Nagkukumpulan ang mga tao ngayon sa St. Ana dahil sa aksidenteng nangyari. Wasak na wasak ang kotse, puno ng dugo. Dalawang tao ang sakay ngunit hindi na humihinga ang isa. Ang nakaligtas naman ay dinala na sa hospital. Sa ngayon ay—
Hindi tinapos ni Jesa ang balitang ilang beses niya nang pinapanood. 2 months ago na ang video na 'yon pero hanggang ngayon ay hindi niya parin matanggap ang katotohanan. Katotohanang wala na talaga ang boyfriend niyang si Haris.
"Gusto mo na bang lumabas?" tanong sa kanya ng kaibigan na si Rosie. Hindi siya sumagot sa halip ay binaba niya ang selpon at tinungo ang bintana ng hospital. Ilang beses niya nang naisipang magpakamatay dahil hindi niya talaga matanggap ang pagkawala ng kanyang boyfriend. Ngunit lagi naman siyang pinipigilan ng kaibigan at laging sinasabi sa kanya na; hindi magiging masaya si Haris kapag ginagawa niya 'yon. Ang pagpapakamatay.
"Alam kong hanggang ngayon ay hindi mo parin mapapatawad ang sarili mo."
"Huwag kang huminto lang dito, Jesa."
Isang butil ng luha ang tumulo sa kanyang mga mata. Kapag naalala niya ang mga alaala nilang dalawa ni Haris hindi niya mapigilang hindi masaktan at mangulila sa minamahal. Gusto lang naman nilang maging masaya ngunit bakit pinagdadamot ng tadhana.
"May iniwan akong pagkain sa ibabaw ng mesa. Kumain ka ah? Aalis muna ako."
Nang makaalis na si Rosie. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at bumalik muli sa kanyang kama. Binuksan ang selpon at hinanap ang mga kuhang videos nila sa isa't-isa.
December 20, 2022
"Anong gusto mo sa pasko?" tanong ni Haris habang ang dalawang kamay nito ay nasa baywang ni Jesa.
"Kahit ano basta kasama ka." Sagot naman ni Jesa at hinaplos ang mukha ng boyfriend. Lagi niyang sinasabi sa sarili na hindi niya kayang iwan ang lalaking ito. Kahit gumunaw man ang mundo, hinding-hindi siya bibitaw sa salitang pinanghahawakan niya.
Unang boyfriend niya si Haris. Unang minahal niya, kaya niyang isakripisyo ang lahat para lang sa kanya.
"Hindi talaga ako magsasawa sa mukhang 'to." Pinisil ni Haris ang mukha niya. "Mahal na mahal talaga kita, Jesa. Ginayuma mo ba ako?"
"Ako? Gagayuma sa'yo? Hindi na kailangan. Sa ganda ko ba namang ito sinong hindi magkakagusto aber?"
"Aba!" angil naman ni Haris.
"Joke!"
"Sabagay, hindi ka lang maganda, Jesa. Mahal na mahal kita, hindi kita iiwan."
"Talaga?"
"Yeah, baby. Hindi kita iiwan, hindi na kita pakakawalan." sabi ni Haris na punong-puno ng pagmamahal. Niyakap niya si Jesa at hinalikan ang noo at ulo nito.
"I love you,"
"I love you too, baby."
***
Tinigil ni Jesa ang video at umiyak muli. Isa 'yon sa mga memorya nilang hindi niya makakalimutan dahil sa araw na 'yon, hiningi ni Haris ang kamay niya. Tuwang-tuwa siya nang lumuhod sa kanyang harapan ang minamahal, hindi niya inaasahan iyon. Hindi naman iyon ang regalong gusto niya sa pasko, pero sobra ang binigay sa kanya. She was so happy that day, walang iniisip na iba kundi sila lamang dalawa ni Haris.
She played the video again, but this time, she let it. Humiga siya sa kama habang patuloy na umaagos ang mga luha. Tuwing naririnig niya ang boses ni Haris mula sa video ay tila sinasaksak ang kanyang puso. Miss na miss niya na kasi.
Gusto niyang makita si Haris.She closed her eyes. Umaasa na sana ay makikita niya si Haris sa kanyang panaginip. Kahit sa panaginip lamang. Gusto niyang maramdaman ang mga bisig nitong nakayakap sa kanya, ang labi nitong malambot na laging nagbibigay sa kanya ng pangako. Ang mga matang nababalot ng pag-asa, at pag-ibig na laging nakabaon sa puso.