Nangyari itong kwento ko nung mga bata pa kami ng mga pinsan ko.
Siguro mga 13 to 14 yrs old ako nung nangyari ito.
Noon kasi tuwing bakasyon ay talagang umuuwi kami sa Antipolo.
Bahay yun ng mayamang tita namin at nagiging reunion ng buong pamilya namin yung 1 linggong pagiistay namin dun.Yun kasi ang bonding namin kasama ng lola namin dahil malalayo ang bahay ng iba kong tita.
Nung gabi na un nasa garahe kami at bit bit ko ang baby ng pinsan ko.
Hinihintay kasi naming dumating ang iba pa naming pinsan na nasa byahe pa.
Medyo matagal din kasi ang byahe mula Fairview hanggang Antipolo.
Yung garahe pala na sinasabi ko ay walang bubong.
Alam niyo naman sa mga probinsya medyo malayo ang mismong bahay sa gate ng bakuran kaya dun kami nakatambay nung time na yun.Bale karga ko yung baby na anak ng pinsan ko,2 pinsan kong babae,1 pinsan na lalaki at 1 tita ko ang kasama naming naghhintay sa garahe.
Maya maya pa habang masaya kaming nagkekwentuhan at nagtatawanan.
Napansin namin na parang lumalakas yung ihip ng hangin at talagang gumagalaw ng sobra ung mga puno sa paligid namin.Pero hindi namin pinansin un.
Ang nagpatindig talaga ng balahibo namin at nagpatakot talaga samin ay yung may biglang may malalaking pakpak na pumapagaspas sa ibabaw namin na halos natabunan nya ang liwanag ng buwan.
Sabay sabay kaming nagtakbunan papasok ng bahay habang nagsisigawan.
Sinara din agad ng tita ko ang pinto at mga bintana ng bahay.
Wala naman na kaming naramdaman hanggang sa dumating ang mga pinsan ko.
Kinabukasan nakausap namin yung matandang tindera sa katapat naming bahay.
Meron daw dumalaw sa anak nyang buntis kagabi.
Nung una ay di namin masyadong naintindihan ang ibig nyang sabihin.
Yun pala ay merong nangaswang sa anak nyang buntis.
At iyon ay yung pumapagaspas na pakpak na nakita namin kagabi..
Dumaan lng pala samin at ang buntis pala sa katapat na bahay ang talagang puntirya nya.
YOU ARE READING
Horror Stories (true horror stories compilation)
Paranormalcompilation po ito ng mga true to life stories ko at ng mga taong kakilala ko. sana po maenjoy niyo. Salamat.