The Chase

0 0 0
                                    


Isang umaga pagka gising ko nagulat ako sa dami ng message saakin ni Tanya. Medyo naiinis nako sa kanya kasi napaka kulit nya. Inaaya nya ako lumabas para mag meryenda kahit pa sinabing ko busy ako. Hindi pa sya nakuntento at tumawag pa talaga kaya napa oo nalang ako. Nag suot lang ako ng casual na damit dahil balak ko umuwe agad. Naiisipan ko na din sya tapatin at iblock pagkatapos namin magkita.

Pagdating ko sa mall ay dumirecho ako sa isang restaurant kung saan nya sinabing magkita kami. Papasok pa lang ako sa pinto nakita ko na agad sya at may bulaklak sa ibabaw ng lamesa.Pag lingon nya agad ko nakita ang ngiti nya, tumayo sya at hinila yun upuan para paupuin ako. Habang kumakain kami ay nagkwento sya tungkol sa buhay nya habang tinatanong naman nya ako tungkol sa mga impormasyon sa buhay ko na halos ayoko naman sagutin. Chef ang tatay nya sa barko at Manager sa garment company ang Nanay nya. Lima sila magkakapatid at nasa abroad yung tatlo habang sya na bunso at yung Panganay na kapatid nya ang nandito sa pilipinas. Isa syang government employee at 26 years old na pala sya akala ko kasi kasing edad ko sya.

Pagkatapos mag meryenda ay inaya ko na sya agad umuwe. Sinabi nyang ihahatid nya na ako dahil dala nya yung motor nya.Hindi na ako makatanggi dahil mapilit sya. Pagkatapos non ay bumaba na ako sa may kanto namin pero sinabi nya na baka pwede daw sya pumunta sa bahay para maki ihi. Halos humindi ako dahil ayoko talaga syang papuntahin ano ba iisipin ni mama? Kaso wala ako ulit ako nagawa dahil namimilipit na sya at dinala ko na nga sya sa bahay.

" Ma? Uhm friend ko po. Makiki Cr lang sya." Sabi ko kay mama habang nag beblessed.

" Ahh ganon ba? Oh ayan iha dyan ang cr." itunuro ni mama yung cr sa kanya habang nag blessed sya at pumasok na ng banyo.

Habang nasa cr pa sya ay pumunta muna ako sa sala para uminom ng tubig, chineck ko din yung phone ko nag message pala ang co teacher ko para inform ako na may general meeting kami sa lunes.Pabalik na ako ng sala ng makita ko magkausap sila ni mama, Nakangiti nanaman sya saakin. Sa isip ko sana mag sabi na sya na uuwe na sya kasi gusto ko na talaga matapos yung araw na kasama sya. Hindi ko din nasabi sa kanya yung gusto ko sabihin kasi nga ang dami nyang kwento. Siguro sa text nalang pero sana naman maintindihan nya.

"Jennie bakit hindi mo alukin ng maiinom etong si Tanya? Ikuha mo syang softdrinks sa tindahan at tinapay." Inutusan pa ako ni mama at alam na agad yung name nya.

" Wag na po tita busog po ako kasi nag meryenda kami ni Jen sa labas, Mauuna na din po ako."Salamat naman at naisipan na nya umalis. Hinatid ko sya sa may gate at kumaway na sya bago umangkas ng motor.

" Anak sabi pala ni Tanya babalik sya dito sa susunod na sabado.Kasi doon tayo kumpleto at magdadala daw sya ng mga pagkain." Sabi ni mama habang nag lalagay ng softdrinks sa ref. Nagulat naman ako dahil bakit sya pupunta sa sabado at dapat kumpleto pa kami?

" Bakit naman ma? Ano meron sa sabado bakit sya babalik?" Pagtataka ko tinanong.

" Ehhh ang sabi nya... Kakausapin daw nya si Papa mo, kasi formal sya manliligaw sayo. Sabi ko naman kung malinis intensyon nya wala problema." Napa kunot si mama ng noo dahil nakita nya gulat na gulat ako.

Agad ako umakyat sa kwarto ko at parang nag init yung ulo ko. Tinawagan ko sya agad dahil hindi na ako natutuwa sa kakulitan nya.

