CHAPTER TWENTY-TWO

35 5 2
                                    

Nakarating na sa America si Rukawa..

"Saan ko kaya sila makikita?." Tanong ni Rukawa sa kanyang sarili abang naglalakad na awak ang kanyang cellphone na tinatawagan si Sendoh.. Ilang saglit lang ay sumagot si Sendoh.

"Ano? Ang aga-aga tumatawag ka." Tanong ni Sendoh na kakagising lang.

"Sunduhin mo ko dito sa airport, wag mong sabihin kay Yurie." Sabi ni Rukawa na inutusan pa si Sendoh.

"Sa airport? Saang airport?." Tanong ni Sendoh.

"Dito sa airport." Sabi ni Rukawa at pinatay na ang tawag.

"Nandito ba siya sa America?." Tanong ni Sendoh sa kanyang sarili at lumabas na siya sa kanyang kwarto na nakabihis.

Nagpaalam siya kay Yurie na may pupuntahan siya at pagkarating ni Sendoh sa airport nakita niya si Rukawa na nakaupo sa tapat ng airport.

"Anong ginagawa mo rito?." Tanong ni Sendoh kay Rukawa.

Pumasok na sa sasakyan si Rukawa.

"Sinabi moba kay Yurie na nandito ako?." Tanong ni Rukawa kay Sendoh.

"Sabi mo wag kong sabihin, kaya hindi ko sinabi, sinabi ko kay Yurie na may pupuntahan lang ako, bakit ba naisip mo na pumunta rito?." Tanong ni Sendoh.

"Saan kayo nakatira? Magkasama ba kayo sa isang bahay?." Tanong ni Rukawa na walang planong sagutin ang tanong sa kanya ni Sendoh.

"Ano sa tingin mo?." Patanong ni Sendoh kay Rukawa.

Nakatulog si Rukawa sa sasakyan abang nasa biyahe at pagkarating nila sa resort ay nagising na si Rukawa.

"Nandito ba si Yurie?." Tanong ni Rukawa sabay baba sa sasakyan.

"Hindi libre tumira dito kailangan mong magbayad." Sabi ni Sendoh ng nakapasok na sila sa resort.

Tinuro ni Sendoh kung nasaan ang kwarto ni Yurie at pinuntahan yon ni Rukawa at si Sendoh naman ay pinuntahan si Manang para tignan kung nakapagluto naba ito ng pagkain.

Pagkapasok ni Rukawa sa kwarto kung nasan si Yurie ay nakita niya doon si Jordan at wala si Yurie.

"Nagkamali ba ko ng pasok?." Tanong ni Rukawa sa kanyang sarili.

Ngunit hindi siya nagkamali.

"Do you need anything?." Tanong ni Jordan.

"Is this Yurie's room?." Tanong ni Rukawa.

"Yes. in the bathroom taking a shower." Sagot naman ni Jordan.

"Anong ginagawa mo rito kung kwarto nga ito ni Yurie bakit ka nandito?." Tanong ni Rukawa kay Jordan na inaaway si Jordan.

"What do you mean? Who are you?." Tanong ni Jordan.

Dumating si Yurie.

"Kuya? Anong ginagawa mo rito?." Tanong ni Yurie kay Rukawa.

"Do you know Yurie?." Tanong ni Jordan kay Yurie.

"He is my brother." Sabi ni Yurie kay Jordan.

Lumabas na muna si Jordan.

"Anong ginagawa ng lalakeng yon dito?." Tanong ni Rukawa kay Yurie.

"Kaibigan yon ni Akira, siya si Jordan." Sabi ni Yurie.

"Bakit nandito siya sa kwarto mo?." Tanong ni Rukawa.

"Hindi ko alam kung bakit nandito siya. Kakatapos ko palang maligo kaya hindi ko alam na nandito siya sa kwarto." Sabi ni Yurie kay Rukawa.

"Sa tingin ko alam nya na hindi ito ang kwarto ni Akira." Sabi ni Rukawa sa kanyang sarili.

"Baka kala nya ito ang kwarto ni Akira." Sabi ni Yurie kay Rukawa.

"I lock mo kase ang pinto." Sabi ni Rukawa.

"Nakalimutan kong i lock." Sabi ni Yurie.

Dumating si Sendoh.

"Kumain na tayo." Pagyaya ni Sendoh kina Yurie at Rukawa.

"Pinapunta moba dito si Jordan yung kaibigan mo?." Tanong ni Rukawa kay Sendoh na pabulong para hindi marinig ni Yurie.

"Hindi." Sagot ni Sendoh at nagtaka dahil biglang natanong yon ni Rukawa. "Bakit mo natanong?." Tanong ni Sendoh.

"Wala naman." Sabi ni Rukawa.

"Matagal kona siyang kaibigan, paano mo nga pala siya nakilala?.." Sabi ni Sendoh.

"Nakita ko kase siya sa kwarto ni Yurie kanina." Sabi ni Rukawa.

"Anong ginagawa nya don?." Tanong ni Sendoh.

"Kaya ayaw kong iwan sayo si Yurie eh, dahil hindi mo siya binabantayan ng mabuti." Sabi ni Rukawa kay Sendoh.

"Anong pinagbubulungan nyo diyan?." Tanong ni Yurie sa dalawa.

"Wala." Tipid na sagot ng dalawa.

"Alam moba kung anong pangalan ni Mama?." Tanong ni Yurie kay Rukawa.

"Hindi ko alam." Sagot ni Rukawa.

"Bakit hindi mo alam?." Tanong ni Yurie.

"Eh ikaw ba alam mo? Ikaw rin naman hindi mo alam eh." Sabi ni Rukawa at nainis sa kanya si Yurie.

"Bakit kaya nagpunta dito si Jordan? Bakit nya pupuntahan si Yurie sa kwarto?." Tanong ni Sendoh sa kanyang sarili.

YOU AND MEWhere stories live. Discover now