Chapter Nine

1.6K 22 2
                                    

CHAPTER NINE

IT WAS then that Yana realized how much she had hurt Nick. Hindi pa rin talaga nito nakakalimutan ang masasakit na salitang sinabi niya rito.

“Puwede ring magbago ang isang tao,”
mahinang sabi niya.

Himalang noon lamang niya napagtantong magkahawak pa rin ang kanilang mga kamay.

Dahan-­dahan niyang inalis iyon sa pagkakahawak nito.

Dinig niya ang malalim na paghugot nito ng hininga. Gusto sana niyang hingin ang kapatawaran nito pero alam niyang hindi iyon ang tamang lugar.

Hindi na sila nagkibuan pa hanggang sa makarating sila sa Cebu.

“I’m okay. You can go ahead. Mayamaya lang ay nandito na si Kate,” aniya nang hindi pa siya nito iwanan.

“Aalis ako kapag nakarating na si Kate. Anyway, wala pa rin naman 'yong friend ko na siyang susundo sa akin.” Bumuntong-­hininga ito. “Look, Yana, I’m sorry about what happened back there. I didn’t mean to be rude or—”

“It’s okay. Totoo naman lahat ng sinabi mo. Hayun na pala si Kate. Mauuna na ako sa 'yo. Salamat uli.”

Hindi na niya hinayaan pang makasagot ito. Agad na siyang sumalubong sa kanyang kaibigan.

Sa bahay nina Kate siya tumuloy. Mainit ang pagtanggap sa kanya ng pamilya nito lalo na si Aling Remedios. Madalas nitong dalawin ang kanyang kaibigan kaya naging malapit na siya rito.

KINAUMAGAHAN, maaga pa ay nasa simbahan na sina Yana at Marcus. Binibistahan niyang mabuti ang lugar nang tumama ang likod niya sa isang tao.

“Sorry, Miss—”

“No, it’s okay—”

“Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ni Nick sa kanya.

“Ako ang official photographer sa kasal na 'to. Ikaw? What are you doing here?”

Noon lamang niya napansin na nakabarong ito.

“Sino ba’ng makapagsasabi na iisang lugar lang pala ang pupuntahan natin? Napakaliit talaga ng mundo,” anito.

Magsasalita pa sana siya nang tawagin na ng wedding coordinator ang lahat ng kasama sa entourage. Magsisimula na ang seremonya.

“I’ll see you,” ani Nick bago lumayo na sa kanya.

Dali-­dali na rin siyang pumunta sa bandang harap ng altar upang kumuha ng litrato. Kahit ano ang gawin niya ay bumabalik-­balik pa rin ang mga mata niya kay Nick.

Nang magpalitan na ng wedding vows ang mga ikinasal ay nagkatinginan sila ni Nick pero siya rin ang unang nagbawi.

Pagkatapos ng picture taking ay lumabas na ng simbahan ang mga tao upang magtungo naman sa reception. Sinabi niya kay Kate na huwag na siyang alalahanin nito dahil sasabay na lamang siya sa nanay nito.

Palabas na rin siya nang mapansin niyang patungo sa kanya si Nick.

“Bakit ang tagal mo?” tanong nito.

“May inayos pa ako, eh. Baka nakakalimutan mong ako ang photographer dito.”

“Sa akin ka na sumabay,” alok nito.

“Pero sa nanay ni Kate ako sasabay.”

“Nasabi ko na kay Kate, don’t worry.”

Iyon lamang at iginiya na siya nito sa naghihintay na van. May iba pang mga sakay roon. Magkatabi sila ni Nick.

“By the way, guys, this is Yana, the photographer for the wedding. Yana, ito ang mga pinsan ni Greg, 'yong groom,” pakilala nito sa kanya.

Pagdating sa reception ay hindi na siya nilubayan nito. Habang kumukuha siya ng larawan ay hindi ito umaalis sa tabi niya na talaga namang lihim niyang ikinatutuwa.

Iniingatang Pag-ibig by Claudia SantiagoWhere stories live. Discover now