" call "
Hindi ako makagalaw mula sa kamang inuupuan.
Hanggang ngayon hindi pa'rin talaga ako makapaniwala na nangyayari 'to.
Talaga bang nangyayari na 'to?
Talaga bang sinabi 'yun ni Sevi?
Mahal na nga ba talaga ako ni Sevi?
Pero paulit-ulit eh. Paulit-ulit kong naririnig sa kanya na totoo na talaga 'to.
Ni hindi siya nagbibiro o nagpapakita ng anumang kaduda-duda na kilos.
Tahimik ko siyang pinagmamasdan habang inaayos ang mga gamit ko sa loob ng aparador niya dito sa kwarto sa villa.
Napalunok ako.
I was just testing him a while ago. Na trigger kasi 'yung pride ko dun sa sinabi niya na hindi ko kayang panindigan 'yung nararamdaman ko sa kanya dahil nga nakuha ko na ang gusto.
Kung alam lang niya yung hirap at sakripisyo ko sa pagmamahal na ito.
Kaya naman nasukol na ako.
I was left with no choice but to prove to him that I am not bluffing all this time.
Na hindi ito experiment sa'kin para lang masatisfy yung boredom ko. I am really into him.
Pero.. naalala ko bigla ang rason kung bakit ayoko na pala siyang mahalin.
Damn..oo nga pala. Ayoko na siyang mahalin dahil sa naranasan ko sa kanya.
Pero ano 'to Harriet?
You even intiated the idea na magtabi kayo ng higaan!
Na'san na yung part na aalis ka na talaga ng resort? Na'san na yung ipa-aanull mo yung kasal niyo dahil magmomove-on ka na sa kanya?
Asan na Harriet? Ha?
Bakit para ka namang gaga na sumunod pa sa kanya 'rito?
" Ayan..tapos na! " Excited siyang humarap sa'kin. Kaylapad pa ng mga ngiti niya.
Nahigit ko bigla ang paghinga nang bigla siyang tumabi sa'kin.
He even get closer to me as I move away also from him.
Maang lang akong napatitig sa kaya.
" Gusto mo kumain? " Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Napakurap lang ako at naging tahimik.
Umiwas ako ng tingin sa kanya saka naguguluhang napaisip.
" May problema ba, Harriet? "
Alam mo 'yung nasanay na ako sa masamang pakikitungo niya sa'kin tapos nang magbago siya, sobrang nakaririndi pala sa pakiramdam.
Hindi ko akalain na sobrang ma-aawkward ako ngayon sa mabait niyang pakikitungo sa'kin.
Para kasing hindi 'to si Sevi. Parang ibang tao na 'tong kaharap ko.
Nasapian ba siya?
" Magtapat ka nga sa'kin, pinagtitripan mo ba ako, ha? "
Napatingin siya ng maigi sa'kin.
Ilang sandali pa ay ngumiti na naman siya.
Yung mga ngiting hulog na hulog ako dati.
" Medyo awkward ba? "
Hindi lang awkward. I feel cringe also.
" Hindi medyo. Sobrang awkward talaga. Hindi ako sanay na ganyan ka."
BINABASA MO ANG
NEVER BROKE ME AGAIN (Broken Vow Trilogy:2)
RomansaHarriet Denise Santibañez is very inlove with his half brother's friend, Sevirino Elliot Dimagiba. Knowing she is the daughter of the richest man in their town, so she used her dad's power and influence just to get the man she wanted in this life. P...
