Hello po,
Kwento po ito ng pinsan ko na nakatira sa Antipolo.Sa lugar po kasi ng mga tita ko,ang bahay nila ay nakahiwalay sa kusina at lutuan.
Sa kahoy pa din kasi sila nagluluto katulad ng mga tradisyon ng mga lolo at lola namin.
Wala ding tubig sa lugar nila at kailangan pang magigib o bumili ng tubig sa mga truck na nagbebenta ng tubig kaya sa drum ang kadalasang lagayan nila.
Nung araw na yun ay dumalaw kami sa kanila.
Birthday kasi ng anak ng isa kong pinsan kaya sa kusina kami tumambay.
Kumain at kwentuhan kami hanggang mag gabi.Mag oover night nga pala kmi sa kanila kaya ok lang na gabihin kami sa kwentuhan.
Nung 11 na ng gabi nagsabi na ang tita ko na mauuna na silang matulog at inuutusan ang nakababata kong pinsan na sya na ang maghugas ng plato.
Yung lababo nga pala nila ay nakaharap sa kalsada,sa mismong maliit na tulay kaya sobrang dilim doon.
Di naman kasi uso ang street light noon sa lugar nila.
Nagkaroon lang ng streetlight doon nung magawa ang malalaking cementeryo sa bandang dulo ng kalsada.
Habang nghuhugas ang pinsan ko na tawagin natin Chie.
Nasa lamesa pa din kami bale 3 kami sa mesa na nakaupo habang nagkukwentuhan tapos si Chie nakaharap sa lababo habang sumasagot at nakikitawa din sa kwentuhan namin..
Maya maya bigla kaming natahimik lahat.Yung tipong parang may dumaan na angel at nahgkatinginan kaming tatlo.
Nagulat kami nung biglang umiyak si Chie.
Humahagulgol sya pero nakatulala sya sa malayo.
Nung lapitan namin sya bigla syang tumakbo papasok ng bahay at nagsisisigaw.
"Ayan na sya,malapit na sya!"
Sabi nya lumingon kami pero wala naman kaming nakitang kahit ano..
Nung gabing yun ay nilagnat na sya at parang takot na takot na nakasiksik samin.
Kinabukasan,nagkwento sya.
Habang naglalagay daw sya ng mga platong nahugasan nya sa plangganita,narinig daw nya na parang may sumisitsit kya tumingin sya sa hrap nya.
Nung una daw ay wala syang nakita kaya dinedma lang nya at yumuko ulit pra magayos ng mga plato.
Pero pag angat daw ulit nya ng ulo nya ay nakita nya na may babaeng nakalutang dun sa gilid ng tulay,nakaputi daw ito na parang kurtina dahil nililipad daw ng hangin ang damit nito,mahaba din ang buhok nito at parang malabo ang itsura nya..yung prang di mo sya gaanong maaninag at unti unti daw lumalapit sa kanya,kaya sya napaiyak..
Di daw kasi nya maigalaw ang paa nya sa takot.
Naigalaw lang daw nya iyon nung lapitan at hawakan namin sya.Nung hapon ding iyon ay tumawag ng mang gagamot ang tita ko.
Pero sabi ng pinsan ko di na daw talaga sya maghuhigas ng gabi.
Ngayon po inilipat na nila ang lababo nila at di na po ito nakaharap sa tulay.
Nilagyan na din po nila ng harang pra di natatanaw ang tulay mula sa kusina nila.
YOU ARE READING
Horror Stories (true horror stories compilation)
Paranormalcompilation po ito ng mga true to life stories ko at ng mga taong kakilala ko. sana po maenjoy niyo. Salamat.