It's been 6 years, simula noong umalis ako nang Pilipinas at nandito ako ngayon sa airport at hinihintay ang sundo ko. Pagdating na pagdating ko dito sa Pinas pinahintay ako kaagad, nakakairita. Oo, bumalik na ako. Umalis kase ako nang mangyari yun, sirang-sira na ang image ko sa school na yun kaya wala na akong dahilan para manatili pa, na-expelled na nga ibig sabihin pinapalayas ka na.
Simula nung umalis ako sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako magmamahal muli kaya nang dumating ako sa New York kahit anong relasyon ang pinasok ko kung b*tch ako dati sa school ko mas naging b*tch ako sa New York dahil nakuha kong mang-agaw ng boyfriend nang iba pero hindi din naman tumagal yun kase narealize ko na nagmamahal din pala sila kaya pagkinuha ka yung taong mahal nila, mararamdaman nila yung nararamdaman ko, hindi man ako inagawan nung highschool ako kase una pa lang ay hindi siya naging akin, ayoko ko lang na maramdaman nang iba ang pakiramdam ang masaktan kaya tinigil ko ang pagiging play girl ko.
Habang nasa New York ako, nag-focus ako sa studies ko, nag-apply ako bilang Assistant sa Library ng University na pinapasukan ko dun para naman mas lalo kong ma-explore ang mundo ng mga libro, hindi ako nagbabasa nang may happy-ending gusto ko yung tragic o di kaya kapag may Book 2, hindi ko na binabasa yung Book 2 dahil para sa akin mas maganda kase kapag ang estorya sa isang libro ay nanatiling misteryoso.
Nakaugalian ko din ang hindi ipakita ang ngiti sa mga labi ko dahil mas gusto kong hindi ako makilala ng mga tao gamit ng mga ngiti na iyon, ayoko ko din makipagsalamuha sa kanila dahil natatakot ako hindi ko alam kung bakit basta ko na lang naramdaman yun nung mangyari yung nangyari noong huling mga araw ko sa school na iyon. Grabe ang epekto sa akin nun, halos pati ako hindi ko makilala ang sarili ko kaya minabuti kong kontrolin ang mga dapat kontrolin hanggang sa unti-unting nagbago ako, gustuhin ko man sa hindi kailangan kong magbago para sariling kapakan ko kaya ito ang naging resulta ang pagiging misteryo ko at yun ang tingin ng mga tao sa akin.
"Ms. Ena, nandito na po ang sasakyan. Pasensya na po kung na-late ako nasiraan po kase ako atsaka traffic po." hindi ko pinansin ang driver na ipinadala ng Daddy ko, ako na mismo ang nagbukas ng pinto ng sasakyan at pumasok na, naghintay na nga ako, dinaldalan pa ko. Gusto kong magpahinga dahil may jetlag pa ako. Agad naman siyang pumasok at nagdrive.
Habang nasa byahe hindi ko maiwasan ang hindi isipin si Andrew at si Chloe, wala na kase akong balita simula noon kase pinutol na ni Daddy at Mommy ang koneksyon ko sa kanila pati na din naman ako pinutol ko kung ano man ang meron noon, mas mabuti na ganun. Yung kaklase kong babae ang naglagay ng drugged perfume sa facetowel ni Chloe, dahil nung nalaman nina Mommy at Daddy ang nangyari hindi nila matanggap at hindi sila naniniwala na kaya kong gawin ang bagay na yun, kaya pina-imbestigahan nila ang nangyari at doon nalaman na hindi ako naglagay kundi yung kaklase kong babae na kumuha nang video sa akin noon sa locker room. Kaya nalinis yung pangalan ko pero sirang-sira pa rin ako kase umasa na naman ako sa huling pagkakataon. Umaasa ako na hihingi ng tawad sa akin si Andrew pero hindi siya pumunta ng bahay, hinintay ko siya hanggang sa makaalis ako, tanggap ko naman kase na hindi niya ako mahal at ayaw niya sa akin, umaasa lang ako na bago ako umalis okay na kami pero nabigo lang ako kase hindi siya dumating yun pala, hindi na hinayaan nina Mommy at Daddy na may makalapit pa sa amin na schoolmates ko man lang o classmates ko kahit na ang mga teacher, nagpadala na lang sila ng sulat sa akin yung Principal at yung PE teacher namin, wala naman silang nagawa masama baka trip lang nilang humingi ng sorry, hindi pa nga agad nakapasok sa bahay yung sulat kase mahigpit na ipinagbabawal sa mga kasambahay,guard at guard ng village na bawal na may makapasok na kahit anong bagay na mula sa school na iyon, kilala ang pamilya ko sa larangan ng business kaya nung mangyari yun, naging maingat si Mommy at Daddy, at alam din naman nila na si Andrew ang taong kinababaliwan ko kase nakwekwento ko yun sa kanila noon thru video call, palagi kase silang wala at may business trip kaya sa video call bumabawi ang parents ko.
BINABASA MO ANG
Maling Akala (Short Story)
Historia CortaDesperation may always be bad in the eyes of the many but as for Reena, desperation is her way to tell everyone how deep her love is for Andrew until one day desperation creates crime she didn't thought will happen. Is there any way to have a chance...