Ako: Hello?
Tanya: Yes babe?
Ako: Anong babe?? Excuse me? Pwede ba? Tanya wala ako panahon sa mga kalokohan mo.
Tanya: Babe naman wag ka naman mainis oh ayoko na sstress ka.
Ako: Ah talaga ba? So bakit mo sinabi kay mama na nanliligaw ka? At may balak ka pa bumalik dito sa sat para kausapin si papa?
Tanya: Kasi Jen... alam ko naman alam mo may nararamdaman ako sayo... Hindi biro to Jen. Kahit hindi pa tayo ganon katagal magka kilala iba na talaga nararamdaman ko para sayo.Hayaan mo ako ligawan ka sana kasi seryoso ako sayo. Sakali ikaw palang yung second gf ko at huli.
Ako: Nagpapatawa ka ba? Tanya naman... wala ako sinabi na nagpapaligaw ako. Please naman respect me... Wala ako plano makipag relasyon sa ngayon.
Tanya: Mag aantay ako Jen, hindi ako mawawala at mapapagod. Mahal kita Jennie. Kahit pagtabuyan mo ako hindi ako aalis. Mag hahabol ako sayo kahit sipain mo pa ako. Ngayon ko lang naramdaman yung ganito.
Ako: let me cut you there! Ayoko magpaligaw period!
Tanya: Ikaw yung pinaka magandang babae na nakita ko sa tanang buhay ko. Pagka kita ko sayo para kang bituin nag liliwanag. Sobrang perfect mo hindi kita binobola at alam ko naman na hindi lang ako nakaka kita non. Jennie hindi lang yun ang gaan ng loob ko sayo. Ang hinhin mo at masarap ka pa kausap.
Ako: Basta ayoko, madami pa dyang iba kung nag hahanap ka maganda manligaw ka ng iba kasi wala ako panahon ba block na kita.
Tanya: hindi ako natitinag sa ganyan.., Alam ko need kita tyagaan kasi sure ako marami ako karibal sayo. Pero hindi kita susukuan. I will make you fall inlove with me Jen. I will chase you.Mahal kita Jennie swear papakasalan kita ikaw yun babaeng para saakin mani....tooooot tooot.

Binabaan ko na sya ng phone dahil inis na inis na ako sa kanya.Para syang hindi maka intindi, Ayoko na talaga sya pansinin sumasakit lang ulo ko sa kanya. Kung mag hahabol sya bahala sya kasi masasayang lang lahat ng pagod nya. Basta ako inaantay ko yung tao na para saakin. Yung hiniling ko kay universe yung masasabi kong ako yung unang nakaramdam ng bugso ng damdamin sa unang kita ko pa lang sa kanya. Yung kahit hindi ako naniniwala sa love at first sight pero kapag naranasan ko ayun na yung sign kay universe. Never in my life na pinaniwalaan ko yang love at first sight tinatawanan ko pa nga yan dati pero ngayon ayan yung hinihingi ko maranasan bilang sign na dumating na sya sa buhay ko. Let me see if tunay nga talaga ang magic ni universe.

Ilang araw nga ang lumipas at sumapit ang ayoko na araw. Ang araw ng sabado. Pumunta sya sa bahay kahit na nakiusap ako at nagsabinb aalis. Pumunta sya at nag lunch. Kumpleto kami ng araw na yun at maging si kuya at GF nya ay naroon. Tulad ng sinabi nya hayagan nyang sinabi na nanliligaw sya at alam nya daw na hindi pa ako hands subalit mag aantay sya. Tahimik lang ako sa mga sandali na yun at nahalata naman ni mama yun.Pumayag naman si papa pero sinabihan syang wag magdamdam gaano kung ma busted ko sya dahil pihikan daw ako.Ok lang daw sa kanya kasi matibay daw sya at handa sya ma busted ng paulit ulit.

Pagkauwe nya ay sinabi ko kay mama na ayoko talaga magpaligaw. Sabi ni mama na kilalanin ko muna mabuti at kung talagang wala ako maramdaman sabihan ko daw ng maayos. As if makikinig sya ehh napaka tigas ng kokote nya.Habang nasa bahay sila kuya ay napag usapan yung resort sa wednesday nga pala ay susunduin nila mama si Tita Mayet at si Carl yung pinsan ko na bunsong anak ni Tita Mayet at gf nyang si Hanna. By friday pupunta na kami sa resort at salamat makakapag pahinga kahit papaano yung utak ko sa stress kay Tanya. Mag papatay talaga ako ng cellphone para manahimik sya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Look of LoveWhere stories live. Discover now