My life is about to change

0 0 0
                                    

Jennie's Pov:

Tanghali na din ng magising ako. Sarap sa pakiramdam sa tuwing walang pasok pero mamaya kailangan ko pa din gumawa ng lesson plan at may activities din ang mga bata.

" Good morning ma! Ano ulam natin?" Sabay beso kay mama na nasa kusina.

" Good morning ka dyan, Alas doses na at mag tatanghalian na tayo. Alam ko naman ayaw mo mag pagising pag walang pasok." Natatawang sabi ni mama habang abala sa pag luluto. Sinigang na baboy ang ulam paborito ni papa.

" Sige Ma tulungan na kita dyan, ayusin ko na yung lamesa." Nagtungo ako sa dining table para mag hapag ng mga pinggan at baso. Gutom na gutom na din talaga ako.

" O kumakatok si papa mo na yan pag buksan mo." Agad naman ako nag punta sa pinto at sinalubong si papa, tuwing tanghalian ay umuuwe sya galing sa shop para sabay saamin kumain. Malapit lang halos ang shop ni papa sa bahay namin.

" O kakain na ba tayo anak?"

"Yes pa, sige akin na po yan dala mo ano ba to? Ahhh saging hahaha." Nagtungo na kami ni papa sa kusina at ako naman ay tinawag si Jasmine sa kwarto para sabay sabay na kami maka kain.

Habang abala kami sa pag kain ay nakagawian na namin nag magkwentuhan ng kung ano ano. Sa palagaiang sabay sabay namin kumain mas nagiging close ang bond namin at nakakapag tanong sila sa mga personal na bagay. Wala si Kuya Jasper sa dahil kailangan daw nya mag overtime sa dami ng ginagawa sa trabaho.

" Anak, si Sir Greg nagpunta nanaman pala kanina sa shop. Tinatanong nanaman nya ako tungkol sayo. Palage nya dinadala mga sasakyan nya kahit wala naman sira. Minsan alam mo naman sinadya nya lang sirain yung mga parts para maka daan sa shop." Sabi ni papa saakin.

" Hayaan mo yon Pa, naku wala talaga ako panahon don." Sabi ko kay papa at patuloy sa pagkain. Pagkatapos namin kumain ay umakyat na ako sa kwarto naligo. Gumawa na din ako ng lesson plan. Malapit na din ang bakasyon isang linggo nalang sa wakas. Pero ganon pa man siguradong madami pa din ako gagawin. Pagkatapos ko sa mga gawain ay humiga ako muli at nag scroll sa cellphone. Nilibang ko muna ang aking sarili hanggang sa nakatulog na pala ako.

Gabi na ng magising ako, at kagaya ng paulit ulit na routine ko ay kakain na kami. Ako na ang toka sa pag huhugas ng plato. Matapos namin kumain ay nag half bath na din ako. Nag cellphone at puro tungkol sa mga magkaka relasyon lang naman ang lumalabas sa tiktok ko. Sign na ba yun para pumasok ako sa isang relasyon? Naku hindi siguro kasi hindi ko pa makita ang sarili ko para doon. Sabi ko din kay universe gusto ko maranasan yung sana ako naman yung unang magka gusto. Yung unang kita ko pa lang alam ko na sya na nga yung hinahanap ko at kulang sa buhay ko. Yung masasabi ko na hindi mawawala yung nararamdaman ko dahil hindi sya buhat sa pagiging mababaw. Sana kung sino man sya dumating sya sa tamang pagkakataon. Sana sya na yung huling tao mamahalin ko. Hindi ko namalayang nakatitig pala ako sa buwan mula sa bintana. Naisip ko bigla kung nakatingin din kaya sa buwan yung taong nakalaan para saakin sa mga oras na ito? Medyo kinilig ako ng maisip ko yun.

Natapos na nga ang isang linggo at nag bakasyon na ang mga bata. Marami pa din kami ginagawa bilang teachers gaya ng grades at iba pa. Napag usapan din namin na mag babakasyon kami dahil uuwe pala ang tita ko galing Canada. Nagpa book na sila Mama sa isang resort, dapat sana ay private ang kaso fully book na halos lahat. Tuwing Summer naman ay lage kami may outing pero madalas ay sa palawan o boracay. Unang beses palang namin susubok sa karatig bayan namin.

Naisipan ko magpunta sa Mall, dapat nga ay isasama ko si Lyn yung bestfriend ko. Ang kaso Magkikita pa pala sila ng boyfriend nya kaya ako nalang mag isa. Tinawagan naman ako ni Franch at nag aaya mag kape. Nagkita kami sa isang coffee shop sa loob ng mall.

" Hoyyyy! hahaha naku naman long time no see sa pinaka maganda kong kaibigan sa balat ng lupa!" sabay akbay sakin ni Franch na sobrang ligalig ng makita ako.

The Look of LoveWhere stories live. Discover now