Chapter 6

9 0 0
                                    

Chapter 6

Fear is the most common feeling that a human could feel. Normal na matakot ang tao sa isang tao, bagay, hayop o kahit mga pangyayari. Parang nakakabit na sa atin ang takot at kadalasang nagiging sanhi ito ng pagbabago sa atin.

Takot ang isa sa mga nagiging dahilan kung bakit nakakagawa tayo ng mga bagay na akala natin hindi natin kayang gawin. Minsan, ito rin ang nagiging dahilan kung bakit nasisira ang buhay ng isang tao.

Kaya naman simula nang mamatay ang mga magulang ko, hindi na nawala ang takot sa akin. Lalo na ngayon at pakiramdam ko ay nakita ko mismong muli ang pumatay sa kanila. Alam kong siya iyon.

Minsan napapa-isip ako kung takot ba talaga ang mga pulis na hawakan ang kaso ng mga magulang ko. They have the capability to find the culprit behind the murder of my parents but they still chose to dropped the case and pretend like nothing happened. Nakakalungkot lang dahil akala ko katulad sila nina mama at papa na gagawin ang lahat para makatulong sa kapwa.

But I guess... Jarred was right. Hindi lang talaga sa pagtulong nakabase ang pagiging mabuting tao.

"Ako'y tahimik lang sa umpisa. Kahit 'di mo 'ko pilitin..."

Tinakpan ko ang aking tenga nang marinig ang boses ni Aryel. Eto na naman siya sa feeling singer era niya. Nakakarindi naman.

"Meron ka bang lemon? Gusto ko tequila!"

I throw my pencil at him. "Ang ingay mo! Pwede ba tumahimik ka naman?!"

Umirap siya. "Tse! Palibhasa ang panget ng boses mo."

Napairap na lang din ako. Kahit kailan talaga hindi ako mananlo sa pagtataray niya.

Nasa mini-forest kami ngayon malapit sa main building ng campus. May mga upuan at lamesa dito kaya naman ito na ang puwesto na napili namin para tumambay. Tinawag lang itong mini-forest dahil napapaligiran ito ng mga matataas na puno. Mabuti nga at hindi nila ito naisip na putulin. Laking tulong din nito sa aming mga estudyante panlaban sa init.

"Pupunta ka ba sa sabado? Hindi pwedeng hindi," maya-maya pa ay tanong ni Aryel. Naglalagay na siya ng eyeliner sa mata niya.

Sumubsob ako sa lamesa. "May choice pa ba ako? Ikaw na ang nagdedesisyon sa akin, eh."

Narinig ko ang pagtawa niya. "Edi good. Kung 'di pa kita pipilitin hindi ka pa pupunta. For once, umabsent ka naman. Simula nang matanggap ka diyan sa trabaho mo, nawalan ka na ng time gumala kasama ako."

"Kailangan ko 'yon. Kung hindi ko seseryosohin ang trabaho ko, baka mawalan pa ako ng pinagkakakitaan."

"Alam ko naman." Narinig ko ang pagbukas ng pouch niya. "Ang sa akin lang, wala namang masama kung magsasaya ka minsan. Yes, earning money is important, so does your happiness!"

"Money is my happiness, Aryel. End of discussion."

"Ay nako! Bahala ka nga!"

Inangat ko ang ulo at tiningnan siya. Naglalagay na siya ng mascara ngayon sa pilikmata niya.

"Baliw ka, gusto mo ba talagang mapatawag sa OSD? Pakak na pakak na naman 'yang pilikmata mo tsaka kilay! Mamaya makita ka pa ng guard."

Mukhang hindi siya nakinig sa akin dahil nagpatuloy lang siya sa ginagawa.

"Pake ko ba? Hindi nila pagmumukha 'to kaya please lang mind their own fucking business. Gusto ko ngang mag-skirt pero nag-comply pa rin naman ako sa pagsusuot ng proper uniform! May narinig ba silang reklamo sa'kin? Marami, pero nasa dump account ko!"

I could only laught at him. "Sige sabihin mo 'yan sa office. Tiklop ka naman kapag kaharap mo ang Dean."

Nagpatuloy lang siya sa pag-aayos ng kaniyang mukha. Sanay na naman ako sa kaniya. Mahilig talaga siya sa mga make-up at cross dressing simula pa noong high school kami. Ngayon na lang talaga siya napilitang magsuot ng uniform na panlalaki dahil iyon ang batas sa paaralan.

Chasing DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon