27: Sevirino Elliot Dimagiba

1.2K 31 6
                                        

" di ipagpapalit "


" 10 milyon, layuan mo si Harriet."

Hindi ako nakaimik mula sa narinig kay Don Lucio Santibañez.

Hindi ko alam ang rason kung ba't bigla niya akong pinatawag.

Sinabi pa niyang huwag ko raw ipaalam kay Harriet yung pagpunta ko rito ngayon sa kanilang mansyon.

I am just sitting here not making any move.

" Alam kong kailangan mo ngayon ng pera para makabawi mula sa nasunog niyong warehouse. Kaya bibigyan kita ng 10 milyon, hiwalayan mo lang si Harriet."

Kakalibing lang ni itay 'nung isang araw at ni anino ng pamilya ni Harriet ay hindi nagpakita sa araw na yun. Kahit sa nagdaang burol ni itay, walang Congressman Santibañez ang dumating.

Walang sinasabi si Harriet sa'kin pero ramdam ko naman na may problema talaga.

At ngayon nga napatunayan kong meron nga.

Napatingin lamang ako ng maigi sa kanya.

10 milyon? Tama siya. Sa perang yun ay makakapagsimula na ulit kami nun.

Pero?

" 10 milyon Sevi.."

Napakurap ako.

Ano 'to? Ba't parang nakakatawa naman ng sinabi niya?

Para namang nasa episode kami nito sa isang telenovela. Seryoso ba talaga siya? Ito na ba yung part na sasampalin niya ako ng pera para layuan ko lang ang anak niya?

" 10 milyon lang? " Nilaro ko nalang. Masyadong patawa tong si Don Lucio eh.

Napatda siya at hindi makapaniwala sa naging tanong ko.

He smile hilariously.

" Sinasabi ko na nga ba. Napakatanga talaga ng anak ko para piliin ka. Tingnan mo nga naman..higit ka pa pala sa inaakala ko." I can see there the dissapointment on his face as he look at me.

" Masyadong maliit yung sampong milyon Don Lucio."

He smirk and look at me in a manner like he's about to kill me.

Napalunok naman ako at seryoso siyang tiningnan.

" Sege..name your price."

Napangiti ako sa kanya ng mapakla.

" Buong kayaman mo kapalit ng pag-iwan ko kay Harriet."

Napadilat siya.

Natawa naman ako.

" Ano ako tanga? Harriet is worth more than just 10 million. Hindi ko siya iiwan, unless ibigay mo lahat ng kayamanan mo kapalit niya."

Napasandal siya ng di oras sa kanyang swivel chair.

He's impossibly staring at me. Ilang sandali pa ay napangisi siya. Yung ngising aso na parang naulol.

" Pinaglalaruan mo ba ako, Sevirino?"

Nagkibit balikat ako.

" Basta yun ang kondisyon ko sa'yo. Buong kayamanan mo kapalit ni Harriet." Tingnan natin kung kaya mong maghirap makuha lang ang gusto.

I am just bluffing. Alam ko namang imposebleng ibigay niya yung gusto ko.

Saka kahit ibigay pa niya, wala akong balak na hiwalayan si Harriet.

Ano siya? Hello?

Akala ko sa mga telenovela lang to nangyayari.

Natatawa talaga ako dito sa papa ni Harriet.

NEVER BROKE ME AGAIN (Broken Vow Trilogy:2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon