10

269 5 0
                                    

Chapter 10

Napuno ng tuwa ang puso ni Chynna nang makita kung gaano kasaya ang mga kapatid niya habang nagmo-malling. Nanood sila ng sine, naglibot sa buong mall, at namili ng mga damit at laruan ng mga ito. Pagkatapos, sa halip na ibalik sila sa hotel ay dinala sila ni Christian sa bahay nito. Nadala na raw sa bahay nito ang mga gamit nilang magkakapatid.

“Mas malaki ang kuwarto at isa pa, may titingin sa kanila kapag lumabas tayo bukas ng gabi,” sabi nito sa kanya habang ipinapasok nito ang kotse sa gate.

“Bukas ng gabi? 'Di ba, uuwi na kami bukas ng hapon pagsundo natin kay Tita Mildred?”

“Nakausap ko na si Tita. Mag-o-overnight uli kayo bukas dito sa bahay. Gusto ko namang masolo ang mahal ko, you know. Gusto kong lumabas tayo nang tayong dalawa lang. I want us to have a romantic dinner.”

“Oh, Christian,” she whispered.

Inihinto nito ang kotse sa harap ng front door. “Don’t you want that? Well, ang problema nga lang, mapapa-absent sina Vincent sa school sa Lunes—”

“I’d like that,” putol niya. “I’d like that very much.”

Inilapit nito ang mukha para paglapatin ang mga labi nila. Hindi nagtagal ang halik na iyon dahil bumukas ang pinto at lumabas doon ang isang lalaking nakauniporme ng pangkatulong.

Naghintay ito sa pagbaba nila ng kotse.

“Let’s get the kids inside,” sabi ni Christian habang binubuksan ang pinto sa tabi nito.

Sinulyapan niya ang mga kapatid niya sa backseat. Kapwa nakatulog sa pagod ang mga ito.

Bumaba na rin siya ng sasakyan. Si Christian ang bumuhat kay Dotie habang ang katiwalang lalaki naman ang bumuhat kay Vincent. Kukunin sana niya ang mga pinamili nila pero dalawang unipormadong katulong na babae ang humahangos na lumabas. Dumiretso sila sa trunk at binitbit ang mga pinamili nila. Napasunod na lang siya sa mga ito na ang tanging dala ay ang kanyang bag.

Sa wakas, nabihisan na niya ng pantulog ang mga kapatid niya. Medyo naalimpungatan si Vincent pero nang makita siya at ngumiti ito.

“Matulog ka uli. Nasa bahay tayo ni Kuya Christian mo,” sabi niya at hinalikan ito sa pisngi.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi ito nagreklamo sa ginawa niya. Inilibot lang nito ang paningin sa loob ng malaking kuwartong pagsasaluhan nilang tatlo, pagkatapos ay pumikit at bumalik na sa pagtulog.

Nakatayo sa pinto si Christian nang lumabas siya. Inakbayan siya nito. “Samahan mo akong magkape,” yaya nito.

Tumango siya habang pilit itinatago ang magkahalong excitement at kaba na kanyang nararamdaman dahil sa wakas ay solo na nila ang mundo.

“Well, it’s still your coffee,” natatawang sabi nito. “What’s new is we’re gonna have it in my den.”

“Ang laki ng bahay mo,” komento niya.

“Dito ka titira pagdating ng araw.”

Bigla siyang napabaling dito.

Tumawa ito. “Okay, okay, lilinawin ko po. Hindi kita minamadali,” sabi nito, saka hinalikan siya sa tungki ng ilong. “But I’m telling you, it’s something that’s going to occur in the future so don’t look so surprised.”

Yumuko siya at tinitigan ang sahig. “Christian, it’s not that... I’m so happy with this, with us. Talaga lang kasing nakakagulat kapag sarili kong kasal ang pinag-uusapan.”

“Nauunawaan ko kung hindi ka pa decided.”

Sinalubong niya ang titig nito. “Hindi rin sa gano’n. Kaya lang, dahil sa mga kapatid ko, there was a time when I entertained the idea that I will never get married. Akala ko, mahirap maghanap ng lalaking magmamahal sa kanila na katulad ng pagmamahal ko sa kanila. And then there’s the coffee shop. Bihirang lalaki ang makakaunawa sa dedikasyon ko sa maliit kong negosyo.”

Love Café 10: My Everything | NOELLE ARROYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon