I’ve learned that things change, people change, and it doesn’t mean you forget the past or try to cover it up. It simply means that you move on and treasure the memories. Letting go doesn’t mean giving up. It means accepting that some things weren’t meant to be. – Brian
Dalawang taon. Dalawang taon kong hinintay ang pagkakataong ito. Hawak – hawak ko na. Nasa mga kamay ko na ang susi para maabot ko ang aking mga pangarap. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang hindi ako masaya?
Tiningnan ko ulit ang papel na hawak ko.
“The Roman Catholic Archdiocese of Cincinnati would like to inform you that you, Mr. Brian Mendez, have passed and now invited to study in the prestigious school for priests.”
Dapat ay masaya ako sa balitang ito. Pero bakit? Dahil ba maiiwan ko na siya? Sa loob ng isang taon naming pagiging magkasintahan ay naging masaya ako. Mahal na mahal ko siya at handa akong talikuran ang opurtunidad na ito para sa aming dalawa.
“Brian” tawag niya sa akin.
“Jessie” Dali-dali ko siyang pinuntahan at inakay papasok ng simbahan.
Nasa harap kami ng altar ng magsimula akong magsalita. Kinakabahan man ay desidido na ako sa gagawin kong ito. Hinawakan ko ang mga kamay niya at tiningnan siya sa mga mata.
“Sa loob ng isang taon nating magkasintahan, hindi kita ginalaw at ipinapangako ko sa iyo, sa harap ng Panginoon, na hindi ko gagawin yun hangga’t hindi tayo naikakasal. Hindi man maipapangakong magiging tayo pa rin hanggang sa huli ngunit mamahalin kita hanggang sa makakaya ko.”
Nilabas ko ang sulat na natanggap ko kani-kanina lang at ipinakita sa kanya. ‘Natanggap ko to kaninang umaga at para maipakita kong seryoso ako sa ating dalawa gagawin ko to.” Kaya naman sa harap niya mismo at pinunit ko ang natanggap kong sulat. Niyakap niya ako habang pareho kaming umiiyak. Akala ko magiging maayos ang lahat ngunit nagkamali pala ako.
“Bry, do you believe that some people would just fall out of love?” tanong niya habang ako naman ay nagtatakang napatingin sa kanya. Nagtatanong ang mga mata kung ano ang ibig niyang sabihin. Nang hindi ako sumagot ay nagpatuloy lang siya. “Because I do. I just did. I fall out of love, Brian. I’m sorry.”
Shocked. Hindi mai-process ng utak ko ang mga sinabi niya?
“May iba ba?” nanghihina kong tanong.
“Walang iba, Bry. I just don’t feel the spark anymore. I’m sorry.” Niyakap niya ako. For the last time saka siya nagmamadaling tumakbo palabas ng simbahan.
Naiwan akong nanlulumo, umiiyak. Naitanong ko sa sarili ko kung ano ang nagawa kong mali? Eto ba ang kabayaran ng pagtalikod ko sa Kanya? Patuloy akong umiiyak, nagtatanong kung bakit nangyari sa akin ito. Nagmahal lang naman ako. Bakit ganito? Sobrang sakit.
*****
YEARS LATER.
Isang naiiyak ngunit masayang Jessie ang nakikita kong naglalakad papunta sa harap ng altar. She was so beautiful in her wedding gown.Ako naman ay nakatayo lang at hinihintay siyang makalapit sa altar. I’m happy that she’s smiling and happy.
Nasa harap ko na siya. Shocked, hindi niya siguro inakala na ako ang paring magkakasal sa kanila ng magiging asawa niya. I smiled at her. Then I began the ceremony.
“Jessie, do you take this man as your locally wedded husband and promised to be with him forever?”
“I do.” Sagot niya. I was waiting to feel any pain but there’s none. I guess, I’ve totally moved-on.
I turned to her soon-to-be husband and asked the same thing.
“I do.”
“By the power vested in me, I now pronounced you, man and wife. You may now kissed the bride.” I said and nodded. I smiled at them and I saw her mouthed something.. “Thank you.”
I watched them as they walked out towards the door. I sigh, feeling happy and contented. I am now with Him. He taught me to how to let go and move-on. Then along the way I’ve learned that things change, people change, and it doesn’t mean you forget the past or try to cover it up. It simply means that you move on and treasure the memories. Letting go doesn’t mean giving up. It means accepting that some things weren’t meant to be.
*****
TRUE STORY! Though I’ve revised some details but it happened. I want to share this one with you. It’s the very first emotional (I guess, for me. I don’t know sa inyo.) story I’ve written. So, yeah. Bare with me kung medyo lame. Thankieeees for the support folks. Mwah. Mwah.
♥♥♥♥ YourSweetestDarnFall
© All Rights Reserved