Chapter 8

48 3 0
                                    

Chapter 8

I was born on a sunny day of August that's why my parents named me Autumn Shine. On the other hand, my sister was born on a rainy summer night around June, that's why she was named Summer Rain. My parents have no creative juices. If I were to pick my own name, it would be Earl's Princess, pwede ring Earl's Queen... Or just Earl's.

Monday na naman at may pasok kahit may bagyo. Kaya pala medyo galit ang langit noong Sabado dahil may paparating at nagbabanta. Ngayong college na ako, gets ko na ang inside joke ng mga university students na waterproof daw sila. Signal number 2 na't ang lakas ng kulog at hangin, pero wala pa ring class suspension.

Okay na rin naman, medyo kinabahan nga ako at baka walang klase kasi mapapahaba ang paghihintay ko kay Earl. Sana lang talaga at pumasok siya para makausap ko na!

Kung hindi naman iyon papasok, sigurado ako may mali talaga na nangyari sa kanya.

Masisilayan ko si Earl... at makakausap. Umukit ng ngiti sa aking labi. Wala pa rin talaga siyang reply sa akin simula noong Friday. Mabigat pa ang aking pakiramdam at masama ang loob ko, pero hindi ko iyon kayang tiisin. Hindi pa siya humihingi ng tawad, napatawad ko na agad. Ganoon ko siya kamahal.

"Manong, standby ka na lang muna sa carpark, pwede ka rin tumambay sa food stalls sa may oval para may makain. Baka kasi biglang mag-suspend ng class." Pagbabaka sakali ko kay Manong Cardo na agad namang tumango. Nag-iwan ako ng isang libo na pwede niyang gastusin.

Usually kasi kapag nahahatid na niya ako ay umuuwi na siya agad at saka lang ako sinusundo kapag dismissal ko na. Alam na niya ang sched ko, kaya kapag napaaga naman ang out ay tinatawagan ko rin siya. Minsan ko lang siya pinapahintay na sa university.

Binaba na niya ako sa tapat ng COE building. Kapag kasama ko sina Gab at Ally, sa may entrance gate lang kami bumababa para sabay na maglakad papasok ng university.

Ewan ko ba ano ang trip ng dalawa, para raw mas magtagal pa ang pagsasama dahil minsan na nga lang kaming buo na tatlo. Si Gab na sa College of Architecture ay katabi ko lang naman ng building at mabilis dalawin, samantalang si Ally ay medyo malayo sa amin dahil sa CHS pa siya, pero hindi naman nagrereklamo.

Halos lahat ng natatanaw ko sa labas ay nakajacket dahil malamig. Ako naman ay naka-skinny fit pants at black turtle-neck long sleeves na fitted. I matched it with my sun necklace and diamond earrings, then a pair of black stilettos with gold on top.

Pumasok ako sa classroom at nadismaya dahil wala pa si Earl sa kanyang pwesto. Pinasadahan ko ng tingin ang klase, marami na kami. Bale 30 kaming lahat sa block at may kanya-kanyang grupo. There were people who greeted me and I also greeted them back. Si Camille ay nasa dulo ulit, katabi niya si Andrei. Abala siya sa paglalagay ng foundation sa mukha habang kausap ang iba pang mga babae sa klase. They were all giggling and laughing. Kairita.

Umupo na lang muna ako, sunod na dumating si Marius. Nagtaka siya kung bakit wala pa si Earl dahil iyon ang laging nauuna sa aming dalawa. Pumwesto siya sa likod ko at saka niya inabot ang paperbag na hawak niya.

"Ayan, regalo ko." He grinned. Tinanggap ko naman iyon at sumilip sa loob. May tupperware na puno ng strawberries, at meron ding ube jam, peanut brittle, at pastillas.

"Hindi halatang nag-Baguio." Biro ko sa kanya.

Ngumisi lang siya sa akin, "sobrang hamog nga eh. Akala mo nasa langit ka. Tapos ang lamig, parang naka-aircon ka sa labas." Pagkwento niya. "Kumusta ang debut?"

Biglang napawi ang ngiti sa labi ko. Hindi ko pa pala nakwento sa kanya, kaya sinabi ko na lang na hindi nakapunta si Earl kaya si Dad na rin ang naging last dance ko. Marius seemed surprise, but I told him to not hate on Earl because there might be a reason why.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Murals on City WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon