Chapter 5

3 0 0
                                    

Chapter 5

Mabilis ang naging pagtakbo ko papunta sa hallway kung saan una kong nakita si Jarred. Tumatagaktak na ang pawis ko sa mukha pero hindi ko na inalala ang bagay na iyon. Ang nasa isip ko na lamang ay ang makumpirma sa lalaki kung totoo ba ang sinabi sa akin ni Aryel.

We're not even friends, and heck, we don't know each other personally. Ilang linggo pa lang kaming nagkikita kaya alam kong hindi ganoon kalapit ang loob ko sa kaniya.

But the thought of him dying before I could even help him hunts me. I have the ability to help Jarred but because I'm afraid to die, I'm not brave enough to help him to caught the culprit behind his misery.

Kaya ko... natatakot lang ako.

At ngayong nalalagay siya sa bingit ng kamatayan, mas lalo lang akong pinapatay ng panghihinayang. Sana natulungan ko man lang siya na mahuli ang gumawa nito sa kaniya. Edi sana... lilisanin niya ang mundong ito nang mapayapa.

I couldn't think straight. Ang nasa isip ko lang ngayon ay ang puntahan at makausap si Jarred.

Kaya naman nang marating ko ang hallway ay walang hiya akong sumigaw, hindi alintana kung may makakarinig ba sa akin.

"Jarred! Nasa'n ka?! Kausapin mo 'ko!"

Para akong tanga na sumisigaw sa hallway. Mabuti na lang at walang tao dahil abandonado na ang lugar.

"Hoy lumabas ka nga! Kakausapin pa kita!"

Nawawalan na ako ng lakas sa kakasigaw. Hinihingal pa rin ako dahil sa pagtakbo kaya pakiramdam ko ay anumang oras ay babagsak na ang katawan ko sa pagod.

"Jarred..."

I'm late for my next class but that's the least of my concern. All I need to do is to talk to him. I just want to confirm if... he's really dying.

Napaupo ako sa sahig kahit na puno ng alikabok ang lugar. Napapikit ako nang mariin at napamura nang maramdaman ko ang bahagyang pag-ikot ng paningin ko.

I was about to stand up when a voice makes me stopped moving.

"Oh, Gwen, ginagawa mo?"

Mabilis ang naging paglingon ko sa aking likuran at nang makita kong nakatayo doon si Jarred, parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib.

"Jarred?" bulong ko. "You're... okay?"

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. "Mukha bang hindi? Bakit ka naman nakaupo diyan?"

Nanghihina man, pinilit ko ang sarili na tumayo at lumapit sa kaniya.

"Ayos ka lang? Wala bang ibang nangyayari sa'yo?" tanong ko at mas lalong kumunot ang noo niya.

"Baliw," aniya. "Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Ikaw itong parang namatayan dahil sa hitsura mo. Nakaupo ka pa talaga sa sahig. Ano bang nangyari?"

Habang nakatingin ako sa kaniya ay pasimple kong sinuri ang kaniyang mukha. Nakasuot siya ng uniform ng school. Magulo ang buhok at medyo mapungay ang kaniyang mga mata. And way he talks is really manly. Kung nagagawa ko lang siyang amuyin ay paniguradong mabango siya.

For some reason, I felt a tingling sensation inside of my stomach. The sunlight hitting his face makes his feature standout. Guwapo na nga siya, mas lalo tuloy na-feature ang angkin niyang kaguwapuhan.

I will not deny it. Guwapo si Jarred at hindi na ako magtataka kung bakit maraming patay na patay sa kaniya sa mga kaklase ko.

But what the fuck is this feeling?! Tangina, kinikilig ba ako?! Hindi pwede!

"Gwen, are you really okay? Ba't namumula ka? May lagnat ka ba?"

Bakas sa boses niya ang pag-aalala kaya tumalikod agad ako sa kaniya.

Chasing DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon