Prologue

114 3 0
                                    



This is just a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This book contains grammatically incorrect and typographical/punctuation errors. Explicit scenes, strong use of words, sensitive content, and other disturbing concepts which some young readers may find disturbing and/or triggering. 

Read at your own risk!

***


"Natanggap mo na 'yung sulat ng presidente ng Orange Hues?" Tanong ni Nanay Rita nang pumasok siya sa kusina.



Tumango ako at ipinakita sa kaniya ang sulat na natanggap. 



Kinukuha niya ang serbisyo ko sa darating na grand opening ng resort. Next week pa naman iyon ngunit kailangan kong pumunta sa mga meeting na gaganapin para malaman ko ang mga nais at allergies ng mga taong dadalo. Hindi ako dapat magpadalos-dalos sapagkat ito ang unang beses kong maiimbitahan sa ganitong mga okasyon.



Excited na agad ako at para akong binudburan ng asin dahil buong araw na hindi nawala ang ngiti sa aking labi at pasayaw-sayaw pa ako.



"Good mood si Ate Camela, ah?" Hirit ni Budoy.



Inirapan ko ito ngunit nanatili ang ngiti sa aking labi. "Wala nang pakialaman, Doy! Hindi ko nga pinakialaman 'yang amos sa bibig mo."



Agad naman nitong tinanggal ang amos niya kahit wala naman siya noon dahil binibiro ko lamang siya.



Sa mga sumunod na araw ay sumasama ako sa mga meeting na patawag mismo ng organizer ng party. Pumunta naman saglit iyong may-ari ngunit sandali lamang subalit may kailangan pa siyang puntahan.



"The visitors are from different countries and places here in the country. Some might be big people and some are just the owners colleagues," paliwanag nito. "Sa main food natin, provided by the caterer at naibigay na ni Sir Williams ang mga pagkain na ihahanda 'di ba?"



Tumango naman ang head ng caterers na kinuha. Nilingon naman ako nito.



"Ikaw ang nakuha para sa mga dessert 'di ba? Are you Ms. Carmella?" She asks.



I nodded. "Yes, Miss. Uh... Natanggap ko na ang mga lista ng kailangang idala sa event. May mga lista na rin ako ng bawal ilagay at mga ingredients na mostly allergic ang mga tao gaya ng peanut."



"Very good." Puri nito. "Basta ang main goal lamang n'yo ay ma-satisfied ang mga visitor sa mga serbisyo ninyo. This is the first time again to have a big event here in Claveria and if we fail, people might not visit here again. Understood?"



This place is just a small part of the country. Madalas kulang ang mga supply ng gamit at pagkain kaya kailangan pang umangkat sa katabing bayan. Iyon ay mahirap sapagkat wala namang magagarang sasakyan ang mga tao rito. May mga jeep naman kaya nagkakaroon ng laman ang palengke.



Todo handa ako para sa okasyon at halos hindi na ako nagbubukas ng store dahil lahat ng mga ingredients ko ay nakatalaga para sa resort. Nauunawaan naman ako ng ilang mga suki ko sapagkat alam nilang ito ang unang beses kong makatanggap ng ganoong imbitasyon.



Until We Fall In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon