Prologue
"Celth" mahinang tawag ko sa kanya, nakasandal ito sa pader at halatang may hinihintay na lumabas mula sa gate.
Bahagya akong napangisi habang papalapit ako sa kanya, hindi ko naman akalain na susunduin nya ako ngayon, ang sabi nya kasi ay hindi sya makakapunta dahil marami syang ginagawa, paanong nandito sya at hinihintay ako?
Malawak ang ngiting sinalubong ko sya, ngunit malamig na tingin ang iginawad nya sakin, ganito sya last past few months, lagi syang busy at may ginagawa, dumating pa sa punto na kahit kausapin ako sa personal ay hindi nya magawa.
"Celth" tawag ko ulit sapat na para marinig niya
Yayakap sana ako sa kanya ngunit bahagya nya akong inilayo na ikinagulat ko, tatlong buwan kaming hindi nagkita natural lang naman siguro ang yumakap sa kanya?
"How long have you been cheating on me Celestine?" Diretsyong tanong ni Celth, kalmado ito ngunit ramdam ko ang tensyon na namumuo.
"A-anong sinasabi mo?" Kunot noong tanong ko sa kanya, kung biro lang to sana naman ayusin nya dahil hindi nakakatuwa.
"You heard me, do I need to repeat it? How long Celestine?" Diretsyo ang tingin nito at hindi kinakikitaan ng ano mang emosyon.
"C-Celth" nauutal kong banggit habang nakatitig pa rin sa mga mata niya
Mapait na tawa ang ibinigay ko sa kanya, akala ko nagbago na sya, na baka pag nagkita na kami ay magiging maayos na ang lahat but still He never trust me, He never did. Akala ko ok na kami, hindi pa pala
Sunod sunod na luha ang pumatak mula sa mga mata ko, gusto kong tumawa pero hindi ko kaya, gusto ko syang kwestyunin pero hindi ko magawa, nangingibabaw ang pagmamahal ko kaysa sa pagkadismaya ko
"I didn't cheat Celth, I never did" nag angat ako ng tingin sa kanya at pinagmasdan ang mukha ng taong kinahuhumalingan ng puso ko.
"Papaikutin mo nanaman ba ako Celes?" Tumawa ito na nakakainsulto, sabay sipa sa gulong ng kostse nya
"Really? hindi ako manloloko at alam mo yan" Nangiginig ang labi ko ng harapin ko ang mga mata nya "A-akala ko kilala mo ko?"
"Kilala? Celes naririnig mo ba sarili mo? I wished I never knew you" dahan dahang tumulo ang luha ko,
.... I wish you never knew me Celth"What did I do to make you feel like this? Did I gave you reasons to despise me?" Hahawakan ko sana ang kamay nya ngunit sya na ang nag layo nito
"YES, You gave me reason Celestine, you gave me a Fucking reason to LEAVE you" At doon ako nag simulang manlambot, All I did was for him to love and trust me and yet all he did was to break me apart.
"Ipipilit mo pa rin ba na nakipagrelasyon ako sa iba ? That was a long time ago C-Celth, walang nangyaring ganon at hindi ako nagloko, j-just please don't leave me" humarap ako sa kanya.
Hanggang ngayon ay pinanghahawakan nya pa rin na nagloko ako kasama ang best friend nya kahit hindi naman, pakiramdam ko ay ang sama sama kong tao para makaisip sya ng ganon. Nakakapanlambot.
"Kitang kita ko Celes, kitang kita ko kung paano mo ko lokohin, and yet here you are, denying all of it!" Akmang aalis na sya ng yakapin ko sya mula sa likod
"P-please, Don't l-leave me please" humihikbing sabi ko habang nakayakap pa rin sa kanya
Dahan dahan niyang tinanggal ang mga kamay ko at tuluyang sumakay sa sasakyan.
He left me....
Walang ibang laman ang isip ko kundi ang mga nangyari, Tatlong taon kami at ang sakit sakit na itinapon nya na lang yon basta basta, Pinunasan ko ang mga luhang kanina pa tumutulo sa mukha ko.
"I love you Celth" dahan dahan akong tumawid hanggang sa hindi ko namalayan ang kotseng mabilis na nag papatakbo.
Walang oras para umiwas, kitang kita ko ang mabilis na pag lapit nito....
I'm sorry....
"Check the Vitals!"
"Doc, Heart rate is low! Excessive bleeding!"
"Ready for emergency operation! Call the relatives!"
"Possible relative answered, Celth Severus"
"D-Doc I-I think s-she's pregnant"
Unti unting nandilim ang paningin ko at tuluyan na akong nilamon ng dilim.
I'm three months pregnant Celth.... I was about to tell you... I'm sorry... I think I'm drifting away.....
BINABASA MO ANG
CELESTINE
RomanceCelth Severus was looking at the sky that evening, wondering about that drifting meteors from afar. His eyes light up as brighter as the falling meteors in the sky, silently hoping for his Drifting Celestia to come find her way back into him.