Part I: MALING AKALA

79 17 0
                                    

Akala ko nung una ang mundo ng pag-ibig ay isang magandang panaginip.

Desperada. Yan ang ang maitatawag sang isang babae na patay na patay sa pangalan ng pag-ibig. Pero hindi naman sigurong mali ang magmahal at ang maghabol sa pag-ibig, diba? Siguro. Nagmamahal lang naman ako, eh. Hayy... nagsesente na naman ako. Ganyan talaga ako mahilig magdrama lalo na pagdating sa mga bagay-bagay gaya ng pag-ibig.

May crush ako pero mukhang hindi lang basta crush ito, sa loob ng 3-taon lagi ko siyang kinukulit, lagi kong sinasabi sa kanya na mahal ko siya hindi ako nagsasawang iparamdam sa kanya na siya lang ang taong mamahalin ko habang-buhay. Kaya nandito ako ngayon sa bench malapit sa gate kase hinihintay ko siya dahil sabay kaming dalawa na papasok sa room, magkaklase kami at seatmate din kami. Aba! Hindi naman ako papayag na ibang babae ang katabi niya nu? Required kase dito sa school na ang seatmate ay girl-to-boy kaya masaya ako sa rules na yun kase sa loob ng 3-taon katabi ko ang taong mahal ko.

"Andrew! Dude, kamusta yung summer mo?"

Nang marinig ko ang boses na yun na tinatawag ang pangalan ng taong mahal ko ay bigla akong napatingin sa tinawag nila, tumayo ako at lumapit atsaka ipinalupot yung kamay ko sa braso na agad naman niyang kinuha na para namang may virus ako at mahahawaan siya kapag kumapit ako sa kanya.

Linta. Yan ang tawag nila sa akin, paano ba naman kase dikit ng dikit ako dito sa lalaking mahal ko kaya halos lahat ng girls ay naiinggit sa akin kase naman gwapo itong love ko at pati lower-years ay naiinis sa akin para namang hindi ako naiinis sa kanila kung maka-Kuya, eh, akala mo ang babait at inosente pero sa Kuya na yun panglalandi ang laman, nakakabwesit sila. Pero okay lang kase ako lang naman ang babaeng, mahal niya din... sa panaginip ko. Ayos, diba?

Kahit kailan hindi ako pinaasa ni Andrew, ako lang yung tanga at desperada kaya hindi ako sumusuko at malakas ang fighting spirit ko na kahit lagi niya akong nirereject at binabusted ay nararamdaman kong mahal niya din ako. Yun ang pinanghahawakan ko kaya hindi ako sumsumuko sa kanya.

Pakiramdam. Ang pakiramdam na mahal niya din ako kahit papano. Ang pakiramdam na ayaw niya akong mawala sa buhay niya at ang pakiramdam na importante ako sa kanya.

Bakit ko nasabi yun sa kabila ng pangrereject niya? Simple lang dahil nararamdaman kong may pakialam siya sa akin dahil lagi niya akong pinatatanggol sa mga b*tch pa sa akin na babae. Well, sa hindi naman na hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko, everytime na makikita at mahuhuli niya lang akong nakikipag-away, astig diba? Kung pwede nga lang na ipakita ko sa kanya lagi akong may kaaway, ginawa ko na kaso baka ma-discipline office ako. Mahal ko ang school ko at ayokong mas lalong maging masama ang tingin ng mga estudyante sa akin.

"Hi, babe. Tara, pasok na tayo sa classroom. H'wag ka na munang sumama sa mga kaibigan mo at first day ngayon baka kung saan ka pa pumunta ang magsi-skip sa klase, wala na naman akong katabi kapag ganun, nakakatamad pumasok." Sabi ko kay Andrew at ipanalupot ulit ang kamay ko sa braso niya pero agad din niyang kinuha.

"Pwede ba, Reena? Ang aga-aga, eh." Saway naman niya sakin. Tsss.

"Wala naman akong may ginagawang masama, ah?" sabi ko nang may tampo ang tono.

"Tigilan mo nga yan." Suway niya ulit sa akin kaya mas lalo akong napanguso.

Naunang naglakad si Andrew sa akin susunod na sana ako ng may sinabi yung barkada ni Andrew na si Louie.

"Na-reject ka na naman?" sabi niya at sabay tawa ng mga kasama nito na barkada din ni Andrew.

I just roll my eyes on them at tinalikuran na sila para habulin si Andrew, nang maabutan ko siya agad kong pinalupot ang kamay ko sa braso niya para ipaalam sa lahat at sa buong school at sa buong mundo na akin siya... pero agad din naman niyang kinuha. Sanay na ako sa routine na ito kapag kasama ko si Andrew at ang mga kaibigan niya? Trip akong pagtripan ng mga barkada niya pero hindi ako nagpapaapekto dahil hindi sila ang habol ko kundi si Andrew minsan nakakalungkot isipin na hindi niya man lang ako ipinagtatanggol sa mga doon pero okay lang sa akin ang ganun basta ba ay kasama ko si Andrew.

Maling Akala (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon