Chapter 1

14 8 0
                                    

   I AM reading my boyfriend's story — I mean my fictional boyfriend. He's name is Javier Alejandro Devvan an Italian model. He is a womanizer according to the author but despite of being a womanizer I fell inlove with him, even though he is just a character of the novel.

"Ito na yun?!" sigaw ko bigla.

   The hell! Ba't to be continued?! naman eh! Kung kailan malapit ng nagconfess si Javier kay Samantha doon pa pinutol ng publishing company ang libro! Hindi to pwede, I have to buy another volume of this book! Kailangan kong pumunta ng National Book Store.

"Ms. Veléz baka nakakalimutan mo na marami ka pang gagawin?" sabi ng manager ng agency na pinasukan ko

"Ah... Sir can you give me a break? Kahit 1 hour lang, please po I have  to buy those novels baka maubusan na naman ako eh" nagmamakaawa kong sabi sa kanya

"No! Alam mo namang malapit na ang Exhibition right? You need to work faster! Ikaw pa naman ang pinaka magaling na pintor dito"

   Papaalis na sana si sir pero desperada talaga akong makabili ng libro kaya niyakap ko siya bigla sa binti.

"But Sir please just this once and after that I will start painting, please have mercy" naiiyak kong sabi artistahin kasi ako eh

   Oa na kung oa but I really need to buy those books napakabitin naman kasi. Kainis?!

"What the! Ginawa mo pa akong killer! Okay fine, but after 1 hour nandito ka na!" sukong sabi ni Sir

   Yes! Dali–dali kong niligpit ang materials ko at umalis. Habang nasa biyahe ako papuntang mall ay binuksan ko muna ang twitter ko kung may update ba ang author and luckily nakita ko siyang nag tweet, ang sabi na release na daw ang volume 5, 6 at 7 ng libro. May pinost din siyang picture na libro.

   Pagdating ko sa mall ay agad akong pumunta sa book store at di ko inaasahang ganito pala kadami ang mga tao sa loob na halos di na magkasya. Nakipagsiksikan ako sa mga tao sa loob at agad pumunta kung saan naka display yung mga libro.

   Kailangan kong nakabili ng libro, tama na yung nagdaang buwan na naubusan ako dahil sa dami ng bumili.

Buti hindi ako naubusan, kinuha ko ang volume 5, 6 at 7 tsaka hinalikan.

   After 30 minutes nakapila padin ako. Tinignan ko yung oras sa cellphone ko at 12:45pm na. Paano na to? Hindi pwedeng hindi ko to mabayaran, alangan namang itakbo ko to, edi makukulong din ako?

   Habang nag–iisip ako ng paraan para mas mapadali ang pagdating ko sa counter ay nakita ko yung kaibigan ko and base on his outfit mukhang nagtatrabaho siya dito. Agad ko siyang nilapitan at kinumusta.

"Cray is that you?! How are you? Dito kaba nagtatrabaho?" sabi ko sa kanya at niyakap ito

"Hi Dev, okay lang naman. And yep manager ako dito, how about you? Kamusta na ang isang Devon Camilla Veléz? Oh isa ka na nga palang sikat na pintor" sabi nito na may paghanga

"Ito busy as always siningit ko nga lang ito para makabili ng libro eh, and since you are the manager...can you do me a favor? Ah I mean do me a favor that's not a question that's an order. Nagmamadali kasi ako eh" natatawang sabi ko

"Hindi ka padin nagbabago Dev. Okay I'll do it MASTER" natatawang sabi niya at kinuha yung nga librong hawak ko

   Cray Laxer Ferrer is my enemy since highschool but when we we're in college napagkasunduan namin na sasali kaming dalawa sa isang car racing at kapag nanalo siya ay magiging girlfriend niya ako pero pag ako ang nanalo magiging slave ko siya for the whole year. And luckily ako ang nanalo kaya mula noon ay tinatawag na niya akong master. Habang tumatagal ay nagiging mabait na siya sa akin kaya naging magkaibigan kami.

"Here, at sana sa susunod na magkita tayo labas naman tayo, friendly date" sabi niya at inabot sa akin yung mga libro

"Sure pag wala na akong gagawin I mean hindi na tambak ang gawain" sabi ko at nag paalam na sa kanya.

———————

"Buti naman at nakabalik ka kaagad, sige you can start painting now" sabi ni Sir at umalis

Buti nalang nandun si Cray hayst thank god.

   Habang nagpipinta ako ay hindi maalis sa isip ko si Javier, kaya imbis na magpinta ako para sa Exhibition ay itinabi ko muna ito at kinuha ang libro at binasa ang naka describe kay Javier. Habang nagbabasa ako ay ini imagine ko din ang mukha niya at agad itong ipininta.

   Pagkatapos kung magpinta ay tinitigan ko ito. Hindi ko akalaing ganito pala ang isang Javier Alejandro Devvan, ang hot at ang gwapo pala niya? Para siyang anghel na binaba sa lupa. I love you!

   My gosh! Nababaliw na ata talaga ako. Pinagpapantasyahan ko na ng sobra–sobra ang isang karakter sa nobela.

Out of Reach (Devon Camilla Veléz)Where stories live. Discover now