Chapter 3

22 2 8
                                    

Chapter 3 | Dugyot

I didn't eat merienda and dinner when Lola called me. I have no appetite to eat realizing that I'm stuck here forever.

Narinig ko nalang na umalis ang kotse nang mag-alas sais na at hindi ko na sila binaba simula noong pumasok ako dito.

Napatitig ako sa mga luggage kong nasa carpet at hindi ko pa rin nabubuksan. Tatlo iyon at lahat ay large size. Sa luggage ni Ate Angel ay mga bags, skincare, makeup, at mga heels ko. Sa puting luggage ay mga maari kong pambahay at sa itim ay mga pang-alis ko. Lahat nang iyon ay hinanda ni Nanay Rita at lahat ay nasa loob pa rin. 

Hindi ko kayang maglagay ng mga gamit ko dito dahil hindi ko naman ito bahay! Hindi ako dito nakatira at aalis din ako dito mamaya!

For sure, Lola would understand me. Everything is against my will and what I planned is to escape to this stinky place. 

This whimsical earth tone bedroom design brings a touch of nature into my space. Beige color walls are accented with playful decor, including a hanging plant and dreamy fairy lights. The bed is adorned with earthy green bedding and textured throw pillows. At the left side of the bed is the glass door, with white long thick curtains, on the way to the balcony.

The floor let the carpet lay beside the bed and it was partnered by a small two single olive green sofa. The chandelier above the bed is twinkling and very modern. The two doors leading to the bathroom and walk-in closet are color white and good-looking.

"Lana! Gising ka na ba?" Tinig iyon ni Lola at marahang kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

I rolled my eyes and pretended that I was still sleeping. If they open the door using their key, I will jump on the balcony. 

"Tulog pa yata, Madam. Pagod na pagod yata sa nangyari kahapon." Ani ng nurse na mas lalong nakapagpa-irap sa akin.

Napakapakialamin pero ayos na rin iyon at tinataboy nila ang sarili nila sa kwarto na ito. Mga feeling tanggap ako sa bahay nila pero wala naman silang choice dahil sina Mommy na ang nakiusap na itira ako dito.

I sighed and stood up. Binuksan ko ang kurtina at napapikit nang tumama sa aking mukha ang sinag ng araw. I opened the glass door and went outside the balcony. Mula dito ay nakikita ko ang mga nadaan sa mga iskinita. I'm glad that they still have a brain to not build a house near the highway. The sound of the tricycle here is probably horrible. 

Bigla ko tuloy na-miss ang tunog ng Lamborghini at McLaren sa BGC.

Wala pang limang minuto akong nasa balkonahe ay nakaramdam na agad ako ng pagka-inip. Wala na akong maisip na gawin at hinding-hindi ko talaga aayusin ang gamit ko! Ayaw ko rin namang lumabas. Wala ring signal na siyang kinaiinisan ko at hindi ako makabalita sa isyung kinahaharap ko dahil hindi ko mabukasan ang socials ko!

"Lana? Can you open the door?" It's the annoying nurse. 

Who gave her the right to call me by my name? Bakit? Kilala ko ba siya?

Wala akong naging choice kung hindi ang pagbuksan siya ng pintuan. It's now eight in the morning and I just took a bath. Mga dala kong toiletries ang ginamit ko at kahit tissue ay wala akong ginamit na pagmamay-ari ng bahay na ito.

Sumalubong sa akin ang pangit niyang mukha. Kahapon ko pa napapansin na palagi siyang naka-dress dito sa bahay. Ngayon ay naka-baby blue dress siya at lagpas tuhod iyon. May bitbit siyang tray ng pagkain at pinakita iyon sa akin na parang 'di ko naman nakikita.

Umirap ako at nalaglag naman ang panga niya. "Anong gagawin ko d'yan?" I asked coldly.

She tried hard to smile. I scoffed silently. Hindi ko pa napapakita tunay kong ugali tumitiklop na agad 'to? Wala palang kwenta, eh!

Until We Fall In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon