04

221 6 0
                                    

Chapter 4

“Two big Pringles, one each for the two of you. Okay na? Napagbigyan ko na kayo, ha? Let’s go,” yaya ni Chynna.

Nagmamadaling ipinasok nina Vincent at Dotie ang tig-isang tube ng Pringles sa backpacks ng mga ito bago sumakay sa kotse. Nasa trunk na ang picnic basket. Pagkatapos kumaway kay Tita Mildred ay umalis na sila.

Halos regular na activity na nilang magkakapatid ang magtungo sa beach dalawa o tatlong beses sa isang buwan, lalo na kung may gusot sa kanilang relasyon at kailangan nilang mag- relax at magsaya. Pero ang lakad nila nang araw na iyon ay para lang magsaya. Gusto niyang kalimutan ang lahat ng problema niya at mag-enjoy sa paliligo sa dagat nang buong araw.

Sa likuran ay nagdu-duet sina Vincent at Dotie sa bagong CD ng The Corrs na binili niya noong isang araw lang. Namemorya agad ng mga ito ang lyrics ng “Angel” gayong siya ay pahuni-huni lang. She gave up when she remembered her dream last night.

It was strange and she was disturbed by it. It was actually romantic. Magkahawak-kamay na naglalakad sila sa beach ng lalaking binunggo niya. Iyon lang naman iyon. Ang ipinagtataka niya ay kung bakit nanaginip siya nang ganoon. She didn’t even know the man’s name.

Bakit siya na-attract nang ganoon kagrabe agad sa isang lalaking dalawang beses pa lang niyang nakita?

Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili. Kapagkuwan ay umiling siya. She wasn’t in need of a boyfriend. Hindi siya nagmamadali. Ang totoo, wala pa nga iyon sa isip niya. Saka hindi maganda ang unang pagtatagpo nila. Kaya kung bakit hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya ito ay hindi niya alam.

Isa pa pala, may girlfriend na ito.

“I know.”

“Anòyon, Ate?” tanong ni Dotie.

Saka niya na-realize na nagsalita siya nang malakas. “Wala, wala. I was just thinking aloud,” natatawang sagot niya.

“Weird ka, Ate,” sabi ni Vincent. “Lagi ka talagang weird.”

Natawa na naman siya. Ipinagpatuloy niya ang pagda-drive.

“SORRY, Eugene, if I may comment. Is it okay for you to smoke?” tanong ni Christian sa may-edad na lalaki nang maglabas ito ng isang kaha ng sigarilyo at lighter mula sa bulsa nito.

Tumawa ito. “May sakit ako sa puso. It has been a year since I dragged my last smoke. Humor me and don’t tell this to my doctor, okay? Isa lang ito.”

“You shouldn’t be smoking,” sabi pa rin niya. “Makakasamàyan sa iyo.”

Bumuntong-hininga ito, pagkatapos ay umiling-iling. “I’ve already lost my daughter, Christian. Ano pa ang dahilan para asamin kong mabuhay nang matagal?”

Siya naman ang napabuntong-hininga. Alam niyang iniinda nito ang hindi pagdating ng anak nito nang nagdaang araw. Alam niyang iniisip nito na sinadyang magpahuli ni Vivi. Baka nga naghihinala pa ito na pinagtatakpan lang niya ang anak nito. Naaalala niya nang nagdaang araw ang matinding pag-asam sa mukha nito, noong bumaba siya ng kotse at naghihintay ito sa patio.

Pagkatapos ay ang pagbagsak ng mga balikat at paglungkot ng mukha nito nang sabihin niyang mahuhuli si Vivi nang dalawang araw. Tahimik na sinisi niya ang kasintahan dahil hindi man lang nito nagawang tumawag sa ama nito. He thought that Eugene didn’t deserve this kind of treatment.

“There are times when I think I couldn’t stand the loneliness here another minute, hijo.”

Tumayo ito at lumapit sa bintana. “Sana ay nagtatrabaho pa ako para may pinagkakaabalahan ako. Para hindi ako nalulungkot.”

Love Café 10: My Everything | NOELLE ARROYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon