CHAPTER TEN

4 0 0
                                    

🥀
   VANNA is now reviewing some files na pinahanap nya kay Tristan kanina. All of them are the key to her identity.

"Tristan... Naka usap mo na ba yung witness na sinasabi mo?" tanong ko dito habang di inaalis ang tingin sa papeles.

"Yeah" sagot nito "Bali, next week naka schedule na makita at maka usap sya"

   Tumango tango naman ako at tiningnan sya. He's now reviewing other files na may kinalaman sa mga transactions na nagaganap sa underground. In this past few days ay naging interested ako sa underground dahil sa isang panaginip. Napatingin naman ako sa papers na iniwan ng parents ko. Hindi ko pa ito nabubuklat and since then ay di pa nila ako tinatawagan ulit.

"Any call from them?" tanong ko.

"Wala" mabilis nitong sagot at lumapit sa akin at may inaabot na poster"Someone posted that there will be an event this month"

   Kinuha ko naman ang poster na yun at binasa ang details. Hmmm interesting.. A gang fight...

"Wanna join?" tanong ko dito.

"Wala naman ako mapapala dyan" sagot nito at binawi ang poster "Wag ka ng magtangkang sumali Vanna"

   I don't have a gang kaya bat ako sasali unless... Umiling iling naman ako at nag dial ng isang number.

"Is this the principal?" diretso kong tanong pagka pick up.

"Yes, why?" tanong ng kabilang linya.

"Hi! I'm Vanna Kim. I'd like to offer a deal" sabi ko "This is regarding to us being absent for a whole week, next week"

"Hmmm i see...Ms. Vanna, anong ma o-offer mo?" pag aalangan nitong tanong.

"700k and I don't want to know na malalaman ng iba" diretsa kong sabi "It's important matter."

   I'm confident na tatanggapin nya ang pag bribe ko. It's actually no sense kung di ko sya bayadan pero baka ma report ito sa parents ko. Ayaw ko na magiging problema 'to. Patuloy akong nakipag negosasyon hanggang sa napa payag na ito kaya naman agad akong nag transfer ng pera.

"We're excused and my parents will not gonna know it" sabi ko kay Tristan "Alam naman nating madami silang mata kahit di nila sabihin"

   Natapos ang gabi namin sa pag rereview ng kahuling files. Nag tataka siguro kayo kung bakit sinabi ko na mag dadala ang mga files na yun sa identity ko. Ayun sa parents ko I have amnesia dahil sa incident nung bata ako bago nila ako maampon. And simula nung umuwi ako dito sa pinas at nananaginip ako ng kung ano ano at sumasakit ng todo ang ulo ko. I dunno why it's happening but it feels like may kinalaman sya sa past ko.

🥀
   NICK ASHER is now digging some information kay Vanna at sa Tristan na kasama nito. Ngunit wala itong makitang kahina hinala kaya naman iniutos nalang nya ito sa kanyang tauhan. Andito silang magkakaibigan sa isang bar kung saan nasa isang VIP section sila.

"I really like Vanna" natutuwang sambit ni Ivy "Too bad dahil mukhang hindi sya pwedeng sumama sa atin"

"May pagka masungit and she seems professional" komento ni Trixie "Nga pala Asher, masyadong obvious na ginagamit mo sya"

   Napangisi lang at lumagok ng alak. Ano bang problema nila? I just want to get rid my pathetic ex fling.

"I just want to get rid Janica for good" sabi ko habang sumi-simsim ng alak "She's pestering me for almost 2 years now"

   Nag tawanan naman sila sa sinabi ko dahil talaga namang saksi sila kung gaano ka-dikit itong si Janica. Para syang linta honestly yung madikit na madikit. She even announced to whole campus that we're couple.

"Anyway guys, I'm planning to host a camping in province" anunsyo ni Trixie "Makakasama ba kayo? We will hike, camp in the mountain and of course pagkatapos ng ilang araw ay diretso tayo sa beach"

"I'm in!!" mabilis nan sagot ni Xavier "I need to relax a little bit".

   The rest naman ay sumanggayon sa plano ni Trixie kaya naman nag oo na din ako. Besides wala namang mawawala of mag chill kaming barkada.

"Should we invite Vanna and ... Who's the guy again?" tanong ni Herson.

"I'll talk to Vanna" sagot ko.

"It's Tristan" sagot ni Ivy.

   Tinitigan ko ang poster na naka public in several places na hindii makikita ng ordinary people. It's an invitation for a gang fight in the underground.

"Should we join?" tanong ko habang pinapakita ang poster.

"Yeah, why not? Besides it's been a long time bago sila nag announce ulit for a fight" seryosong sambit ni Herson.

"I want to see a new faces" natawang sambit ni Trixie.

   Trixie and Ivy might be a jolly persons but once they enter in the battle these two are dangerous. Mag kakaibigan kami since bata pa and ang parents namin ay involve sa mga transactions underground and they trained us for that. All of our businesses has a connection to every filthy rich outside the Philippines. Bata palang kami ay nasa risk na ang buhay namin dahil sa mga greedy na tao sa underground. We all go to training with different self defense and we are born to kill if needed. We're not angels and that's our secret. Government? Our enemy but not all of them since there are some disgusting people who can get through bribe. In short we can buy them.

"Mag papaalam na ako para sa absence natin" sabi ni Trixie "Mag ambagan ba tayo?"

"I'll pay" sagot ni Xavier "Just ask her and I'll write a check"

   Napangisi naman ako sa magaling kong kakakambal. He might be kind but wait till you see his true personality. Sinamaan ako nito ng tingin kaya naman sinamaan ko din sya ng tingin. Nga pala mas matanda ako sa kanya ng ilang minuto and that's make me a big brother.

"Una na ako" paalam ko.

   Tumayo na ako at hindi na inantay pa sila. May kanya kanya naman kaming mundo in terms of love life. Not that I know of may gusto ang kapatid ko kay Trixie but he didn't confess yet. Herson is a womanizer and of course different girls a day or a week, It's depends on how long he wants to toy them. The two girls doesn't have a boyfriend since they are both in modeling industry. Hayss... I should see her. Agad akong nag maneho papunta sa condo para makapag pahinga na din. Medyo tipsy na din ako kaya ako umalis. Bukas ko nalang sya pupuntahan...




🥀

BLOODY MAFIAWhere stories live. Discover now