Chapter 4 ( Sinful Twin)

1 0 0
                                    


There were three kinds of sins in this world.

The first were those sins that can be forgiven.

Ito 'yong mga kasalanan na maaaring madaan sa santo-santong pagpapaliwanag at pakiusap na mapatawad. Katulad na lang ng pagsisinungaling at panloloko sa kapwa. Ito 'yong mga kasalanan na pwede pang malusutan.

While the next kind were sins that would send you to prison or worse, will send you to a swift death penalty.

Mga kasalanan na ginawa laban sa batas ng bansa at ng tao. Pero kumpara sa unang uri na madaling mapatawad, ito, kailangan pang dumaan sa napakaraming proseso para lang mabura ang kasalanang ginawa mo.

And the last kind of sin?

Mga kasalanang susunugin ang kaluluwa mo sa impyerno.

Kasalanan... na sa palagay kong ginawa na namin ng lalaking nagsasabing siya ang kapatid ko.

"Stella?"

Kung magpapakatotoo ako, aaminin kong napakasarap gumawa ng kasalanan. 'Yong tipong gagawin mo ang mga pinagbabawal ng batas, ng magulang mo... ng lahat ng tao. 'Yong pakiramdam na tatapak ka sa labas ng linya nang hindi lumilingon... nang hindi nag-aalala.

Nakakalasing ang pakiramdam na 'to, nakakaloko, nakakahilo. 'Yong hindi ka na mag-iisip ng mga parusang ipapataw sa'yo. 'Yong pakiramdam na wala kang pakialam sa lahat ng sasabihin ng iba... 'Yong pakiramdam na maging malaya.

"Stell, come on. Talk to me."

Sabi niya sa akin, magkapatid kami. Na kuya ko siya. Ganito ba ang ginagawa ng magkakapatid? Naghahalikan? Hindi ba may linya kaming tinapakan sa ginawa naming ito? Hindi ba immoral ang paghalik niya sa akin?

Ni hindi ko nga siya kilala.

"Kambal tayo 'di ba? And y-you're not joking right? Totoo 'yang sinabi mo?"

Ang lakas ng kalabog ng aking dibdib habang nag-aabang ng isasagot niya sa akin. Unti-unting nawala ang pagkakakapit ko sa braso niya. Parang bawat segundo ay bombang sasabog sa tagal ng oras ng paghihintay ko sa sagot niya.

Nang malapit na akong bumigay at sumuko ay unti-unti niyang iginalaw ang kanyang ulo at tumango sa akin.

"Oh my god," napasinghap ako at biglang napaatras papalayo sa kanya. Oh god. Ano ba 'tong napasok ko? I made out with a complete stranger and what's worse ay sa kapatid ko pa!

Shit!

I closed my eyes and tried to clear my mind. Kailangan ko munang huminga. Hindi ko alam kung paano magre-react sa sinabi niya. I mean, I should be disgusted and repulsed. Hindi ba nakakadiri ang ginawa namin dati? Ang ginagawa namin ngayon?

This is incest for fuck's sake! Napaka-immoral!

Pero bakit ganito?

Bakit imbis na mandiri ako sa sarili ko at sa aming dalawa ay iba ang nararamdaman ko?

Bakit pakiramdam ko ay natutuwa pa ako?

Na nasasabik pa ako?

"It's okay, Stell. We're okay. I mean..."

Hindi ko napansing umaatras na pala ako sa kanya at siya naman ay pilit na kinukuha ang mga kamay ko. Napailing na lang ako sa ginagawa niya. "Kuya kita at hinalikan mo ako. Hindi ka ba nandidiri doon?"

Ngumisi siya at tinaas ang kamay niya para guluhin ang buhok. Siguradong-sigurado siya sa sarili niya! "Come on, Stella. We did more things than kissing."

VLADIMIR → love conquers all thingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon