Chapter 1

183 3 0
                                    

*Zandria’s Pov*

I was walking down the stairs when I heard laughter coming from the living room. Mukhang may bisita si papa; pagbaba ko ng hagdan, napansin ko yung lalaking kausap niya.

Totoo ba itong nakikita ko? Nandito na ulit siya?

I hadn't seen his friend, Mariano Escriba, in a long time. I last saw him during my debut. Five years have already passed.

Hindi pa rin kumukupas ang kagwapuhan niya, parang lalo pa siyang naging gwapo kahit may edad na.

Agad akong napa-iwas tingin dahil napatingin sila sa akin. Muntik na ako doon buti na lang mabilis akong nakaiwas.

“Oh, Zand, pupunta ka sa school?”

Tanong ni Dad, tumango naman ako bilang sagot. Pakiramdam ko sobrang pula ng aking mukha, landi mo self! Para mo na tatay 'yan!

“Kumain ka muna, bago pumasok sa school.”

Muli niyang sinabi, dahil lalabas na sana ako para tumakas. Narinig kong tinanong niya kung ako na nga ba talaga.

“Si Zandria ba yan?” Tanong ni Uncle Mariano, sakit naman pangit ko na kasi kaya siguro hindi ako nakilala.

“Oo, laging late umuwi. Ewan ko ba sa batang 'yan. Pagsabihan mo nga, Mariano, dahil hindi na siya nakikinig sa’kin.”

Problemado na sabi ni papa kay Uncle Mariano, hanap pa kakampi ang isang to hirap na hirap na nga akong magpalusot sa kanya. Mas mahigpit pa naman siya kesa kay papa.

“Papa, sinabi ko naman sa'yo 'di ba late ako na makakauwi dahil meron dahilan.”

Tugon ko sabay nguso. Dahil hindi pwedeng sabihin na nagtatrabaho ako para makatipid. Gusto ko kasing magtrabaho sa Maynila pagkatapos kong mag-aral.

"Dahilan mong laging sekreto." Agad niyang sagot lalo akong napanguso dahil hindi to matatapos, kailangan ko ng umalis.

"Aalis na ako papa. sa school na me kakain. Bye!"

Paalam ko, lalakad na sana ako pero biglang nagsalita si Uncle Mariano.

"Sumabay ka na sa akin, Zandria."

Seryoso niyang sabi aangal pa sana ako kaso naunahan na akong magsalita ni papa.

"Sumabay ka na, madadaanan din naman niya ang pinapasukan mong paaralan."

Wala akong nagawa kundi kay Tito Mariano sasakay, I mean sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto, sana all gentleman.

Nakakahiya naman sumakay dahil ang ganda ng kotse niya. Halatang mamahalin sabagay seaman kasi siya at mayaman na talaga sila. Sana all 'di ba?

Tahimik lang ako habang papalabas kami ng subdivision. Naiilang na ako sa kanya dahil ilang taon na rin kaming hindi nagkikita.

“Kamusta ang pag-aaral mo? Anong year ka na ngayon?” Sunod-sunod niyang tanong pero sa malamig pa rin ang tono, kaya lalo akong naiilang para nakikipag-usap sa taong yelo.

"Ayos lang po Uncle Mariano, 4th year college na po ako." Magalang kong sagot bago tumingin sa labas, kanina pa ako hindi mapakali tapos ang bilis ng tibok ng puso ko.

Sino bang hindi kakabahan, ihahatid ako ng iniibig ko. Oo gusto ko siya nong sixteen years old palang ako. First crush ko siya, hanggang sa lumalim ng lumalim ang aking nararamdaman.

"Hanggang kailan ka po dito Uncle Mariano?" Tanong ko sa kanya habang nasa labas pa rin ang tingin. Mahihirapan ako kapag nandito siya, ang lakas kasi ng pakiramdam niya.

SISID MARINO (Spg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon