Prologue

1 0 0
                                    

Dalhin mo ako sa paraiso
Dalhin mo ako sa paraiso
Kung saan tayong dal'wa lang
Magkasama
Magkahawak mga kamay

"Hindi na bibitaw ohhh~"I ended the concert with my first ever song I wrote, I smile to the crowd watching them shout and clap their hand for me.

Finally.

"Thank you for tonight everyone,until now hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ako sa harapan nyo ngayon-"don't cry Mel

"It's been a really tough journey,my younger self would be so proud if she knew how successful I became"I pout to stop myself from crying

"I just-ahm wanted to tell you guys that I appreciate you and I dedicate all my songs to you,please continue on supporting me I love you guys-"

"Jewel Melody Rosales Villamor? "Ahh shutang ina!

"Yes ma'am?"

"Do have something to share with us?"kung anu-ano nanaman kasing naiimagine ng tao na 'to

"Uhhmm-about what ma'am?"

"You're spacing out again"ma'am Flor sigh na para bang pagod na pagod na sa akin

"Now share to your blockmates,what is your dream?"she asked, napatingin ako sa paligid ko na dapat di ko ginawa, nakakahiya talaga, lagi nalang.

"Uhm-to be on the spot? "I smiles awakwardly, alam kong hindi nila ako maiintindihan, sabi nga nila life in the spotlight is not easy, pero alam ko sa sarili ko na kaya ko.

July 23, 2015

"Mel anak, nakuha mo na ba yung padala ni papa mo? "

"Hindi pa po ma"tumakbo ako palapit kay mama

"Ma kelan uwi ni papa? "

"Hindi ko alam nak, wag na muna nating oag usapan yan, pumunta ka kay lola Marie mo at kunin mo yung binibigay nyang kamote"si lola Marie ang pinaka masungit kong lola, pero love na love ako non

"Lola! "Tawag ko kay lola kahit malayo palang sko sa bahay nila

"Lola, mano po" nakangiti akong sinalubong ni lola

"Lola mano po! "Hindi nilalabas ni lola ang kamay nya, nakatayo lang sya sa pinto habang ang mga kamay nya ay nasa likod nya

"Lola naman! Hmm papasok na lang ako,yung kamote daw"papasok na sana ako ng may ilabas si lola mula sa likod nya

"Happy birthday apo"hindi ko mapigilang tumulo ang luha ko

"Hala lola Gitara ba yan? "Hindi makapanilawala ang mga mata ko sa nakikita ko

"Ay hindi apo,kamote yan"natawa ako sa munting biro ni lola, I hugged her, gitara, pangarap ko yon at natanggap ko yon sa mismong araw ng kaarawan ko

At si lola lang ang nakaalala ng birthday ko.

Kung alam ko lang niyakap ko na sana ng mahigpit si lola nung araw na yun.

July 29 2015

Apo ko,

Pinag ipunan ko iyan para sa'yo, patawarin mo ako at hindi na kita makikitang kumanta sa tv, ingatan mo iyan, ipagpatuloy mo ang mga pangarap mo, alam kong wala naniniwala na kaya mo pero lagi mo akong alalahanin, ako, tiwala akong kaya mo.

Mahal na mahal kita apo

Nawala ang nag iisang taong nagtiwala sa akin, ang nag iisang taong naniwala na kaya ko.

August 13, 2025

"Hay naku Mel itigil mo yang pag kanta mo,mag aral ka,wala kang mararating sa pagkanta! "

Paulit-ulit nalang, lagi nalang ganyan ang lumalabas sa bibig ni mama, noon pa man ay wala na syang tiwala sakin.

Si papa na inaasahan kong ipagtatanggol ako, wala din. Nagtatanong naguguluhan ako nasan si papa? Bakit ganito si mama? Lola, bakit mo ako iniwan?

April 26,2016

"Saan kayo mag aaral for college?"

"Mag babaguio ako"

"Ako naman sa PUP"

"Si Michelle sa UP"

Ako?

Walang plano, hindi ako kayang pag aralin ni mama, si papa? Wala ng paramdam.

May 2 , 2016

"Ma,sino sya? "Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, si mama may kasamang iba, hindi lang basta kasama, magkatabi sa kama, nakabalot ng kumot ang buong katawan.

Gulat. Yun ang mababakas sa mga mukha nila.

Ano bang nangyayari, sa buhay ko, sa oamilya ko?

"Mel magpapaliwanag ako-" bago pa man matapos ni mama ang sasabihin, tumakbo na ako, tumakbo ako ng tumakbo, parang hindi ako napapagod, namamanhid ang buong katawan ko, nasasaktan ako pero walang luhang lumalabas sa mga mata ko

"Aray! "

"Sorry,okay ka lang? "

Katatakbo ko nakabangga ako pero hindi ko magawang mag sorry, ni hindi ko magawang tignan ang taong iyon, patuloy lang ako sa pagtakbo

"Hoy, miss! "

Tumakbo ako na parang walang naririnig hanggang sa wala na akong makita kundi dilim, ingay ng mga sasakyan at mga tao sa paligid ang naririnig. Huminto ako sa pagtakbo, ni ang puso ko ay hindi ko mardaman.

"Miss!"

Iyong boses na iyon ang huli kong narinig bago ako nawalan ng malay.


-('-'*)♪


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 28 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Melody's Last SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon