayon

At pumasok na din sya sa kotse nya, umupo sya sa driver seats malamang.. katabi ko sya

Humarap sya bigla sakin at ngumisi

Walang akong pinakitang emosyon sa muka ko.. tsskk bahala sya jan

" Anu address mo miss?"-tanong nya
" blalblablablabala street blabla."-sabi ko na lang para patahimikin nya na ako

" Okay."

At nagsimula na syang magdrive

Nakatingin lang ako sa window ng kotse nya

" Miss, Di mo ba ko nakikilala?"-tanong nya kaya napatingin ako sa kanya

Tinitigan ko sya mabuti,

Parang pamilyar sya, Kaso di ko talaga sya kilala

" Sino ka ba?"-malamig na tanong ko
" Seryoso?!!!"-sigaw nya

Tsk! Muka ba akong nagbibiro

" So di mo talaga ako kilala."-sabi nya

Ang kulit talaga nito! Nakaktamad sumagot

" Geeeez! Okay magpapakilala ako."-sabi nya at ngumiti

Di ako interesado

" I'm Charles Knight Lee, and you are?"-tanong nya at naglahad ng kamay

Tinitigan ko lang yung kamay nya.. Ayoko nga magpakilala.. baka mamaya scam pa to!

Tumingin sya sakin at parang di makapaniwala yung tingin nya

" Pipe ka ba miss?"

Di parin ako nagsasalita.. haaay nako bahala sya jan.. tumingin na lang ako sa labas

" Miss! Yuhoo! Bat ayaw mo magsalita!"- at kinakaway kaway nya pa yung kamay nya sa harap ng muka

Abno ata to eh! Taas ng enerhiya

" Di kasi ako interesado sa sinasabi mo."-sabi ko

Napatigil naman sya sa pagkaway at tumitig sakin

0_O

Nakakailang naman yung titig nya, At maya maya bigla naman sya ngumiti

Ang puti ng ngipin! Pantay pantay pa! Pero bat sya nakangiti? Ang creepy huh!

" Wow! Nagsalita ka!"-manghang sabi nya

-_-

" Magsalita ka nga uli!"-nakangiting sabi nya

-_- wala na tong pagasa

" Magdrive ka na lang."

" Wooow! Ganyan dapat lagi ka nagsasalita! "- masayang sabi nya

Di ko na lang sya pinansin..

Habang nasa byahe, salita lang sya ng salita.. ang saya saya nya huh!

Di ba sya napapagod magsalita! At kung anu ano pa kinekwento nya

Di ko namalayan na nakikinig na pala ako sa sinasabi nya..

At habang nakikinig ako di ko namalayan na nandito na pala kami sa building kung san nandun yung tinitirhan kong apartment

At pinagbuksan nya pa ako ng pinto

" Hatid na kita hanggang apartment mo."-sabi nya

" Wag na! Baka makaabala pa ako."-sabi ko
Ngumiti sya at parang ang creepy ng ngiti nya

May something

" Paano ka makakaabala. Eh jan lang naman ang bahay ko oh."-sabi nya at tinuro yung malaking bahay sa tapat ng building namin

Whaaaat?!!! Kapit bahay ko lang sya!



**


Lonely Girl Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon