"Sobrang pink."
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pagpasok sa sinasabing kwarto ko.
Hindi naman sa nagrereklamo ako ngunit parang ang daming mali rito.
Una, masyado itong malaki. Para ngang isang bahay na ang pwedeng magkasya rito. Puro space at wala naman masyadong gamit bukod sa TV, naka-stanteng violin, study table, kama at sa isang napakalaking tukador.
Pangalawa, naasiwa ako sa napakalaking mural ng mukha ko sa may parte ng kama ko. Hindi naman sa pangit ang pagkakakuha sa akin dito; hindi ko lang talaga maisip kung anong kahalagahan nito sa kwarto. Para tuloy lumalabas na ang narcissistic kong tao.
At ang panghuli... 'yong buong kwarto... parang nasabuyan ng pink na pintura.%0D%0AMiski ang mga bed sheets sa kama ko ay kulay pink. Pati 'ypng simpleng carpet ko, Hello Kitty at kulay pink.
May nakita rin akong indoor restroom at napa-buntonghininga na naman ako at tinanggap ang mga nakita ko. I couldn't believe that we're filthy rich. Para namang wala sa katauhan ko ang ganitong karangyang buhay.
Nagpaikot-ikot ako at tinitingnan ang bawat sulok ng kwarto para lang makahanap ng mga clues kung sino talaga ako... para lang makahanap ng kahit anong magpapaalala sa akin kung sino ako.
Nang subukan kong tugtugin ang violin sa may gilid ay halos malaglag ang puso ko sa tuwa na parang may mga sariling buhay ang mga daliri ko sa bawat kalabit ko ng mga strings ng violin.
Tinapos ko muna tugtugin ang isang piyesa na hindi ko alam kung ano ang tawag bago ko ibaba ang instrumento at ipinagpatuloy ang pagkalikot sa mga gamit ko roon sa kwarto.
Dumiretso ako sa may study table na malapit sa kama para tingnan sana ang mga nakalagay doon.
Mga medical books ang nakapatong sa may table at iilang libro ng hindi ko kilalang mga authors. Hindi na ako nagtaka kung bakit ganoon ang mga librong nandoon. Sabi ni Mommy, first year med student daw ako sa UST bago ako na-aksidente.
Binuksan ko ang isang libro at sa supresa ko ay naiintindihan ko ang mga nakalagay dito. Parang katulad nung sa violin kanina na gamay na gamay ko.
Ibinaba ko ang mga librong binuksan ko. Mabuti na lang at may koneksyon kami sa school at pinayagan akong magkaroon ng isang linggong pahinga pagkalabas ng ospital bago pumasok ulit.
Sunod namang tiningnan ko ang mga pictures na nakasabit sa cork board. Aside from cut-outs from some magazine that I didn't know, there were also tons of pictures of me dancing like I owned the dance floor.
Hindi ko mapigilang hindi ngumiti at mapailing sa iilang pictures na nakita ko roon. I just couldn't believe na parang life of the party yata ang role ko dati.
My God! Nakakahiya! Lalo na 'yong mga bulgar na suot ko!
I tried to find some decent pictures of me. Ngunit wala akong nakita, puro kuhang pictures na nagsasayaw at umiinom lang ako sa isang bar. May iilang pictures din ako na kasama ang isang babaeng napakaganda. Mahaba ang buhok niya at mapaglaro ang mga tingin. Siguro ito ang best friend ko. Makikita ko kaya siya mamaya?
Inisa-isa kong tinanggal ang mga pictures sa cork board para matitigan silang lahat nang maayos. Gaya ng mga naunang litrato, pare-pareho ang mga pictures. Ako na sumasayaw, 'yong babae at ako na halos maghalikan na, at marami pang iba.
It looked like I was a wild one. There's even a picture of me smoking for God's sake!
Ako ba talaga ito? Tapos puro pictures din na kasama ko ang sandamakmak na nag-gagwapuhang lalaki. I even saw a picture of Grey and me. Nakaakbay siya sa akin habang nakagat siya sa labi niya at ako naman ay hinahalikan siya sa pisngi. Pareho kaming mukhang lasing doon sa picture.
BINABASA MO ANG
VLADIMIR → love conquers all things
RomansaLosing her memories in an accident, Stella Fletcher woke up unable to trust the people around her and with an unexplained attraction for her "twin" brother, Reed. Would this love conquer all despite the situation they are in-or was this twisted lov...