Chapter Seven

1.4K 20 1
                                    

CHAPTER SEVEN

"LIKED my surprise?" tanong ni Casey na bigla na lamang sumulpot sa harap ni Yana.

"What surprise?" nagtatakang tanong niya rito.

"Aren't you glad to see Nick back?" nanunudyong tanong nito.

Hindi nito alam ang buong damdamin niya para kay Nick ngunit may pakiramdam siyang may hinala na ito. Nasabi kasi niya rito minsan ang dahilan niya kung bakit hindi niya ito pinapakitaan ng maganda noon. Mula nga noon ay nakakatikim na siya ng panunukso mula rito patungkol kay Nick.

Panay naman ang tanggi niya. Palagi niyang idinedepensa na ang tinutukoy niya na inagaw nito sa kanya ay ang pagkakaibigan nila ni Nick, pero hindi pa rin ito huminto.

Masaya naman siya at magkasundung-­magkasundo na sila ni Casey. Pati kay Joey ay close na close din siya.

"Teka, bakit nga ba wala ka man lang
nabanggit na darating pala si Nick?" nang-­aakusang tanong niya rito.

"Sinadya ko talaga na huwag sabihin sa 'yo para mas maganda ang impact ng muli ninyong pagkikita," natutuwang sabi pa nito.

If you only knew, Casey, sa loob-­loob niya.

Hindi niya naiwasang maalala ang ginawang pagkompronta sa kanya ni Nick sa araw ng kasal ni Casey.

Papunta siya sa comfort room noon nang harangin siya ni Nick..

"I don't know what really happened kung bakit si Casey ang pinakasalan ni Joey at hindi ikaw. But whatever it was, it doesn't matter anymore. What matters is that, as you and I can see it, they're both happy. At hayaan na lang natin silang maging masaya," walang anu-­ano ay sabi nito.

Ni hindi siya nito pinapansin sa buong duration ng kasal pati na rin sa reception, kaya laking gulat niya nang bigla na lamang siyang kausapin nito. Na para bang may dapat itong ikagalit sa kanya.

"Kung anuman ang binabalak mong hindi maganda laban sa mag-­asawa, mabuti pa'y huwag mo nang ituloy. Tama na'ng pananakit mo kay Casey. It's high time na ang kapakanan naman niya ang isipin mo."

"I don't know what you're talking about," nagulat na turan niya rito.

"Don't give me that crap, Yana. Kung hiniwalayan ka man ni Joey, I am sure na ikaw ang may diperensiya."

"Stop-"

"Leave Casey and Joey alone. Marami pang lalaki ang nagkakandarapa sa iyong paanan. Marami ka pang mapapaikot kaya ipaubaya mo na nang lubusan si Joey kay Casey." Iyon lamang at tumalikod na ito palayo.

Marahil ay naisip nitong pagkukunwari lang ang nakikita nitong pagkakasundo nila ni Casey. Kahit pa siguro in-­assure na ito ni Casey, hindi na maaalis sa isip nito na may gagawin siyang hindi maganda.

Iniyakan niya nang husto ang mga sinabi nito sa kanya. Marahil, kahit kailan at kahit ano pa ang gawin niya, hindi na magbabago ang pagtingin ni Nick sa kanya.

At tanggap niyang kasalanan niya iyon. Dalawang beses na itong umuwi buhat nang magtrabaho sa California. At sa bawat pag-­uwi nito, malamig ang pakikitungo nito sa kanya. Kung hindi nga lang siguro malaki ang respeto nito sa kanyang ama at kapatid ay hinding-­hindi na siya nito kakausapin o papansinin man lang.

Sa bawat pag-­alis nito pabalik sa California, pakiramdam niya ay ginawan siya nito ng kasalanan.

Binuksan niya ang wallet niya. Iyon lamang ang maaari niyang angkinin, ang larawan nito roon.

"O, ang layo na yata ng narating ng isip mo?" pukaw sa kanya ni Casey. "Julianna Marquez, will you stop daydreaming?"

"I'm not daydreaming, okay?"

Iniingatang Pag-ibig by Claudia SantiagoWhere stories live. Discover now