THE LOLLIPOP GIRL

103 4 0
                                    

***

"Lick here, lick there. Chaka chaka ei ei," kanta ko habang panay subo ko sa lollipop na kabibili ko kanina kina Aling Nina. Hehe sarap talaga ng buhay pakain-kain lang, walang istorbo sa daan kasi kung meron man s'ya ang isusubo ko. Char lang.

"Hmmm. Ugh chaka chaka e—what the lollipop sino 'yun?!" gulat na tanong ko nang may lumipad na skateboard sa mukha ko as in sumalpak sa mukha ko kayat nailuwa ko yung lollipop sa sobrang gulat.

"Walang hiya! Anong ginawa niyo sa lollipop ko?!"

"Haha animal ka bro! Nasapol mo si colorful girl haha," natatawang sambit ni Aeron. Maangas pero gwapo naman na kapitbahay namin na minsan ding nang ligaw sa'kin noon. Nang hindi ko sinagot abay nag tangkang magpakamatay charot lang, over naman 'yun. Ang baho baho niya kasi, mukhang hindi naliligo. Ang asim ng kilikili niya at nakakasilaw naman ang ngipin niyang araw-araw yata babad sa araw. Gwapo sana eh. So 'yon nga, tiningnan ko 'yung lollipop ko at napadabog ako sa inis dahil may dumi na 'to. Letseng mga kutong lupa 'to!

"Huy englisherong hapon! Sumagot ka dyan pre haha," at ayun nga tumawa pa, 'yung feeling gwapo mahabaho naman. Ang sarap nilang sapakin. Wala na akong perang pambili at nag-iisa nalang 'yung lollipop na 'yon. Nakakaputangina talaga.

Tinapunan ko naman ng tingin 'yung lalaking katabi nito, at shocks lang po porma pa lang alam na alam na ang kagwapuhan at kayamanan. Pero galit ako.

"Huy gago sa'yo ba 'tong skateboard na tumama sa'kin?!" Dinuro-duro ko pa para naman may tense, humarap s'ya sa'kin at inirapan ako.

"Yes, its mine."

"Aba bilhan mo 'ko ng bagong lollipop gago you!"

"Why would I? 'Yung skateboard ko naman ang tumama sa'yo at hindi ako, kaya 'yang skateboard ko ang bibili."

Ginagago niya ba ako?

"Do you have a common tense?" ay teka tama ba ang english ko? Paki korek naman. Tumawa ito nang napakalakas na mas lalo ko pang kinamangha sa kanya, what the hek! Gwapo nga siya pero putangina niya parin.

"Hahahaha ibang klase ka talaga colorful girl haha," at tumawa na naman 'yung isa, aba tinawanan pa ako. Inayos ko ang pink kong palda 'saka naman binaba ko ang orange kong damit. Hayop na mga walang hiyang 'to, pinaglalaruan talaga nila ako.

"'Wag kasi puro lollipop ang pumasok sa bibig try mo rin iba. Baka malay mo maitama mo 'yang tense na sinasabi mo." 

May meaning ba 'yung pagkasabi ng hapon na 'to?

"Pwede naman akong mag-volunteer Miss colorful, I'm free today. I'm Klaus Salazar,"

Eh?

"Tinanong ko ba kung sino ka? Eh anong pakialam ko kung free ka?" Irap na tanong ko naman ang lola niyo te.

"I can take you to my place, wala sina Mommy sa bahay. Are you coming?"

"Ba't naman ako pupunta sa bahay niyo? Hindi nga kita kilala eh! Baog na hapon!" benelatan ko siya. Mukhang hindi niya naman malalaman 'yon dahil mas hasa siya sa salitang ingles. 

"WHAT THE FVCK DID YOU JUST SAY?!"

"Baog! Alam mo 'yun?" tanong ko. Namula naman 'yung ilong niya sa inis.

"Sinusubukan mo talaga ako! Baka kapag nakita mo 'to mapapasabi ka na lang na mas masarap pa to kaysa du'n sa lollipop mo!"

Anudaw?

"Ano namang makikita ko sa'yo? At isa pa mas masarap ang lollipop ko kaysa sa'yo ano!"

"Ni hindi mo pa nga natitikman 'to!"

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon