KABANATA 16: DEATH THREAT

34 2 0
                                        

AUTUMN'S POV

"Kung ganito lagi kasarap ang pagkain, mananaba kami," pahayag naman ni Asher kaya natawa ang lahat.

"Need niyo lang mag-excercise palagi para ma-achieve pa rin ang beach body," seryosong turan naman ni Radcliff.

"Haynaku lolo, wag ka ngang seryoso. Alam mo ba yung joke lang?" pambabara naman ni Asher kaya sinamaan siya ng tingin ni Radcliff.

"Pabayaan mo na yan, sign of aging yung pagiging seryoso nila, tingnan mo si Archie ganun din," pahayag ni Preston kaya naman napatingin kaming lahat kay Archie.

"What?!"" naiiritang asik nito sa amin kaya naman bahagya siyang pinalo ni Ms. Shina.

"Wala tayo sa praktis, wag kang masyadong seryoso," paalala nito.

"Oo nga naman boss Archie, kalma ka lang diyan," biro naman ni Lily saka  sumenyas pa na kumalma kaya nagsitawanan na naman ang lahat.

Natigil lamang kami sa tawanan nung makarinig kami ng doorbell mula sa pintuan. Akmang tatayo sana ako nung pinigilan ako ni Preston sa pamamagitan ng paghawak niya sa braso ko.

"Ako na lang," wika niya saka siya mabilis na tumayo.

Wala na akong nagawa kung hindi mag-stay put sa pwesto ko at makinig sa bardagulan ng anim. Minsan ay pasulyap-sulyap ako sa direksyon ng living room dahil matagal-tagal din ang pag-alis ni Preston.

"Oh kanino yan?" bungad na tanong ni Asher kay Preston pagbalik niya sa amin.

"Hindi ba kabilin-bilinan namin sa inyo na huwag tatanggap ng regalo from the fans?" salubong na kilay na paalala ni Radcliff.

"Hindi naman para sa atin 'to," tugon ni Preston at lumapit sa akin saka inabot yung regalo.

"Sa akin?" di siguradong turan ko sa kaniya. 

Tumango naman ito, "yep. Sinure ko pa nga na para sa iyo. Actually the note is a sweet message," saad niya.

Tinanggap ko naman ito saka binasa ang nakasulat, "we hope this gift will cheer you up."

"Aww ang sweet naman nung nagpadala niyan," komento ni Ms. Shina.

"True ka diyan, Ms. Shina," sang-ayon naman ni Lily. "Buksan mo na sissy," utos naman nito sa akin.

"O-okay..." sagot ko dahil may kaba sa dibdib ko nung tinanggap ko yung gift. Sinimulan kong buksan ang regalo habang lahat sila ay excited din na makita ang laman nito.

"Ah!!!!"

Napatili ako ng makitang may lumabas na ipis doon sa box at sa kamalas-malasan pa ay bumagsak ako mula sa upuang kinauupuan ko. Nataranta naman ang lahat dahil sa nangyari at narinig ko pa nga ang ilan sa boys na napamura dahil sa nangyari.

"Are you okay, Autumn?" nag-aalalang tanong ni Ms. Shina sa akin.

Imbes na sagutin siya ay napahawak ako sa mga daliri ko. Napasinghap ang lahat ng makitang may dumadaloy na dugo mula roon. Nung pagbukas ko kasi ng box ay may matalim na bagay sa gilid at dahil sa pagkataranta ko nung lumabas ang ipis ay nakaskas ang daliri ko roon.

ARCHIE'S POV

Naikuyom ko ang aking kamao nung makita ko ang dugong dumadaloy sa daliri ni Autumn. Lalapit na sana ako nung mabilis na binuhat ni Preston si Autumn at nagmamadaling pumunta sa gripo. Mabilis naman silang sinundan ni Shina at Lily habang kaming anim ay mukhang iisa ang nasa isip.

"Let me take a photo of this disgusting thing and send it to the company," boluntaryo ni Radcliff na tinanguan ko.

"Tell Shina to look for another villa para kay Autumn at Lily," huling sabi ko saka ako ko sila tinalikuran.

"Archie, san ka pupunta?" rinig kong tanong ni Dylan.

"May aasikasuhin lang ako," tugon ko saka sila tuluyang iniwan sa dining area.

Mabilis kong tinungo ang aking sasakyan saka ito pinaharurot papunta sa company namin. Tsk, kung sino man ang nasa likod nito ay sisiguraduhing ko na magbabayad sila. No one mess in our manager like that.

***

"Saan ka ba galing?" salubong sa akin ni Shina pagpasok ko.

"May inasikaso lang," tipid kong sagot saka dumiretso sa sofa at isinandal ang sarili ko. "Kamusta si Autumn?"

"Pinagpahinga muna namin siya at mukhang tulog na ito. Kasama niya dun si Lily." Si Radcliff na ang sumagot sa tanong ko.

Napatango na lamang ako saka hinilot ang sentido ko. I felt like I had a long day dahil madilim na nung makabalik ako ritoa sa villa.

"May dapat ka pa palang malaman, Archie..."

Tuminginn ako kay Preston ng magsalita ito. Doon ko napansin ang seryosong mukha nilang pito.

"What?" tanong ko. 

Imbes na sagutin ako ay may inabot sa aking papel si Preston. Kinuha ko naman ito saka binasa. Nilukot ko ang papel sa inis nung mabasa ko ito. 

"This is a serious matter, Archie. Direct death treat ito kay Autumn," nag-aalalang pahayag naman ni Asher na tinanguan naman ng iba naming kasama.

"Hindi natin na-anticipate na magiging ganito ang reaksyon ng iba sa pagpili natin kay Autumn," wika naman ni Shina. 

"Ang kumpanya na ang bahalang umayos ng gusot na ito. Naipadala niyo naman na lahat ng ebidensiya, hindi ba?" tanong ko sa kanila.

"Oo, kasama yang nilukot mo," tugon ni Nathaniel.

"Nakahanap na din kami ng villa para kay Autumn at Lily," sambit naman ni Zacheus saka hinarap sa akin ang laptop nito.

Lumapit naman ako saka tiningnan ang mga pictures ng villa. Maganda naman ang mga desinyo nito at nasa highly secured place.

"Buy this one tonight. I want them na makalipat bukas na bukas," utos ko na nakatingin kay Shina.

"Copy on that," sagot naman nito. "Well, we all had rough days. Magpahinga na kayo at marami pa tayong aasikasuhin sa mga promotion events niyo sa mga susunod na araw," dagdag pa nito.

Tumango naman ang lahat saka isa-isang nagsitayuan na rin at pumunta sa kani-kanilang kwarto. Si Shina naman ay pumunta sa veranda para siguro gawin ang iniuutos ko. Tumayo na rin ako saka naglakad papunta sana sa kwarto ko.

"Sir Archie," gulat na tawag sa akin ni Lily nung magkasalubong kami sa hagdan. Tipid ko lamang siyang nginitian.

"Akala ko po ay di na kayo babalik dito sa villa kasi sabi po nila ay may aasikasuhin daw po kayo," confused na sabi nito.

"Yeah... pero okay na ang lahat," sagot ko naman. "Si Autumn?" tanong ko.

"Nakatulog na po Sir," tugon niya.

"All right. Magpahinga ka na din at maaga pa tayo bukas," sagot ko naman.

"Good night po, Sir Archie," huling sabi ni Lily.

Nginitian ko na lamang siya saka dumire-diretso na sa taas. Ngunit imbes na sa kwarto ako pumunta ay natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nasa pinto ng kwarto ni Autumn. Maingat ko itong binuksan upang hindi ko makagawa ng ingay. Mula sa pintuan ay tinanaw ko ito na mahimbing ang pagkakatulog. Kinabahan naman ako ng bigla itong gumalaw at dumilat.

"Sir Archie?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Apr 11 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVING YOU FROM AFAR | CHASING DREAMS SERIES #4Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon